"Nice hit, Xave. You never get rusty when it comes to this sport."
Early Sunday morning, we're out and enjoying ourselves on the golf course. Kuya Aga tugged me with him to spend our weekend at the country club here in Tarlac.
Usually kapag mga ganitong araw, inuubos ko ang oras ko kasama si Amara sa hacienda nila dito. Nasanay kasi siya sa probinsya kaya hinahanap-hanap pa rin niya ang sariwang hangin kumpara sa polusyon na meron ang Maynila. Kaya no'ng tinawagan ako ni Kuya Aga, hindi na ako nag-alangan pang puntahan siya tutal humigit-kumulang tatlumpong minuto lang ang layo nitong lugar sa lupain ng pamilya ni Amara.
Pagkatapos ng tanghalian, binabalak kong dumiretso sa bahay nila upang sulitin ang natitirang oras bago siya magsimula bukas sa ospital na pagtatrabahuhan niya.
Tumabi ako. It's his turn now.
"Ano namang naisipan mo at bigla kang nagyaya na bumisita dito?" tanong ko. "Wait, did you and Doc Mavis fight?"
Tumikhim lang siya. He whacked the golf ball with an easy swing. "Hmm... what made you say that?"
"Nakakapanibago lang na hindi mo siya kasama. Nasanay na kasi akong makita siyang nakabuntot palagi sayo. Also, you usually spend your weekend bonding with your family."
He handed me the golf club. I squinted my eyes in the direction of the flagstick.
"Stop over exaggerating how clingy my wife is. Naging gano'n lang si Mavis sa'kin when she was pregnant with our first child, Draco. Ako kasi ang pinaglihian ng asawa ko kaya kahit isang minuto na hindi niya ako nakikita ay naba-badtrip na siya noon," natutuwa niyang komento.
"The reason why she's not here with me is because of the dissertation she's working at. Saka ayaw niyang ilabas masyado ng bahay ang bunso namin lalo pa't magli-limang buwan pa lang si Lilac," dagdag niya.
I was busy calcutating the amount of force I'll give for a swing when he blurted out the words which made me lose my aim.
"When will you propose to Amara and settle down?"
I lost my balance and almost tripped on my own foot. I regained my composure and tried so hard to conceal the humiliating action I did.
I was thankful because I already hit a strike before he continued talking again.
"Xave, you're already 26 years old and that's the ideal age for you to have a child. Hindi mo ba siya nakikita na magiging ina ng mga anak mo sa hinaharap?"
I mentally rolled my eyes. Kung makapagsalita si Kuya Aga ay para bang napakadaling magka-anak at bumuo ng pamilya. Gusto kong makita ang future Xave-lookalike ko pero hindi pa ako handa sa ngayon. I don't know. I have plans building a family but maybe now isn't the right time.
"Seeing how passionate Amara is in the medical field, I don't want to stress her out into an instant homemaker. She still has goals ahead of her that she wanted to achieve. Sapat na sa'kin ang suportahan siya sa mga gusto niyang makamit."
Mukhang naintindihan ni Kuya Aga ang punto ko kaya isang pagtango nalang ang nakuha ko mula sa kanya. He let go of the "proposal-slash-marriage" idea.
Sa mga sumunod na oras, I became a listener who allowed him to endlessly talk about being a father and how he's enjoyed the 'Dad experience' with his four children.
Kuya Aga told me he'll stay for two more hours in the country club before going back home.
"I'll go visit once I clear out my schedule," I said and finally bid goodbye.
To Amara del Castillo:
Will be there in 30 mins. See you, babe.Pagkatapos i-send ang text message na iyon, nagsimula na akong paandarin ang kotse.
YOU ARE READING
Skipped Heartbeats (Amorous Revival Series #5)
General FictionWhen Xebastiano Vicencio Fonacier grew fond of his class adviser, Lyle Esteban Madrigal, the rest of his days in junior high school became memorable and extra special. Falling for someone who's out of your league will always be a shot in the dark. Y...