Consumatum Est
Ni : Binibino'ng Ginoo
•••
Madaling araw ng makaalis sila lily sa kanilang bahay upang mag bakasyon sa isang liblib na lugar sa parte ng mga tribo ng salulong, sabi sabi na mababait sila, marami ding nag sa sabi na sila daw ay masasama ngunit hindi iyon ang kanilang pakay sa bundok na iyon.
Iyon ay mag pakasaya, gusto n'yang mag pakasaya gamit ang tatlong araw na bakasyon nila sa sobrang daming assignment, reporting at research sa mga bagay na bakit nga ba nila ginagawa?
Para sa grades, sumakay sila sa van na inarkila ng kanilang mga magulang upang matuloy ang bakasyon na ito, isang araw silang nag biyahe upang marating lamang ang destinasyon at nakapunta sa bungad ng bundok na magubat.
Ng maka yapak na sila sa gubat ay hinanap agad nila ang sentro nito dahil doon sila tu tungo ngunit wala sialng makita papunta doon, kahit ang mapa ay hindi naka tulong.
"Ts"
Isang tunog, isang tunog na narinig nalamang ng babaeng merong ngalang ashley, isang magandang babae na kaibigan ni lily, ayaw n'ya sa bakasyon na ito at ayaw n'ya rin na pumunta sila dito dahil meron s'yang panaginip na malapit na malapit sa ng yayaring ito, ngunit wala s'yang magawa.
"Sino yan?" Tumingin ang iba sa kaniya.
"What's wrong?" Tugon naman ni lukas na ngayon ay pinapakiramdaman ang mga ng ya yari sa paligid.
"Wal-" bigla itong napasuka ng dugò, pumuslit ang dugò sa mga halaman at hanggang tumumba nalang ang katawan ni ashley na ngayon ay buka ang likod, nakita nalang ang maitim na lalaki na nakasuot ng kakaibang damit na naka tusok pa rin ang sibat nito sa isinaad.
"Besio Alta!" (Bagong alay) Saad nito habang hawak hawak ang matulis na sibat na puro dugò, binunot n'ya ang sibat sa likod ni ashley at ngumiti ng makita pa ang iba, "veltum sarawa rebulto sariparawa!" (Bagong alay sa rebulto ng tribo)
"Ha-ha" napahinga at biglang kinabahan ang iba, sa gulat at takot ay napatakbo nalang si lily, sharly at vineric at sa ibang direksyon at iba naman ang tinahak ni lauren.
Ngunit hindi nakaligtas si lukas na ngayon ay tinuluyan na rin ng lalaki, sinìbat ito sa kanyang tiyan at binawian na rin ng buhay, ilang ulit itong kinatay upang mas lalo itong nawalan ng pag asang mabuhay.
"Sino siya!" Tugon ni sharly kaibigan ni lily na sumama rin sa bakasyon.
"Sila-ha-ha. Sila ang tribo rito! Sila ang nag i isang tribo ng salulong!. Ang tribong mawarak!" Tugon nito kahit ito ay hinihingal habang tumatakbo, kinakabahan sila sa kung ano ang mang ya yari.
"Asan tayo" tugon ni lily, tumakbo s'ya patungo sa ilaw sa harapan n'ya, ng nakita nalamang n'ya ay talagang nakakasuka.
Ang bahay ay pininturahan ng dugò, ang bawat puno ay merong nakasabit na hilaw na lamàng lòob ng tao at ang bawat ulo na kinatày nila ay naka tusok sa bawat posteng kanilang nakikita.
At ang mas lalo silang nagulantang sa lalaking pinugùtan ng ulo ang kasamahan n'ya at binato naman sa iba upang pag papahiwatig na s'ya na ang kasunod, nakarinig n'ya ng sigawan, ang mga tao ay sumisigaw para sa ritwal.
"Veltum sarawa!" (Para sa tribo)
"Agug vepartros sakaskistakis!" (Mahal tayo ng gumagawa)
"Veltum sarawa!" (Para sa tribo)
"Agug vepartros sakaskistakis!" (Mahal tayo ng gumagawa)
"Veltum sarawa!" (Para sa tribo)
"Agug vepartros sakaskistakis!" (Mahal tayo ng gumagawa)