**LYRAE POINT OF VIEW**
Hindi na tuloy yung practice namin sa theater dahil maraming late pati kami late din, dahil 12:30 na kami naka dating sa bahay ni Eloise, at hanggang ngayon nakain pa rin kami.
"Ano balak natin sa Christmas party natin?" Tanong ni Marcus.
"Mag de decorate ba tayo dito?" Tanong naman ni Eloise.
"Mag de decorate ba tayo, para gagasto pa tayo tsaka mahihirapan pa tayo tanggalin" sabi ko.
"Pero kayo bahala" dag dag ko, nag kasunod kasi kami mag kakaibigan na kami na lang mag chri Christmas Party ang mahal kasi ng ambagan sa school, kapag kami lang konti lang ang gastos.
"Mag pipicnic pa ba tayo?" Tanong ni Allison.
"Oo dahil hindi na kasama si Malie" sabi ni Marcus.
"By color?" Tanong ni Eloise.
"Oo" sagot ni Marcus.
"Kelan bunotan?" Tanong ko.
"Bukas nalang" sabi ni Marcus at pumunta na sa favorite upuan niya.
-----
Pauwi na kami at ang masasabi ko lang is hindi pa rin ako okay, my heart is so heavy and I don't know why maybe because I saw him earlier I don't want this kind of feeling.
"Bye paalam" ni Avery
"Bye ingat ka" sabi ko at bumaba na siya. Sabay kami nauwi ni Avery at sila Marcus at Allison naman mag kasabay umuwi, tas yung dalawa naman malaki na siya kaya na nila umuwi di joke lang. Si Harris malapit lang din ang bahay sa school, Jella naman malayo rin bahay nun pero hindi namin siya nakakasabay gawa ng iba direksyon niya, Tas si Malie naman malapit lang din bahay niya pero minsan nag pepedicab or tricycle siya. Ang bahay namin ay malayo layo sa school na pinasukan ko mga 40 mins ang byahe, pero depende na lang kung may traffic. Ang boring makikinig na lang ako ng music, tas mag mo moment na lang ako. Kinuha ko yung bluetooth earphone ko at kinonek sa phone ko at play love maze ng bts, wala lang trip ko lang yung kanta. Naalala ko na naman yung nakita ko siya kanina Lord sabi ko sa inyo sana wag ko siya makita ngayon, Lord naman bakit niyo naman hinayaan makita ko siya huhuu pagdarasal ko kay Lord. Lord sana bukas hindi ko na siya makita ulit please lang Lord, nakakasama sa akin health joke lang po pagdarasal ko ulit.
"Lauacan may baba?" Tanong ni Kuyang driver.
Meron po sagot ko, tumigil si kuyang driver sa may waiting shed well dito naman talaga na babaan. Pag baba ko pumunta na ako sa pila ng tricycle, yes nag tri- tricycle pa ako pauwi sobra layo talaga ng bahay namin.
"Kuya Ardinhan po" sabi ko kay Kuyang nakapila.
"Magkano binabayad mo dun neng?" Tanong ni Kuya.
"30 po" sagot ko.
"Sige neng, sakay kana" sabi ni kuya, sumakay na ako kasi gusto ko ng umuwi at humiga. Ilang oras na hindi pa rin kami na andar, nu ba ito si kuya maghihintay pa pala kami ng kasabay ko anong oras na.
"Neng isud ka na nga para maka alis na tayo" sabi ni Kuya, no choice naman ako kung hindi umisud. Gaya ng sinabi ni kuya umalis na kami, tahimik lang ako sa tricycle habang nag s- scroll sa tiktok ito nalang libangan ko kapag nasa byahe. After ng ilang minuto naka baba na ako ng tricycle, hindi na ako nag papahatid hanggang sa amin kasi gusto ko mag lakad night walk ba ganun mag 6 6:30 na nga pala kaya medyo madilim na actually lagi naman ako dilim na nakaka uwi gawa ng naghihintay ng pasahero.
"Oh gabi ka nanaman Lyrae" Bungad nasabi sa akin ni Mama.
"Eh Ma dami lang ginagawa activities sagot ko "sabay pasok sa bahay, nasa terrace kasi si Mama.
YOU ARE READING
Admiring One: Crossing Paths Again
Teen FictionMeeting someone again-was it a mere coincidence or fate playing its hand? Sa muling pagkru-krus ng landas nina Lyrea at Yvan, haharapin ni Lyrea ang taong na matagal nang bumabagabag sa kanya. Magagawa na ba niyang ipahayag ang nararamdaman para kay...