Episode II

43 0 0
                                    

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa nakabalik na ang mama niya galing palengke.

Nagpaalam na din ako na uuwi na at malamang nandu'n na si Papa sa bahay.

06:53 pm

Naabutan ko si Papa sa sala.

"Saan ka galing, 'neng?" sabay abot ko ng kamay niya upang magmano.

"Kina Ningning, Papa," sagot ko at diretsong upo sa sofa.

"Wala ako'ng pasok bukas. Tutulungan kong mag-empake ang Mama niyo. Baka may maiwanan pa kayong gamit kaya mag-empake na agad," sabi nito habang nagtatanggal ng sapatos.

Dumulog din sa sala si Mama dala ang tsinelas ni Papa.

"Maghahain na ako, dumulog na kayo sa mesa sa kusina," sabay talikod na din.

Habang kumakain ng hapunan madaming bida ang kapatid ko tungkol sa pagpunta sa probinsiya nina Mama. Unang pagkakataon niya kasi na manirahan du'n ng medyo matagal kaya excited ang kapatid ko.

07:44 pm

Nakatanaw ako sa may bintana ng kwarto ko. May mga batang naglalaro sa tabing daan. Bakasyon naman kaya walang nagrereklamong kapitbahay kung medyo nakakalikha sila ng ingay.

Ang daming bituin sa langit.

Naiisip ko na madami akong mamimiss kapag nasa probinsiya na kami.

Hahanapin ko ang nakagisnang ingay mula sa labas ng bahay lalo na kung umaga.

Ang pagtambay namin sa tapat ng bahay nina Ningning kasama ang mga pinsan niya.

Pagpasyal tuwing araw ng Linggo pagkatapos magsimba.

Hayy. Tama na nga. Lalo akong nalulungkot sa naiisip ko.

Umalis na ako sa may bintana at hinarap ang lagayan ng aking mga damit. Nakita kong mga nakatupi na ang karamihan sa mga ito katabi ng travelling bag na gagamitin ko. Si Mama talaga, kahit sinabi kong ako na ang mag-eempake, sinisiguradong wala akong maiiwanan.

Wala na pala akong masyadong ieempake.

Dumiretso na ako sa kama at pinindot ang switch off ng ilaw.

06:53 am

Sunod-sunod na katok ang nagpagising sa akin.

"Ate, Ate! Ate gising na diyan!" sigaw ng kapatid ko sa labas ng kwarto.

"Ang aga-aga pa! Mamya ng konti ako babangon!" pabalik kong sigaw.

"Eh bumangon ka na diyan kasi nagbago ang schedule ng alis natin. Sige ka, iiwanan ka namin," pantakot na sabi nito.

"Argh," naiinis kong ungol.

Napilitan akong bumangon sa kama at padabog na nagligpit ng higaan. Ano na naman ang pakulo nina Papa at ang aga nila akong pinagising. Inaantok pa talaga ako, argh.

Habang nag-aalmusal kami doon ko nalaman kung bakit mapapaaga ang biyahe namin papuntang Marinduque. Kahit medyo tinatamad pa din na tapusin ang pag-eempake ay napilitan akong mag-ayos na sa kwarto ko. Mamyang bago maghapunan na ang alis namin. 

Nang masiguro kong wala na akong nakalimutan sa mga gamit ko, lumabas ako ng bahay namin para puntahan sina Ningning at ang iba ko pang naging kaibigan sa lugar na iyon para magpaalam.

07:48 pm

Cubao Terminal Bus

Madami-dami din ang mga pasaherong naghihintay na makasakay sa terminal na iyon. Prente na akong nakaupo sa loob ng bus katabi ang kapatid ko. Paroon at parito ang mga pasahero, lalo na 'yung mga nagtitinda ng kung ano-ano.

+.. So Yesterday ..+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon