CUPID 2

9 4 0
                                    

Ang Totoong Anyo ni Cupid



"Hoy Carding! Bilisan mo nga!" sigaw ni Dina, habang hinihila ang kaniyang nobyong si Carding papunta sa gilid ng Liwasang Bayan.



"Sandali lang Sweetheart, nauuhaw lang. Teka muna't uminom muna tayo," sagot ni Carding.



Ngunit patuloy lamang sa paghila si Dina. "Wag na! Gusto ko lang talagang pumunta dun para mag-picture picture. Ang ganda kasi ng heart installations for Valentine's!"



Sa wakas, nakarating din sila sa napiling photo spot ni Dina. Maraming puso at mga papel na kulay rosas na naka dekorasyon sa paligid.



"Ang ganda diba Carding? Perfect for our first monthsary!" masayang sabi ni Dina.



Ngumiti lang si Carding habang hinihingal pa rin. Pagod na pagod siya sa kakahabol kay Dina, ngunit gusto niya itong pasayahin.



"Oo nga Sweetheart. Ang ganda ng lugar na napili mo," tugon ni Carding.



Habang nagpe-pose sila para sa selfie, biglang may nakita silang kakaibang nilalang sa gilid ng photo spot. Isang batang lalaki, mukhang 8 taong gulang lamang. Maputi at payat. Suot nito ang puting balabal na parang damit ng anghel. Pero imbis na may pakpak, wala itong anuman sa likod. Nakakatakot yung mukha nito, na kulay gray at walang mga mata.



Nanlaki ang mga mata nina Dina at Carding sa gulat.



"S-sino ka?" nauutal na tanong ni Carding.



Ngumiti ito nang nakakatakot. "Cupid lang po. Tagahatid ng pag-ibig."


"Anong ginagawa mo dito Cupid? Di ka baga dapat nasa langit naghahagis ng mga arrows?" gulat na tanong ni Dina.




Lumapit ang bata sa kanila. Kahit walang mata, parang nakatingin ito ng deretso sa kanila at mistulang pinagmamasdan ang kanilang mga puso.


"Ang sarap maghatid ng pag ibig sa lupa. Masarap kumain ng mga puso ng tao..." anito.



Nanigas sina Carding at Dina sa takot. Nagkatinginan sila, di alam ang gagawin. Bakit ganito kakaiba itong itsura ni Cupid? Anghel man ito o ano, hindi ito magandang senyales.



Todo lakad sila papalayo sa lugar, ngunit biglang narinig nila ang boses muli.



"Aalis na kayo agad? Di pa nga tayo nagkakilala nang maigi," singit ni Cupid na ngayon biglang nasa harap na nila muli, na mistulang nag teleport.



"Ginoo, ano po talaga kayo?" takot pa ring tanong ni Carding. "Kung gusto nyong makipag kaibigan, maari po bang sa ibang pagkakataon? May lakad pa kasi kami. Pasensya na."


Ngunit imbes na makasagot, biglang hinila ni Cupid ang braso ni Carding at tumingin sa kanyang mga mata. Pumikit agad si Carding para maiwasan ang eye contact. Pero huli na ang lahat. Sa di maipaliwanag na paraan, parang napapaniwala na siya agad sa bata. At sa kabila ng katakutan, nararamdaman na niya ang pagmamahal dito!


"Carding, love kita. Gusto kong kainin yang matabang puso mo," ani Cupid, na ngayon ay halatang nanginginig na sa gutom.


"Sure Cupid, you can have my heart. I love you," sagot ni Carding, kalmadong kalmado at parang nahipnotize. Pinasok niya pa ang dalawang kamay sa kanyang dibdib upang alisin ang sariling puso.


"Wag! Carding, tigilan mo!" Sigaw ni Dina. Agad niyang hinila ang nobyo palayo sa halimaw. "Anong ginagawa mo sa kanya?!" galit niyang tanong kay Cupid.



"Di mo ba gusto matikman ang tunay na pag-ibig, Dina?" sagot ni Cupid, na mistulang nagpalit ng boses at nagmukhang ibang nilalang na. Mukha itong taong lobo na nakangiting puno ng dugo ang mga ngipin.



Takot man, ipinagtanggol pa rin ni Dina ang kanyang nobyo. "Bitiwan mo si Carding!"


Itinulak ni Dina si Cupid palayo hanggang sa ito'y bumagsak. Nagulat siya nang makitang hitik sa dugo ang mga kamay nito. Nagulat din si Dina nang makita na wala na palang puso si Carding, at pinuputol putol na lamang ang sariling dibdib.


Sumigaw si Dina sa takot habang tumatakbo palayo sa parke at iniwan ang nobyo niyang umiiyak sa paningin.



Nang makalayo na, napalingon si Dina pabalik at natigilan sa nakita. Si Cupid na nakaubos na yata ng puso ni Carding, at ngayon ay lumilipad na pataas at umaalis. Pero imbis na anghel, isang demonyo na ang anyo nito. May mahabang buntot, sungay, at nagniningning na mga pakpak.



Sa kabila ng lungkot at panghihinayang, patuloy pa ring tumatakbo palayo si Dina. Wala na siyang magagawa para kay Carding. Ngayon alam na niya kung ano talaga ang totoong anyo ni Cupid. Hindi ito anghel ng pag-ibig. Ito ay halimaw na kumakain ng mga puso ng tao. At kailangan na niyang magtago bago siya ang susunod na biktima.

-Zaleniaxxein (m'ladychary)

Random One Shot Story Where stories live. Discover now