Odd Plus One
Written by Reseda YuwinPrologue
- - -
Hindi ko alam kung paano nagsimula ang kung anumang damdamin ang nasimulan ko para sa taong ito.
I'm a student leader, obviously exposed ako sa maraming tao—students, professionals, at pati na rin sa community outside my school.
Kung tutuusin, sobrang busy kong tao. Tipong wala na akong oras para kumain, matulog, o bigyang pansin pa ang mga bagay na hindi naman tungkol sa org.
Minsan, nakakapagod. You put all your energy sa pag-oorganize ng events, paggawa ng mga paperwork, pakikipag-communicate—pero walang sweldo.
"Congratulations."
Puro yan ang natatanggap ko tuwing matapos ang event. Syempre, kasama na rin ang reklamo kapag may palpak.
Kaunting rewind lang, this organization or club thing is the reason why I met him.
Alam mo yung katagang "ang sarap magmahal ng bawal"? Tipong alam mong mali, pero komportable ka kapag nararamdaman mo na.
And here I am, in the same room with him right now, looking at him intently, as if I'm scanning his entire face while he's focused on his laptop.
Hindi ko maitanggi, sobrang gwapo niya. His deep black chinito eyes are framed by thin glasses, and his neatly brushed-up hair makes him look clean and fresh.
Dahil kami lang dalawa sa kwarto, ramdam ko ang amoy ng pabango niya—may pagka-matapang pero may halo rin na tamis, parang cotton candy.
'Kasalanang magmahal,' I thought to myself.
"May kaunting error sa mechanics," mabilis akong tumingin sa laptop nang magsalita siya at tumingin sa akin.
Pinagmasdan ko pa 'yung tinuturo nung cursor niya kahit hindi ko naman binabasa. "Typo lang naman, pero paayos na rin," sabi pa niya at muling binasa ang mga kasunod na nakasaad.
Para bang kasing bilis ng agos ng tubig ang tibok ng puso ko ngayon. Akala ko ay mahuhuli niya akong nakatitig sa kanya. Nakakahiya naman kung sakali.
"All in all, okay na at puwede mo na ipacheck kay Sir Monde. Ayusin mo lang 'yung mga naka-highlight." Itinapat niya sa akin ang laptop ko at ginawaran ako ng simpleng ngiti.
Dinoble-check ko 'yung mga naka-highlight, at he's patiently waiting hanggang matapos kong tingnan lahat.
"Paano kaya ang reservation ng room?" tanong ko sa kanya.
"I'll handle it, basta isecure mo muna itong approval." he replied, hindi ko maiwasang mapangiti.
Masinsinan kong chineck ulit ang correction at nang matapos ako ay napagdesisyonan ko ng tapusin ang usapan namin ngayon.
I closed my laptop and started packing my things. When I looked at him again, he was staring at me.
Straight at me.
Kahit na nakatingin na din ako sa kanya, hindi siya nag-iiwas ng tingin. "Bakit?" tanong ko, medyo kinakabahan.
Ngumiti siya. "You may go."
Napaawang ang labi ko nang tumayo siya. Wala naman akong nagawa kundi tumayo na rin, at pinagbuksan niya ako ng pinto. Siguro ay disappointment na din na maghihiwalay na naman kami.
Ano namang gagawin ko e' estudyante niya lang ako?
"Thank you, Sir."
"No problem, Aice."
YOU ARE READING
ODD PLUS ONE
RomanceTitle: Odd Plus One Genre: Romance, Drama, Slice of Life Main Characters: Aice Dominique Villaflor & Sir Lorenzo Angelo Bautista Aice Dominique Villaflor has her life planned out-until she crosses paths with her new thesis adviser, Sir Lorenzo Angel...