DEMOKRASYA O DISIPLINA?

1.3K 2 0
                                    

DEMOKRASYA O DISIPLINA?


"Kalayaan! Kalayaan!"

Ang sigaw ng mga mamamayan.

Demokrasya, demokrasya

Ang nais nila.


Minsan nang nailuklok sa pwesto

Ang angkang Aquino.

Mula sa ama at ina,

At ngayon ay ang anak nila.


Akin pang natatandaan,

Halos buong sambayanan,

Inudyok ang batang Aquino na mamuno sa gobyerno,

Kaya't sa pagka-pangulo, si PNoy ay tumakbo.


Limang taon na ang nakalilipas

Mula nang siya'y naging Ama ng Pilipinas.

Patuloy pa rin niyang pinanghahawakan ang pangakong tuwid na landas.

Limang taon na ang nakalilipas,

At ang tanong ko ay - sapat na ba ang kakayahang kanyang ipinamalas?


Ang sambayanang sumuporta sa kanya noon

Ay siya ring nag-poprotesta laban sa kanya ngayon.

Bulong ng naguguluhang utak ko,

Ano na ang nangyayari sa ating mga Pilipino?


Tayong mga Pinoy ay mas nagiging bukas na

Sa paghahayag ng ating na-iisip at nadarama.

Ngunit tila hindi na tama

Kung ating aabusuhin ang kalayaang ating tinatamasa.


Hangad ng bawat isa ay ang pagbabago.

Subalit tila hanggang salita lang ang hangaring ito.

Asa dito, hingi doon.

Talak dito, sisi doon.

Ganito ba natin tutuparin

Ang pag-unlad na inaasam natin?


Ika nila, bulok ang ating sistema.

Narito nga ba talaga ang problema?

Ang mga nasa pwesto'y subukang kilatisin,

Mga gawain nila ay ating silipin.

Sa paraang ito ay ating matatanto

Kung ang may diperensya ay ano o sino.


Sandamakmak na naman

Ang nagpapabango ng pangalan.

Kaliwa't-kanan ang pangangampanya,

Eleksyon kasi ay nalalapit na.


Sa susunod na taon ay nais kong malaman

Kung ano ang paiiralin ng ating mga kababayan.

Puso para sa kalayaan,

O utak para sa ikauunlad ng lipunan?


Upang kulturang Pinoy ay muling buhayin

At para mapalago ang ekonomiya,

Ano ang dapat nating yakapin?

Demokrasya o disiplina?


[06-26-15]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MGA TULA NI TIN-TINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon