Chapter 3

7 1 0
                                    

Chapter 3: welcome to Hellvior University








Napabalikwas Ako ng bangon nang maalalang Wala Ako sa Bahay. Dali-dali akong nag-ayos at nagsipilyo. Pagkalabas ng kwarto ay walang ibang tao sa hallway, Sinilip kopa ang kanan at kaliwang bahagi ng floor nato para makasiguro na Hindi Ako naiwan. Nabalik na sana Ako sa kwarto para mag-ayos ngunit sinalubong Ako ni Hanker.




Wala itong ekspresyon ngunit alam ko namang Wala syang gagawing masama. 'nakaka intimidate lang talaga ang pagka seryoso nya..'




"Ikaw palang ang gising, maganda ang nakagawian mong paggising ng Maaga. Dapat lang sa mga dominator ang pagiging mapakiramdam at mabilis. Ipagpapatuloy mo iyan." Naiwan Akong nakatunganga nang umalis na ito. 'ano namang kinalaman ng pagiging mapakiramdam sa pag-aaral?.'




'at tsaka ano ba talaga ang dominator?'




Muli akong bumalik sa kwarto at nag-ayos. Naalala ko kagabi. Hindi nila kami pinagbayad sa flight, dahil sagot daw iyon ng paaralan.. Lalo tuloy akong namamangha sa Hellvior University kahit Hindi kopa ito nakikita.




"Good to see you kids with full energy. Maghanda kayo at magbya-byahe na Tayo mamaya tungong Hellvior U." Bungad saamin ni Hanker habang kumakain kami sa buffet.




Napalingon Ako sa mga Kasama ko at Hindi maipagkakaila sa mga mata nila ang excitement. Sino ngaba ang Hindi ma e-excite? Wala pa kami sa Hellvior University ay Nakita na Namin kung gaano kayaman ang paaralan, paano pa kaya pag mismong nasa harapan na Namin ito.




May mga naging close na sa isat-isa ngunit pinanatili ko ang aking distansya sa iba. Mahirap makipag-plastikan, tsaka mahirap ding magtiwala..'hindi naman ang paghahanap ng kaibigan ang pinunta ko rito.'




Matapos mag-almusal ay nagtungo ulit kami sa mini bus dahil iyon daw ang gagamitin Namin papuntang pier. Maging ang mini bus ay sobrang gara.




Si Hanker ang nagsisilbing guardian Namin, ipinaliwanag nya rin na huwag kaming magpapadala sa aming emosyon pagkarating roon. Palagi raw naming ipakita na may kakayahan at matatag kami. Huwag daw kaming umasa sa swerte.




Naiintindihan konaman, Marami narin akong Narinig na mahirap daw talaga ang kolehiyo. Hindi ito biro kaya naman dapat talaga seryosohin. Ngunit kung mag advice si Hanker para Naman kaming mag m-military lahat..




Ilang minuto lang ang tinagal ng byahe dahil nakarating kami agad sa pier. Napa woah ang mga Kasama ko sa lawak ng pier dito, sobrang daming sasakyang pangtubig at sobrang linaw ng dagat, idagdag pa ang white sand nito.




"Dito Tayo" simpleng tawag ni Hanker saamin kaya dali-dali kaming sumunod sakanya. Akala ko ay yo'ong Isang bangka ang gagamitin Namin ngunit mabigla Ako nang yong pangmayaman na yatch ang itinuro nya. 'seryoso gaano ba kayaman ang paaralan nato?!'




Mas namangha kami sa loob, ang linis at ang gara ng sasakyang pantubig na'to. Bawat Isa saamin ay may silid na maaring pagpahingahan. Sinabi nadin ni Hanker na kalahating oras ang byahe tungong Isla kaya mas magandang magpahinga na Muna kami.




Pumasok Ako sa kwarto at doon nagpahinga. Nakakapagod din talaga ang magbyahe kahit nakaupo lang at walang ginagawa..




Saglit akong naidlip ngunit nagising din Ako dahil sa biglang bumigat ang aking pakiramdam, Hindi mapakali ang tibok ng puso ko kaya't nagtungo akong kusina para maghanap ng tubig.




School War [Hellvior University]Where stories live. Discover now