Chapter 3-Kalinisan sa ating paligid

8 5 0
                                    

CHAPTER 3- Kalinisan sa ating paligid

Che's Pov

Masaya akong naglinis, habang hinihintay ang mga bata. Unti-unti silang tumakbo papunta sa akin.

"Magandang umaga po, Ma'am Che." Niyakap ako ni Kyler. Si Kyler, ang pinaka bibo sa kanilang lahat.

"Good morning, mga anak," bati ko sa kanila. Isa-isa silang umupo sa kani-kanilang upuan.

"Kumusta kayo? Anong ginawa niyo sa dalawang araw na walang pasok?"

"Nagsusulat po Ma'am Che," sabi ni Monica.

"Very good," sabi ko kay Monica.

"Ang ituturo ko sa inyo ngayon ay ang kalinisan sa paligid natin. Ang ginawa ko mga anak ay ang paglilinis ng bahay at bakuran. Alam niyo ba mga anak na kailangan nating linisin ang bakuran dahil hindi tayo nagkakasakit at kailangan natin para gumanda ang ating paligid. Alam niyo bang ang paglilinis ay isang ehersisyo para sa ating katawan. Katulad ngayon bago kayo dumating naglinis ako nagwalis ako nagtanggal ng dumi para hindi tayo magkasakit.

"Maglilinis ako ng bahay."
Lumapit sa akin si Winston.

"Tutulungan ko rin si nanay magwalis," sigaw ni Sherlyn.

"Ang aking mga mag-aaral ay mahusay at matatalino mag-isip," sabi ko sa kanila.

"Natuto na ba kayo ng leksyon mga anak?"

"Oo, para maging malinis at malayo sa sakit," sabay nilang sabi.

"Very good. Matatalino ang mga estudyante ko. I'm so proud of you. Sa murang edad niyo, may natutunan kayo . Sana hindi mo makalimutan ang lahat ng ito dahil para sayo ito."

"Oo." Lumapit sila sa akin. Niyaya nila akong maglinis. Sinundan ko sila, at masaya kaming naglinis. At may ngiti sa kanilang mga labi.

Ako At Aking Mag-aaral Sa ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon