**LYRAE POINT OF VIEW**
"Lyrae mag confess kana kasi" sabi ni Avery.
"Ayoko Avery" may inis na sabi ko.
"Sayang ang chance" sabi niya ulit, ewan hindi ko alam kung susunod ba ako sa kanya.
"Ayoko nga Avery" may inis parin na sabi ko.
"Lyrae sayang ang chance, malay mo may chance ka pa" paungunglit niya.
"Aish, oo na oo na" inis na sagot ko.
"Aamin kana?" Tanong niya.
"Oo na" inis na sagot ko, at nakinig na kay Sir Martinez. After 2 hours ay tapos na ang discussion ni Sir, at ngayon ay recess na namin kaya inaayos ko na yung mga gamit ko.
"Tara na sa baba aya ni Marcus, habang naglalakad kami nakita ko si Yvan sa hallway tatawagin ko na sana siya kaso kasama ko pala sila Marcus.
"Mauna na kayo sa canteen" sabi ko, agad naman silang nag taka.
"Bakit?" Takang tanong ni Allison.
"May naiwan lang ako" pag dadahilan ko.
"Hintayin ka na lang namin" sabi ni Eloisa
"Wag na" sagot ko at nag madaling umakyat.
"Yvan!" Tawag ko sa lalaki moreno na may kataasan, napatingin naman siya sa direksyon ko.
"Bakit?" Seryosong tanong niya.
"May gusto lang ako sabihin sayo" sagot ko na medyo kinakabahan.
"Ano yun?" Seryoso pa rin siya.
"Ano kasi, matagal na ako may gusto sayo simula pa nung elementary tayo" sabi ko, kinakabahan ako sa i sasagot niya buti na lang wala masyadong estudyante dito sa hallway.
"Sorry, but I have someone else." tila na estatwa ako sa sagot niya, anong sabi niya someone else.
"Can I dance with you?" Tanong niya, what the pagkatapos niya ako i reject aayain niya ako sumayaw ang weird naman ata neto, hindi ko namalayan na sinasayaw na niya ako. Sa sobrang speechless at lutang ko, hindi ko na tuloy alam kung anong nangyayari sa paligid ko.
You're the man, but I got the, I got the, I got the power ~
You make rain, but I'll make it, I'll make it, I'll make it shower ~
Nagising ako ng dahil sa lakas ng alarm ko, jusko panaginip lang yun, akala ko naman nag confess na talaga ako.
"Lyrae gumising ka na" gising sa akin ni Mama.
"Gising na ako Mama" sagot ko at bumangon na, habang nag papakulo ng tubig naalala ko na naman yung panaginip ko napahampas na lang ako sa noo ko. Grabe naman panaginip yun may meaning kaya yun, hindi ko namalayan na napuno na pala yung painitan ng tubig kaya agad kong pinatay ang gripo at tsaka ito isinalang.
-----
Lord, sana hindi ko po siya makasabay iiyak talaga ako pagdarasal ko.
"Lyrae nandito na si Tito mo" sabi ni Mama, sinukbit ko na yung bag ko sabay kuha ng jacket.
"Mama alis na ako, bye" paalam ko, at nag mamadali lumabas.
"Sige Ingat ka" rinig ko sabi ni Mama at sinarado na yun gate. Habang nasa tricycle ako hindi parin ako nag online dahil iniisip ko pa rin yung bwisit na panaginip na yun, masisira ata buhay ko dun. Bigla na lang ako kinabahan, Lord naman sana talaga hindi ko siya makasabay sa jeep hindi ko talaga alam I re-react ko kung sakaling makita ko siya.
YOU ARE READING
Admiring One: Crossing Paths Again
Teen FictionMeeting someone again-was it a mere coincidence or fate playing its hand? Sa muling pagkru-krus ng landas nina Lyrea at Yvan, haharapin ni Lyrea ang taong na matagal nang bumabagabag sa kanya. Magagawa na ba niyang ipahayag ang nararamdaman para kay...