This chapter is dedicated to tragic-kira.
________
This is the day. Grabe parang may baklang kabayo na gustong lumabas sa bekikang kong heart kinakabahan na talaga ako."Sir Aikko andito na po tayo sa Gray House." Anunsyo ng driver sa akin.
Waaa. Anak ng baklang pating! ano kayang gagawin ko? (malamang papasok sa loob ng bahay, shunga lang?) ayan na naman si konsenaya nangaasar na naman imbes na suportahan ako.
Dahan-dahang bumukas yung malaking bakal na gate na may naka lagay sa gitna nito na letrang 'G', unti-unting pumasok ang sakay kong limousine sa loob ng bakuran at natatanaw ko sa aking inuupuan ang pinaka bahay sa di kalayuan.
Halatang mayaman ang mga naka tira dito dahil napaka laki ng bakuran nito na naka bermuda grass pa at ang ibang bahagi nito ay naka marmol naman. Matatanaw sa kanang bahahi ang malaki at nakaka silaw sa liwanag ng swimming pool.Hindi ko napansin na malapit na pala kami sa mismong bahay. "Nandito na po tayo sa Gray main house.Welcome po sir Aikko." Lumabas si manong driver sa sinasakyan namin at pinag bukasan niya ako ng pinto.
"Salamat po manong." Hindi naman mansyon ang tinitirhan nila madam Gray pero meron itong apat na palapag, kulay abo ang pinaka base color ng bahay.
"Sir Aikko wag po kayong kabahan mababait po ang mga naka tira diyan maliban lang kay sir Milfior." Hindi ko narinig yung huling sinabi ni manong kaya hindi ko na lang siya pinansin.
"Thank you po." Bumaba si manong mula sa driver's seat at pinag buksan niya ako ng pinto inalalayan niya ako saka lumabas, isang malaking backpack lang ang dala-dala ko ngayon dahil nandun na naka lagay ang lahat ng gamit ko, ayoko kasi mag dala ng marami.Dahil sa huli ako rin ang mahihirapan.HUGOT!!!
Unti-unting bumubukas ang malaking pinto ng bahay at nakikita ko ang mga naka helerang trabahador sa bukana ng pinto naka ngiti sila sa akin.
"Good morning sir Aikko! welcome to Gray house!" Sabay-sabay nilang bati sa akin.Natuwa ako dahil ramdam ko ang init ng pag tanggap ng bahay na ito sa'kin.
"Thank you po sa inyo." Nag bow ako at pag angat ko ng ulo isang matandang babae ang nasa harapan ko na naka suot ng maid's uniform.
"Walang anuman iha ehem iho pala.hehehe." Siguro siya ang mayordoma dito. "Good afternoon, ako si lola Anna ang mayordoma sa bahay na ito at ako din ang yaya ni Mil simula pa nung bata pa siya. Sabi ni senyora Gray ay ilibot kita dito sa bahay para maging pamilyar ka agad. Bammi paki kuha ang dalang gamit ni Aikko at dalhin sa magiging kwarto niya." Isang dalaga ang lumapit sa akin at kinuha ang dala kong knapsack na puno ng aking mga gamit.
Sinusundan ko lang mag lakad si lola Anna. Lumabas kami ng bahay at muli kong nakita ang malawak na bakuran ng palasyo este bahay.
"Aikko ito ang Gray mini flower garden dito ang paboritong pampa lipas oras ni madam Gray lalo na pag wala siyang trabaho na gagawin sa kanilang negosyo." Wika ni lola Anna. "Kaso...ayaw na ayaw ni Mil sa lugar na ito dahil nakakabawas daw ng kaguwapuhan ang lugar na ito para sa kanya." Dugtong pa ni lola. Hummn ayon sa kuwento ni lola nararamdaman kong parang mayabang ang mapapangasawa ko ah.
Matapos namin libutin ang buong mini flower garden na parang kasing laki na ng kagubatan ng Eden ay gumora kami sa Pacific ocean charot! sa kanilang pool, over talaga sa laki ng pool na'to at super linis pa bongga!
"Aikko, dito ang paboritong parte ng bahay ni Mil bata pa lamang siya ay dito na siya tumatambay lalo na pag pinapagalitan siya ng mga magulang niya noon." Kuwento niya. Medyo makulit pala ang mapapangasawa ko noon ah. "At dito din siya nakikipag landian sa mga babaeng inuuwi niya gabi gabi." Babaero din pala huh? tignan lang natin pag nakita niya ako baka maging loyal siya agad hehehe.
"Babaero po siya?" Tanong ko.
"Oo ganun na nga pero wag kang mag alala pag nakita ka nun mahuhulog agad yun sa'yo." Aish! kinilig naman ako sa sinabi ni lola.
"Pumapatol po ba siya sa bakla?" Muli kong tanong.
"Hindi at ayaw na ayaw niya sa mga katulad mo." Paasa naman 'to si lola akala ko pumapatol si Mil sa pa-girl aishhh.Paano na ang life ko? magiging battered wife ata ako nito ah? "Hehehe wag kang mag alala Aikko mabait naman ang alaga ko topakin lang talaga minsan. Ako ang bahala sa'yo pag sinaktan ka niya. "
Hindi na kami nag tagal sa pool at sa iba't-ibang parte ng bahay dumiretso na agad kami sa kusina ng palasyo este bahay pala.
"Dito Aikko ang pinaka dapat mong tutukan pag mag aasawa ka na lalo pag si Milfior ang mapapangasawa mo dahil napaka pihikan niyan sa pagkain." Seryoso na wika ni lola. Wala naman akong problema pag dating sa pag luluto dahil bata pa lamang ako ay titnuturuan na ako ni kuya Steve.
"Tama si Anna, Aikko kailangan mo na ding i-practice starting now ang pagiging asawa ni Mil para hindi ka na rin mahirapan sa huli." Nagulat ako dahil nasa likod ko lang pala si madam Gray.
"Opo lola Anna at madam Gray gagawin ko po ang mga iyon." Nag bow lang ako sa kanilang dalawa.
"Sige mag pahinga ka na dahil mamaya na ang family dinner natin at mamaya din ang uwi ni Mil. Anna ituro mo sa kanya ang kwarto niya."
Sumakay kami ni lola Anna sa elevator ng bahay at tumigil kami sa ika-tatlong palapag ng bahay. Pag labas namin ng elevator kwarto agad ang nakita ko at may mga gamit ng lalaki ang naka kalat...yung totoo?
"Lola Anna sigurado ka bang dito ako matutulog?" Tanong ko, nakita ko sa malaking kama yung backpack na gamit gamit ko.
"Ang mag asawa ay dapat magka tabi sa kwarto kaya ang utos ni madam Gray ay dito ka na din patulugin." Nag umpisa nang dumagundong ang malandi kong puso. "Sige aalis na ako Aikko kung may mga katanungan ka pa ay tawagin mo lang ako."
Linibot ng paningin ko ang kwartong tinatayuan ko maayos, malinis, halatang lalakeng lalake ang natutulog dito dahil panlalaki ang disenyo at kapansin-pansin ang amoy ng musk iyon ang amoy ng perfume ng mga lalaki.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa malaking kama ang lambot at napaka bango pa nito hindi ko namamalayan na nakaka tulog na pala ako.
Bakit ganun parang ang bigat sa katawan? hindi ako maka tayo sa kama medyo matigas din ang naka dagan sa akin at take note humihinga pa...yung totoo? ganito na ba ka-high tech ang mga gamit ng pamilyang Gray?
OMG! ngayon lang nag rehistro sa malandi kong utak na kwarto pala ito ni...
+-+-+-+
Author's Note: Pasensya na po sa mga nag hihintay ng update na'to at sa mga nag add ng story na ito sa kanilang mga library ay maraming maraming salamat po sa inyo.
BINABASA MO ANG
He's My Gangster Husband (boyxboy)
RandomHe's My Gangster Husband. Let's meet Aikko Samonte , ang baklitang senior high school na super duper allergic sa mga gangsters kahit isa pa itong oh-so-sizzling hot guy. What if kung isang araw ay ipaalam sa kanya ng mga kuya niya na may 2.5 million...