05

40 19 23
                                    

PRUSSIAN'S POV

"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ako? Tapos ano? Sisingilin mo ako ng thirty six thousand para sa camera mong hindi mo naman talaga dala nung gabing yun?"

Napatingin silang lahat sa amin.

"Sabi ko sa'yo anak makakabangga ka ng tao eh." sabi ng mama niya.

"Hindi yan tao, Ma! Geuneun michin sagikkun-ibnida!
(He's a crazy fraudster!)

I gave a jagged breath, because I was trying not to get angrier at this psycho, lalo pa't kasama niya yung mama niya.

My chest feels like it's filled with boiling coffee. Ay hindi pala yun feels like, literal na nabuhusan niya ako ng kakainit lang na kape!

"Ikaw na nga 'tong nakabangga ikaw pa 'tong matapang?" I glared at her then her mom apologized for what her daughter did to me.

"Pasensiya na po kayo ma'am kung napasigaw ako. Ang gaspang kasi ng ugali ng anak niyo." I looked at her daughter to emphasize kung sino yung tinutukoy ko.

"Ako pa talaga? Eh ikaw nga 'tong budol din ang ugali!"

"I-Ikaw—"

Magsasagutan pa sana kami nang sumingit na si Mrs. Valentino.

"Museun il-iya?"
(What's happening?)

"I seutokeoga naleul ttalaogo iss-eoyo!" sabay duro niya sa mukha ko.
(This stalker is following me!)

They were like speaking in tongues because I can't understand a thing. Pagkatapos bigla siyang hinampas ng mama niya sa balikat niya.

"Ah!"

"Geu salamhante mianhadago malhaeyaji!" ani ng mama niya.
(You should tell that person you're sorry!)

"Hago sipji anhda!"
(I don't want to!)

"Michyeosseo?"
(Are you crazy?)

Inilapag niya sa counter yung bag niya bago siya muling nagsalita.

"Ma, kakasabi ko lang 'di ba? Itinulak niya ako sa may tu—"

"Hoy, miss! Huwag ka ngang sinungaling! Hindi kita tinulak!" pikon kong sabi sa kanya.

"Ilang beses ko ba kailangang sabihin na I tried to save you because I thought you were going to unalive yourself that night!"

"Eh hindi nga—"

"Eh di hindi na nga tulad ng sabi mo!" kitang-kita ng lahat yung lalim ng buntung hininga ko habang nagsasalita.

"Alam mo, kasalanan ng earphones mo 'yan eh!"

"Assumero ka kasi!"

"Tama na 'yan!" awat ni Mrs. Valentino.

She was about to open her mouth when Mrs. Valentino spoke again. She called someone on her phone.

"Hello, love? Your friend Steven's construction company is still nearby the office, right? I need a favor. Pwede bang makahiram ng tao niya?" natatawa itong umiling nung may sinabi sa kanya yung nasa kabilang linya.

"Hindi ako manghihiram ng crane at wrecking ball unless may pagseselosan ulit ako. Kidding!"

"No, love, wala akong kaaway. Naka-move on na nga ko sa huli kong selos no! Saka I bought her naman a new house nung narealize kong walang namamagitan sa inyo eh."

"It's just that I need Steven's commercial divers. May ipapakuha lang ako sa ilalim ng tulay."

"Cea—" Mrs. Valentino stopped her by showing her palm on her face.

How the Game has Changed?Where stories live. Discover now