15 // In Love

1.7K 58 23
                                    

Kathryn XIII

written by Auburn Sy

Dedicated to Swaaaguuurl by request.

***

15 // In Love

Kathryn's Point of View

Naging okay na rin naman agad kami ni Daniel. Hindi ko akalaing magagawa 'yun ni Julia. Ang sabi sa akin ni Daniel, nakulong daw siya sa room at nagising na lang siya sa kwarto ni Julia. She's the ex-girlfriend of Daniel. Nabother nga ako with the thought na baka may nangyari sa kanila at mabuntis si Julia.

Nakakalungkot lang dahil akala ko kaibigan ko siya. Kinaibigan lang pala niya ako dahil kay Daniel. Mabuti na lang hindi ako agad nagtiwala sa kanya.

Kapag nagkikita kami sa school, walang pansinan pero umiinit talaga 'yung dugo ko. Officially nanliligaw na kasi sa akin si Daniel pero palagi namang nakabuntot si Julia sa kanya just like now.

"Hey Daniel, can you teach me how to do this?" sabi niya kay Daniel habang nakaupo sa desk nito. Ang isa pang nakakainis eh 'yung nakabukas 'yung first two buttons ng blouse niya. Argh!

"Julia, I'm sorry pero sasamahan ko pa si Kath sa library eh. Sige, mauna na ako," sagot ni Daniel tapos tumayo na siya kaya natumba 'yung desk kasama si Julia.

Napatawa ako kaya tumingin lang ng masama sa akin si Julia.

"Yeb, tara sa lib?" tanong ni Daniel paglapit sa akin. Nililigawan niya palang ako pero gusto niya daw ay Yeb na 'yung endearment naming dalawa.

"Tara."

After kong isoli 'yung hiniram kong libro, kumain na kami ni Daniel, lunch kasi eh. Si Daniel na 'yung nagbayad kahit sinabi kong hindi. Ang sweet niya talaga kahit kailan. Gusto ko na nga siyang sagutin eh kaso hindi ko maintindihan 'yung sarili ko.

Habang kumakain kami, may nagtakip ng mga mata namin.

"Hoy, sino kayo?" tanong ni Daniel. Ako naman, pilit inaalis 'yung kamay na nakatakip sa mata ko.

"Surprise!!" May biglang sumigaw tapos natanggal 'yung kamay na nakatakip sa mata namin. Nakita namin sina Jiro at Kyd na nakatayo sa gilid ng table namin.

"Dito rin kayo nag-aaral?"tanong ko nang mapansin ang suot nilang uniform.

"Yup!" sagot ni Kyd.

"Oh dude, musta ka na?" tanong ni Jiro kay Daniel.

"Maayos naman nung wala pa kayo. Eh kayo?" sagot naman ni Daniel kaya binatukan ko siya.

"Huwag ka ngang ganyan sa friends mo, yeb," sabi ko sa kanya.

Umarte naman siya na parang nasaktan. "Ouch yeb. So, sila na 'yung kinakampihan mo?"

Tumayo ako at pumunta sa side niya. Yumuko ako ng konti para ka level ko na siya.

"O-oy yeb. Minamanyak mo ba ako?" tanong ni Daniel. Lumapit kasi 'yung mukha ko sa kanya eh.

Hinalikan ko siya sa cheeks at bumalik na sa upuan. "Bati na tayo ah?"

"Yun oh!" sabay na sabi nina Jiro at Kyd sabay apir kay Daniel. Mga baliw talaga sila. -_-

Umalis muna sila saglit para daw umorder ng kakainin nila. Sana 'wag na sila bumalik. Iniistorbo nila kami eh. Hohoho!

Napatingin ako kay Daniel. Ang gwapo niya talaga. Hay. Gustong gusto ko talaga siya. Pakiramdam ko nga, mahal ko na siya eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kathryn XIII (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon