CHAPTER 04

369 12 0
                                    


WARNING: typographical errors ahead.

HER POINT OF VIEW

nangpagbabaan ako ng tawag ni boss ay agad akong nagpaalam kay keith, kailangan ko na bumalik sa boss kong saltik

hmp!anlakas talaga ng sapak nun!sya yung tumawag sakin tapos pinagbabaan nya ako bigla!minsan nga masubukan yun sakanya

pagbukas ng elevator ay dali dali akong lumabas pero natigilan ako dahil nakita ko ang boss ko

nakasandal sya sa pinto habang ang dalawa nyang kamay ay nasa bulsa ng pantalon nya, mukha syang tanga haha!nakabusangot kase eh, salubong na salubong kilay

lumapit nalang ako dahil mukhang nag-aantay ang boss ko, lagot ba ako?pero wala naman akong ginawang masama duhh!kumain lang ako sya tong may kasalanan sakin eh

"oh kamusta pangangabit" tanong nya ng nasa harap na nya ako

agad nagsalubong ang kilay ko, pangangabit?

"anong pangangabit pinagsasabi mo dyan?" takang tanong ko at pumasok ng office nya.

agad syang sumunod sakin

"tsk!kumain ka kasama ang lalaki mo na hindi man lang ako iniisip na baka nagugutom ako?"

ha?pinagsasabi nitong saltik na to?di ko naman dala ang kaldero, kainis talaga to pwede naman mag order sya arte arte

hinarap ko sya "una sa lahat boss di ako chef dito!anong kinalaman ko dyan sa gutom mo hmp!" singhal ko sakanya "atsaka lalaki?may pangalan yun boss, keith ang panga-"

"i don't care!" putol nya sakin "you're cheating on me ms.secretary" nakahawak pa sya sa dibdib nya, oa amputek

at teka?cheating?baket naman ako mangongopya sakanya eh di naman kami nag eexam ngayon?

ay tekaa....

ibig nya bang sabihin niloloko ko sya? ehh kung ayun baket ko sya lolokohin?

wala naman kaming relasyon?

tinignan ko nalang syang maigi at napabuntonghininga, malala na to guys kailangan ko na tumawag sa mental talaga napapaligiran ako ng baliw

"why you're not answering me?" inis na saad nya

namewang naman ako sa harap nya

"boss kung hindi ka nakainom ng gamot mo wag mo ako idamay dyan sa kasaltikan mo" inis na sabi ko "pano kita lolokohin aber?hindi naman kita boyfriend at lalong di kita asawa, hindi man ako ganun katanga para di malaman ibig mong sabihin"

kahit pa iba naisip ko kanina hehe pero buti nalang hays talino ko talaga

"tsk!panira ka talaga" inis na umupo sya sa swevil chair "I'm just kidding you know?" tinignan nya akong masama "pero di parin ako natutuwa kase kumain kayo ng lalaki mo ng di man lang ako iniisip"

"so joke lang yun?pinapunta mo ako rito para sa walang kwenta mong joke?"

"grabe ka!nag a-acting lang naman ako para umuwi kana sak-*ehem*-para pumunta ka rito sa office, gutom na kase ako" saad nya at ngumisi sakin "hindi mo ba alam na artista ako?" biglang sabi nya

napairap ako "talaga boss?sino?"

"kakasabi kola-"

"nagtanong?" pinutol ko sya "sino nagtanong?" ulit ko pa

"GINAGAGO MO BA AKO MS.SANCHEZ?!" at ayun umusok na naman ang ilong nya

"ah eh hindi ah!" kinakabahang sabi ko habang sya ay nanlilisik ang mata na nakatingin sakin "joki joki lang naman boss"

"mukha ba akong nakikipagbiruan!?"

napanguso ako

so ganun?sya pwedeng magbiro ako hindi?

andaya hmp!!

napabuntong hininga nalang ako at hindi nalang sumagot at saka ako lumapit sa telephone para mag dial, ioorder ko nalang sya ng pagkain.

hindi ko naman kase dala ang telepono at may cellphone rin sya pero pinapunta nya pa ako rito!kahit kelan talaga saltik to eh, inistorbo pag kain ko

"oh" biglang sabi nya at inabot sakin ang puting sobre kanina, agad ko naman syang tinignan

"boss uunahan na kita ha?alam kong sobre ang tawag dito kaya hindi mo na kailangan pang sabihin sakin, ganun ako kabait ayaw kitang mapahiya"

he glared at me "invitation ang laman nyan, invitation yan para sa isang party next week and may auction na magaganap at isasama kita ron"

"eh bat kasama pako?pwede namang kayo nalang boss"

"so para mangabit ka ulit?" inis nasabi nya pa "sasama ka sakin dyan, wag ka mag-alala may purpose naman ang pagsama mo"

"purpose?"

"yeah" umayos sya ng upo "sa party na yan may magaganap na auction- mga expensive things like paintings and antiques- ayun ang iaauction nila pero dahil alam kong mahilig ka sa painting eh isasama kita"

tinignan ko lang sya, so gusto nya mag bid ako ron?mukha ba akong may pera

"but..." tinignan nya pa ako, pasuspense pa sarap sakalin

"but ano sir?but as in pwet?" natatawang sabi ko

"umayos ka nga" inis na sabi nya

sungit naman nito nag jojoke lang

"ito nga ang deal sa auction na yun, kaibigan ko kase ang may party at sa kasamahang palad pinili nya akong mapasama sa mga iaauction" napabuntong hininga pa sya "iaaction kami-mga napiling lalaki-kasama ang mga item at kapag ikaw ang nanalo sa bidding sayo na ang item at pati na rin ang model nung item in one month"

"ahh so kasama kayo sa iaauction boss?" tumango naman sya "nice!ang swerte ng makakabid sainyo boss"

"talagang swerte ka" aniya

ehh baket ako??

"baket ako boss???linawin kolang ha, ayaw kong gastusin ang pera ko" di pwede may pinaglalaanan ako ron no hmp

"tsk!saking pera ang gagamitin mo pang bid kaya walang problema, iyon ang purpose mo ron, makikibid ka para di ako makuha ng iba" ngumisi pa sya

"at ano namang mapapala ko dyan?"

"kapag nanalo ka, you can have me in one month" tinignan nya ako sa mata "you can do whatever you want"

agad naman akong na excite

"talaga boss??pwede kong gawin sainyo ang kahit ano?"

"yes, pwedeng pwede" tumango tango pa sya

"susundin nyo lahat ng sasabihin ko?" nakangiting tanong ko ulit

"yeah" tamad na sagot nya

"promise yan ha?!" tumango naman sya "mag promise kayo boss!"

napabuntonghininga sya "PROMISE"

napapalakpak naman ako sa tuwa

yeah!!woohh!hahahah isipin ko palang na magiging driver, tagaluto, at tagabuhat ng mga pinamili ko ang boss ko sa loob ng Isang buwan ay naeexcite na ako

paniguradong sulit ang one month ko dahil di ako pagod!

Ms. Innocent owned by Mr. Possessive Where stories live. Discover now