Chapter 9- PagmamahalChe's Pov
Napamahal na silang lahat sa akin. Kaya mahirap para sa akin na iwanan ang mga bata, ngunit kailangan kong gawin ito dahil may naghihintay na trabaho sa akin upang turuan ang mga batang tulad nila. Ngayon isa na akong guro. Sa dalawang linggo ng pananatili ko dito sa Barrio Paraiso, napakahirap na iwan sila. Napatingin sa akin ang mga bata nang maramdaman ko ang aking pananahimik, at higit pa, ang paksa namin ay pag-ibig.
"Good morning, kids," ang tanging nasabi ko sa kanila. Hindi ako makatingin sa mga bata.
"Magandang umaga din ma'am." Masayang sinalubong nila ako.
"Mga anak, ang lesson natin ngayon ay ang kahalagahan ng pagmamahal. Ang itinuro ko sa inyo ay bahagi ng pag-ibig. Dahil kapag mahal mo ang iyong kapwa tao, igagalang, pahalagahan, at pagkakaisa. Ito ay maaaring pagmamahal sa pamilya, kaibigan, o iba't ibang bagay. It is showing care and respect to others while accepting their flaws and beauty." Umiyak ako sa harap ng mga bata. Nagulat ako ng lumapit silang lahat sa akin.
"Mahal na mahal ka namin ma'am Che." Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni Arienne Kate.
"Mahal din kita."
"Ang pangit mo ma'am." Natawa naman ako sa sinabi ni Marcus.
"Ay naku, tapos na kasi ako sa lesson natin. Ngayon kakain na tayo ng burger as usual." Tuwang-tuwa ang mga bata sa ibinigay. Nang matapos, niyaya ko ang mga bata, at tulad ng dati, masaya kaming naglalakad na nakangiti.
BINABASA MO ANG
Ako At Aking Mag-aaral Sa Paraiso
Fiksi RemajaSimpleng babae na may pagnanais na pagsilbihan ang mga batang nangangailangan ng gabay at turuan sila ng magandang edukasyon. Nagtapos siya ng kursong bachelor of Elementary na may pangarap na maging guro. Si Che ay isang simpleng babae. Matangkad...