HINDI KO INASAHAN, HINDI KO NAMALAYAN
Hindi ko inasahan itong nangyayari ngayon sa akin,
Tila nahihirapan akong intindihin ang sarili kong damdamin.
Lahat ng ito ay wala sa plano ko.
Teka, sandali, nagkaroon nga ba ako ng plano?
Babalikan ko ang nakaraan,
Iyong panahon na una kitang nakilala.
Pangalan mo ay madalas na laman ng mga kwentuhan.
Walang tigil ang mga tinig doon sa kanto at sa eskwela.
Noon ay walang akong pakialam,
Hinayaan ko lang sila na ikaw ay pag-usapan.
Ngunit huwag kang mag-alala, lahat ng iyon ay papuri.
Bukambibig nila ang mga angkin mong talento at ugali.
Utak ko ay napuno ng mga tanong.
"Sino ka ba talaga?"
"Ano ang mayroon ka?"
Ito at marami pang iba ang sa isip ko'y bumubulong.
Noon ay wala akong interes sayo.
Noon ay hindi kita pinag-aaksayahan ng oras ko.
Oo, noon.
Nagbago na ngayon.
Hindi ko namalayan,
Madalas ko nang tinititigan ang iyong mga larawan.
Walang tigil kong pinakikinggan ang mga musikang likha mo.
Tunay ngang napukaw mo na ang puso ko.
Ilang buwan, ilang linggo, at ilang araw na ang nagdaan,
Ikaw pa rin ang hanap-hanap nitong tumitibok na bagay sa aking katawan.
Hindi ko inakalang magiging ganito ako.
Paksyet! Ang lakas ng tama ko sayo.
Tila ang aking damdamin ay nagiging mapangahas.
Bawat impormasyon na sa iyo'y may kinalaman,
Sa aking mata at tainga ay walang takas.
Paghanga lang ba ito?
O baka naman umi-ibig na ako?
Nagugulumihanan ang puso ko.
Ano ba ng nais iparating ng bawat pintig nito?
Madaling isipin na ikaw ay akin,
Ngunit dapat kong tanggapin
Na ikaw ay isang nagninigning na bituin.
Ako ay hanggang tingin na lang.
Ako ay hanggang tili na lang.
Ako ay hanggang pagsuporta na lang.
Dahil hindi maglalaho ang katotohanan,
Ako ay isang dakilang taga-hanga lamang.
[06-22-15]
BINABASA MO ANG
MGA TULA NI TIN-TIN
ŞiirImaginations. True-to-life situations. Thoughts. Mga simpleng hugot. Mga bagay na sa puso'y nagpakirot. Mga saloobin. Mga hindi mailabas na damdamin.