Ang kanyang Layunin
Ni : Binibino'ng Ginoo.
¿
Third Person
¿
"Hindi, HINDI—" Kumalat ang mapulang dùgo sa sahig ng tumama ang itàk sa ulo ng ama ng babae, hindi mapakali ang kanyang ina at sinusubukang hawakan ang kanyang anak upang pigilan ito.
Ngunit hindi iyon ng yari, patuloy pa rin ang pag dùrugo ng waràk na bungo ng ama na ang gumawa ay ang kanyang sariling anak. Mula rito ay patuloy nya pa ring pinag patuloy sa pag kàtay sa kanyang sariling ama.
At sinimulan nya ito pag tusok sa ribs cage ng ama nito na ngayon ay wasak wasak na, ang kabuuan ng làmang loob nito ay naka labas habang ang dùgo ay patuloy na tuma talamsik sa mukha at katawan ng nag kakàtay.
Masaya sa kanyang paningin, ngunit ang kanyang sariling ina ay napapaligiran ng takot. Hindi ito maka takbo dahil ang kanyang paa ay sobrang sakit dahil merong may naka tusok na kùtsilyo, hindi nya ito inaalis at baka pa ito lumala.
Ang kaya nalang nyang gawin ay ang idulas ang kanyang sarili sa tiles ng bahay at hawakan ang kanyang anak at mag makaawa rito at tingnan kung may magagawa pa ba sya.
Ngunit ano pa nga ba ang kanyang magagawa?, lumabas na ang mga làmang loob nito sa sahig, wala ng natira, ang natira nalang ay ang mga laman nito na hindi naapektuhan ng hinagpis ng kanyang anak at dito ito nag simula.
Walang nag tanong sa kahit anong pamilya, tinago ito ng ina sa mga kamag anak at pulisya, walang nalusot na impormasyong ganito, kahit na.
Hanggang isang araw ay nakita nyang wala ng buhay ang kapit bahay nya, at nakita nyang merong dugo malapit sa bibig nito at nakatingin sa kanyang parang walang ng yari.
Niliguan niya ang kanyang anak at pinakain hanggang nag patuloy ito, ilang ulit ng nag imbestiga, sampu na ang nabiktima ng bata at hindi pa rito kasama ang kanyang ama na ngayon ay balitang umalis at nag ibang bansa kahit na naka baon lang ito sa likod ng pamamahay ng pamilyang may tinatagong madilim na katotohanan.
Sa makatuwid, hindi na kinaya ng ina ng babae. Ang ginawa nya para ito'y mapigilan ay ang pag gawa nya ng kuwarto sa basement para lang sa babae na hindi mabubuksan. Walang kahit anong patilos na bagay, imposibleng makaalis o makatakas—para wala na itong mapatay pa.
Dahil ito lamang ay sampung taong gulang at ang ngalan nito'y cassandra, kilalang tawag ng kanyang ina noong hindi pa ito nasa basement ay yeya.
•
Anim na buwan ang nakakalipas ng malaman ng babae na buntis pala sya, mula rito ay tinago nya sa lahat ng totoo.
ang pinangalan nya sa kanyang bagong anak?, leya. Isang basbas sa kanya. Nag ka anak ulit sya sa kanyang mahal na asawa na ngayon ay pátay na ngunit nag da dasal sya araw araw, huwag na huwag itong maging katulad ng kanyang nakakatandang kapatid.
Sampung taon nalang nakakalipas ng ipinanganak ito.
Merong nalaman ang pulisya pag katapos ng sampung taon na iyon, naipag patuloy ang pag hahanap kay cassandra na ngayon ay makikita na nila. Kuwestiyon pa rin sa isa't isa sa mga pulisya kung ito ba ay na andito pa ba sa bansa ngunit nag patuloy pa rin sila sa pag hahanap.
Hanggang saktong nobyembre uno ng makakita ng bakas ng ebidensya sa pag pàtay sa isa sa mga nabiktima ng nasabing sèrial kìller, hanggang makahanap ulit hanggang malaman kung sino ba talaga ito.
Ng tingnan ang pamamahay, walang katao tao ngunit nag hintay ang mga pulisya hanggang maka hanap sila ng tiyempo, gabi noong mang yari ang madùgong hindi inaasahang pang yayari.
•••
Leya.
•••
Tiningnan ko ang kausap ni mama sa likod nito, ng makita nyo ako ay napa kunot ang lalaki, ngunit pag katapos ng pang yayari ay umalis ulit ito, bago pa man umalis ay tiningnan ulit ako ng lalaki.
Hanggang makita ko syang may kausap sa kanyang telepono, tinawag ko si mama upang tanungin ito.
Pero makikita ko na ayaw nyong mag salita, tiningnan ko lang sya hanggang makakuha ako ng tiyempo, bumuka na ang aking bibig at sinabi ang aking saluubin.
"Ano iyon ina?, ano po ang pinag sasabi ng pulisya?"
Tumingin ang magulang ko sa aking mga mata.
"Kamukha ka nya anak"
"Ano po sinasabi nyo?"
"Ang kapatid mo"
Ngunit bago pa ako makapag salita.
Sigaw at putok ng bàril ang dumausdos ang boses mula sa dalawang bagay na iyon, nagulat ako at nangamba sa pang yayari.
Tumayo si ina at tiningnan kung ano ba iyon, hanggang sya'y mapa sigaw. Desperado nyang sinarado ang pinto. Pumunta sya sa akin upang kunin ako. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko upang tingnan ang mga ng yayari.
Ngunit huli na, dumeretso ang madùgong itàk sa tiyan ni ina, tumulo ang dugo sa aking katawan, bumagsak ito sa akin habang ako ay gulat na gulat pa rin.
Umalis ako sa kanya hanggang makita ang babae, nakangiti habang unti unting tinatanggal sa tiyan ng ina ang itàk na iyon.
•••
Third person
•••
Sampung taon ang nakakalipas ng mang yari iyon, inampon ang babae ng isang pamilya sa maynila, naging isang mahusay na anak ito ngunit hindi pa rin mawawala ang bakas na kapatid pa rin nya ang pumatay sa sarili nitong ina at ama.
Walang ka alam alam ang bago nyang tagapangalaga, masaya lang ito. Ngunit ng makita nya ang dugo sa sahig ng bahay, alam na nya na naandito na ang kanyang kapatid.
Binuksan nya ang pintuan upang makita ang pang yayari, ngunit habang tinitingnan ito. ilang ulit nyang tinawag ang ngalan ng kanyang lola marivic. Ngunit ulo lang nito ang kumaripas ng ito'y binato, sumabog ito sa likod nya dahilan ng pag sabog at pag kalat ng pira pirasong utàk na ngayon ay napapaligiran na ng dùgo.
Kasunod nito ang itàk na malapit ng tumama sa kanya. Ngunit hindi iyon ng yari, pero bago pa nya tingnan kung sino ba talaga ang nag bato noon. Bigla nyang narinig ang boses ng lolo manoy nya.
"Anak, umalis ka—alis na anak!"
Ilang ulit itong sumigaw hanggang marinig nyo ang lolo nitong mawalan ng hininga, makikitang pùgot na rin ang ulo nito habang merong nakatusok na piraso ng mga salamin, kasama dito ang kanyang mata na ang isa ay nawawala habang ang isa naman ay merong mahaba at matilos na pitak ng salamin na naka kabit na sa kanya.
Ang kanyang backbone na kinuha sa pinakang katawan nito ay ginamit upang itusok sa kanyang bibig, pero habang nakikita nya ang mga bagay na iyon. Inilagay ni leya ang kanyang palad sa kanyang bibig upang takpan ito, ayaw nyang masuka habang may namunuong laway sa kanyang bibig. Tinakpan nya lang ito ng mahigpit hanggang mag desisyon syang umalis na rito, ayaw nyang makita kung sino ang gumawa nito at kung sya ba talaga iyon, ang kapatid nya.
Ngunit bago pa sya makatapak, nakakinig sya ng kaluskus, dugo mula sa itaas ang patuloy na tumutulo. Tiningnan ni leya kung ano ba ito at ang kanya lang nakita ay tumutulong dugo mula sa maliit na butas sa kisame.
Hanggang pag tingin nya sa kanyang harapan, repleka nya ang biglang tumakbo sa kanya upang kunin ang kanyang buhay, unti unti. Nakita nya ang katapusan.
Unti unting lumaki ang sumasakop na puti sa kanyang nakikita, liwanag na hindi nya kayang takpan. Pumikit man sya ay hindi ito mawala—walang kadiliman.
Hanggang makita nya ang kaluluwa nyang nakatingin sa babae na patuloy na hinuhukay ang kabuuan nya, mula sa kanyang malaswang kalagayan. Natapos na rin ang kakaibang kabaliwan ng kanyang ate cassandra.
Ang layuning patayin ang kanyang buong pamilya, kasama sya!.