VALENTINE'S DAY EDITION

25 5 0
                                    

"Teka lang, Kristina. Sandali lang," sabi ni Enrico habang hawak-hawak ang braso ng kanyang nobya.

"Ano nanaman?!" sigaw ni Kristina. "Nauubusan na ako ng pasensya sa iyo!"

"Pakinggan mo muna ako!" pakiusap ni Enrico. "May sasabihin lang ako."

Huminga ng malalim si Kristina. "Sige, ano yun?"

Tinitigan siya ng seryoso ni Enrico. "Alam mo bang pakiramdam ko nasa impy3rno tayo? Ito yung tunay na impy3rno!"

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?" gulat na tanong ni Kristina.

Itinuro ni Enrico ang paligid. "Tingnan mo. Patày na patàyan ang paligid. Tuyo na ang mga halaman. Mainit at maalinsangan. At ang mga tao..."

Doon lang napansin ni Kristina na walang ibang tao sa parke kung saan sila naglalakad. Tahimik at tila ba nakakatakot.

"Oo nga ano? Parang impy3rno talaga," natatakot na sabi niya. "Pero imposible yan! Nasa lupa pa rin tayo!"

"Hindi!" sigaw ni Enrico. "Nasa impy3rno na tayo. At alam ko kung bakit..."

Bigla siyang huminto at tinitigan si Kristina. "Ikaw ang dahilan..."

"Ako?!" gulat na tanong ni Kristina. "Anong sinasabi mo?!"

Ngumiti ng nakakatakot si Enrico. "Oo, ikaw. Dahil sa pagka-sel0sa't pos3sibo mo. Ang lagi mong kaàway lahat ng babae na lumalapit sa akin."

"Pero... pero..." nauutal na depensa ni Kristina.

"Wala ng paliwanagan!" putol ni Enrico. "Dahil sa kagustuhan mong magkaruon ng monopolyo sa pagmamahal ko, isinumpa tayo sa impy3rnong ito!"

"Hindi! Hindi totoo yan!" tumakbo palayo si Kristina.

Ngunit saan man siya pumunta, nandoon lagi si Enrico. "Iwanan mo na ako!" iyak niya.

Ngumiti ulit si Enrico. "Hindi ko magagawa yun. Magkasama tayo sa impy3rnong ito magpakailanman. Ikaw Naman may kasalànan nito"

"Hindi!!!" masuyong na sumigaw si Kristina.

Biglang nagising si Kristina. Napatingin siya sa paligid at nakitang nasa kuwarto lang siya. "Panaginip lang pala..." bulong niya.

Maya-maya, tumunog ang cellphone niya. Tawag ni Enrico. Sinagot niya ito.

"Hello mahal?" bati ni Enrico. "Musta? Kamusta ang tulog?"

"Ayos lang..." mahinang sagot ni Kristina.

"Talaga? Mukhang hindi ah," naririnig ang halakhak ni Enrico. "Kanina ka pa humihingi ng tulong habang tulog. Para kang kinukûlam."

"Ha? Totoo ba?" gulat na tanong ni Kristina.

"Oo naman," natatawang sagot ni Enrico. "Siguro bangungot lang yan. Wag kang mag-alala, nandito lang naman ako."

"Sige... salamat," paos na sagot ni Kristina bago ibaba ang telepono.

Maya-maya, kumatok sa pintuan ni Kristina. Si Enrico, may dalang bulaklak at regalo.

"Surprise!" bati nito. "Happy Valentine's! Pasensya na kung nagulat kita."

"Happy Valentine's din!, May regalo ako sayo" masayang Saad ni Kristina

"Ano to?" Enrico

"Buksan mo na Dali!"

Pag kabukas ni Enrico ng regalo galing kay Kristina tumambad ang sariwang pu..



Pu....














Pu...











Púso?










Púso ng Bab0y?











Pu-puso!!! Nang!!!













Puso ng tao! At may naka ukit na "Happy Valentines day Mahal Kong Enrico"




"A-ano to?"

"Surprise! Púso iyan ng babaeng dikit ng dikit sa iyo!! What is name again?! Owww Yes Lovely, she deserve that. Sabi sayo diba Kong sino man ang lalapit ay kukuhanin ko Ang púso, I'm not joking mahal. Hope you like it I love you hahahahahahaha!!!"


-Zaleniaxxein (m'ladychary)

Random One Shot Story Where stories live. Discover now