Chapter 1

6 0 0
                                    

Odd Plus One
Written by Reseda Yuwin

Chapter 1: When Feelings Hide

- - -

Nasa labas kami ng classroom nina Ayesha, Lyka, Kyle, at Tony, dahil na-late daw kami sa 2:30 break time ni Sir John. Nakalock na ang pinto, at sa loob ay halatang aburido na siya habang may dinuduro sa mga kaklase namin.

"Mukhang gyera na naman 'to," natatawang bulong ni Ayesha sa amin,  obvious na may inis na rin. "Hindi naman ito ang first time na magreklamo tayo."

"Tama naman tayo kung irereklamo natin si Sir John," sabat ni Tony, kita rin ang inis sa mukha niya.

"Hindi naman kasi nagtuturo," dagdag pa ni Kyle na ikinatawa naming lahat.

"Pustahan, gyera na talaga 'to kapag nalaman ni Dean," sabi ko habang umiiling. "Hindi rin makatarungan na ilock niya ang pinto lalo na't wala pa sa oras na binigay niya."

Sakto nga ang balik namin sa sinabi niyang oras, 2:30. Ngayon pa nga lang pumatak ang oras na 2:30 kaya technically, hindi kami late.

"Alis na lang kaya tayo?" aya ni Ayesha, na parang wala nang pakialam. Walang pagdadalawang-isip na tumambay na lang kami sa library. Dalawang oras pa ang hihintayin namin bago matapos ang klase.

Habang naghihintay, ginawa ko muna ang mga papers para sa paparating na events. Notif agad na absent kami ngayong araw sa subject ni Sir John.

"Kunat talaga. As if naman hindi siya ang unang bastos," reklamo ni Kyle, pinatay ang phone niya habang si Lyka naman ay naiiling na tumatawa.

"Hindi na nga tayo pinapasok, tapos mark as absent pa." inis na sabi ni Tony. "Natriggered ata nung umalis tayo," dagdag pa niya.

"Ito na 'yung second offense niya sa atin. Pag umabot ng third offense at pinakita pa rin niya ang pagka-unprofessional niya, makikita niya kung sino ang batch natin," ani Ayesha, mukhang may pinaplano na namang bagong reklamo.

Pero dapat nag-iisip din sila ng plano at hindi puro sugod lang dahil may personal na galit. Professor pa rin ang babanggain namin. Kahit ilang reklamo pa ang i-file namin, kung wala kaming matibay na ebidensya, mababaliktad lang kami.

Habang busy ang lahat sa pag-uusap tungkol kay Sir John, nagmessage bigla si Sir Loren sa akin. Hindi na ako nagulat kasi sa mga ganitong senaryo, laging present siya—para chumismis.

"Nabalitaan ko na absent kayo," seryosong sabi niya. Walang hi o hello.

"Yes po," reply ko.

"Bakit kayo inabsent? Nasa school ka ba?"

Akala ko ba "kayo"? Bakit "ka" lang 'yung tanong?

"Yes po," ulit ko.

"Galit ba?" tanong niya.

"Yes po," sagot ko ulit.

"Yes po ka ng yes po, ano bang nangyari?" halata ang irita niya sa chat kaya bumuntong-hininga ako at tinype lahat ng gusto kong sabihin. Wala na akong pake kung medyo harsh, masama naman talaga loob ko sa pag-mark absent sa amin.

Pumasok ako para lang sa iisang subject ni Sir John, tapos iaabsent lang kami? Bigyan man lang niya ng kaunting konsierasyon ang mga estudyanteng pumapasok sa subject niya kahit hindi nagtuturo.

"I see your frustration. Pumunta daw kasi siya dito sa faculty at iniwan muna ang room. Nagpabreak daw ulit siya ng 10 minutes. Nabanggit pa na may mga bastos daw siyang estudyante at isa ka sa nabanggit—dahil puro babae raw."

ODD PLUS ONEWhere stories live. Discover now