PRUSSIAN'S POV
"Pre gising!" yugyog sa'kin ni Carl habang ginigising ako.
"A-Ano baaaa... natutulog pa yung tao eh!"
Medyo nahihilo pa ako kaya tinabig ko siya saka bumalik sa pagtulog.
Hindi pa man ako nakakabalik mula sa pagkakahimbing ay naramdaman kong para akong nasa tubig.
Ampotang Carl, tinulak ako mula sa hammock! Buti na lang marunong akong lumangoy.
Pero dahil siguro sa takot niyang baka malunod ako ay tumalon din ito sa tubig para sana sagipin ako kahit hanggang dibdib ko lang yung tubig.
"Baliw ka na ba, Carl?!" nabubwisit kong tanong sa kaibigan kong aso. Sinabuyan ko siya ng tubig sa mukha.
"Baka ikaw!"
"Eh ba't mo 'ko hinulog sa dagat?"
"Eh sa hindi ka magising eh!"
"Kita mong natutulog pa ako eh!"
"Huy! Kaya kita ginising eh nagkalat yung damit mo sa sahig saka sa may sunbench!" sabi niya.
Hindi ko pa kayang i-process yung mga sinasabi niya kasi kagigising ko lang, tapos ang pangit pa ng gising ko.
Napahawak ako sa ulo ko habang nakatayo sa tubig.
"Natutulog ka dun na nakadapa tapos boxer shorts lang suot mo, kita mong may mga babae tayong kasama!"
Nung masiguro niyang gising na yung diwa ko ay umahon na si Carl paakyat ng villa.
Saka ko lang na-realize yung mga sinasabi niya.
"Fvck!"
Dali-dali akong umahon kasunod niya.
Pasikat palang ang araw at mabuti na lang ay si Carl lang ang nakakita sa akin. Tulog pa kasi yung tatlo.
P-Pero nasaan siya?
"May dinala ka bang babae dito, Pruss?" tanong niya sa akin while eyeing me and my crime scene.
"W-Wala." tanggi ko. Hindi niya pwedeng malaman kung anong nangyari sa akin kanina... sa amin ni Jia.
"Eh ba't wala kang damit?"
"A-Ah... ehh... n-nagswimming ako. Sa hammock na ako nakatulog."
"Lakas din ng trip mo eh! Pero sige, kwento mo yan." aniya na tila wala siyang choice kundi paniwalaan ako.
"Magbihis ka na dun bago ka pa nila maabutan dito. Baka sabihin nilang pangarap mong maging cornstar." dagdag pang sabi niya.
"Gago! Pero salamat." tumango lang ito pagkatapos ay umupo sa may hammock para ituloy yung naudlot niyang pagkakape.
***
JIA'S POV
I slowly opened my eyes as I heard the sound of the ocean waves. I also don't know what has gotten into me pero hindi pa man sumisikat yung araw ay agad akong nagising.
Ang lambot ng tinutulugan ko saka mahangin.
Teka, saan ba ako natulog?
Bumangon ako and I realized that I fell asleep on the hammock—
What. the. fvck?!
"Tama ba 'tong nakikita ko?" tanong ko sa sarili ko.
Sinampal ko yung mukha ko nang malakas. Baka kasi nananaginip pa ako.
"Ouch! Fvck, totoo nga!" hindi ko makapaniwalang sabi habang sapo ko yung pisngi ko.
Because I saw Prussian sleeping beside me.
YOU ARE READING
How the Game has Changed?
RomancePrussian Sullivan is a famous gaming streamer and a professional multiplayer online battle arena player. Not only is he good at his gameplay, but he is also good at philandering, hence his in-game name was Casanova. One day he bumps into Jia Denise...