Chapter 2- ALVIN EDWARD SALAZAR'S NEW SIDES

8 0 0
                                    

CHAPTER 2- ALVIN EDWARD SALAZAR'S NEW SIDES

3rd Person.

"Alvin. Alvin Edward Salazar.." sabi ng binata na nanakit sa isang babae o sabihin na natin na, nasaktan ng isang babae..

"Ah. And you are?" sabi ng kanilang guro.

"Jhaymhark Mendoza." simple at maikling sabi ng binata.

"Okay. Umupo na kayo kung saan niyo gusto."

Nang naghahanap na sila ng upuan...

"Kyaaaah! Mga pogi! Dito o! May space pa! OMheged!" malaning sabi ng isang babae.

"Mga pogiiii! Ihhhh! Dito nalang kayo! Pag gitnaan niyo nalang akooooo!" malanding sabi pa ng isa.

'Fvck! Ang ingay nila!' Inis na sabi ni Alvin sa kanyang isip.

'Kung makapag aya naman 'tong mga 'to, baka mamaya mabango pa ang paa ko sakanila. Hihi.' Malokong sabi sa isip ni Jhaymhark.

Hanggang sa may napansin si Alvin na babaeng nakayuko, hindi niya alam ang nangyari pero.. kusa nalang pumunta ang kanyang mga paa sa tabi ng babae, pero isa lang ang nasa isip niya..

'Mukhang hindi siya interasado sakin ha? Okay na'to. At least, hindi ako makakasapak ng babae'

Sumunod naman ang kaibigan na si Jhaymhark at umupo sa tabi ng isang pang babae.

Rochelle Enriquez.

Tae naman e! Yumuko na nga ako para hindi niya ako mapansin e! Pero nagkamali pala ako! Mas napansin niya ako. Huhu. T^T.

Kinalabit ako ni Rechellace saka sinabing.. "Uyy, bestfriend? Magpapakilala na si Sir. Bahala ka. Mapapagalitan ka. Mawawalan ka ng scholar.. ikaw din.." dahil sa sinabi niya.. tinaas ko na ang ulo ko ng dahan-dahan. Saka dahan-dahan na tumingin sakanya. Buti nalang pala hindi siya nakat-- Shit! Titingin siya dito! Waaah! Hindi ko maigalaw ang ulo ko!

Wala na! Huli na ng naigalaw ko ang ulo ko. Nagkatitigan na kami. Huhu.

Nang tinignan ko ang mga mata niya may napansin ako...

Ang dating buhay na buhay niyang mata..

Ngayon...

Patay na o walang kabuhay buhay.. in short, walang expression..

"Diane.." malamig niyang sabi. Kung dati kapag tinatawag niya kong 'Diane', kinikilig pa ako. Ngayon? Natatakot nako.. nakakatakot na siya.

"E-edward.." kinakabahan kong sabi.

"Dito ka pala nag-aral 'no?" sabi niya.

"H-halata naman diba?"

"Pag sisihan mo ang pagpasok mo dito." malamig niyang sabi. Pagsisihan ko? Wala naman akong ginagawa sakanya ha? :(.

"Pagsisihan? Bakit?! Wala naman akong ginagawa sayo ha?!" nakakagigil kasi e!

"Oh? Talaga? Pwes. Wala akong pakiela--"

Napatigil siya sa pagsasalita ng nagsalita na ang teacher namin..

"Okay, kahit first day natin. Gagawa na agad tayo ng isang activity.."

"Sir? Ano pong klaseng activity?"

"Singing," maikling sabi ni Sir.

"Individual po ba?"

"Nah, Duet."

SACRIFICE FOR..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon