AYOS KA LANG BA?

6 4 0
                                    

"Ayos ka lang ba?" tanong mo sa akin, ngunit alam kong hindi ako ayos.

Hindi ako makapagsalita, nalulunod ako sa aking mga damdamin.

Gusto kong umiyak ngunit walang luha na dumadaloy.

Nararamdaman ko ang sakit sa aking dibdib, parang may mabigat na bato sa aking puso.

Iniiwasan mo ako, alam kong may dahilan ka pero hindi ko maintindihan kung bakit.

Nasasaktan ako tuwing nakikita kitang lumalayo sa akin.

Gusto kitang lapitan at tanungin kung ano ang problema pero parang may pader sa pagitan natin.

Naiisip ko na baka napagod ka na sa akin. Na baka sawa ka na. Na baka ayaw mo na akong makita. Ang sakit isipin na mawawala ka sa buhay ko.

Pagod na pagod na rin ako. Gusto kong pahinga ngunit hindi ko magawa. Patuloy akong ginugulat ng mga alaalang pumupuno sa aking isipan. Alaala ng mga masasayang oras na magkasama tayo. Mga ngiti at halakhak na nagpapasaya sa aming mga puso. Ngayon, puro lungkot at kirot na lamang. Hindi ko alam kung paano ito lalampasan. Kung paano ako mabubuhay nang wala ka.

Gustong-gusto kitang makita. Makayakap. Makapiling. Gusto kong mahigpit kitang yayakapin, na parang hindi na kita pakakawalan. Gusto kong maramdaman muli ang init ng iyong puso. Gusto kitang tanungin, humingi ng paliwanag, makipag-usap, ayusin ang lahat. Gusto kitang sabihan na mahal na mahal pa rin kita, na hindi kita kayang mawala. Pero hindi ko magawa, dahil masyado kang malayo.

Pinipilit kong kalimutan pero hindi ko magawa. Lagi't laging bumabalik ang alaala mo. Miss na miss na kita. Iyong ngiti, iyong boses, iyong mga biruan natin. Miss na miss na kita. Hindi ko alam kung kailan, o kung paano tayo magkikita muli. Una mong ako nilapitan at tinanong kung ayos lang ba ako. Ngayon, sana ikaw naman ang lapitan at kausapin kita. Sana sabihin mo sa aking kung bakit ka umiiwas. Kung bakit mukhang ayaw mo na akong makita.

Sana mabigyan mo ako ng paliwanag. Sana sabihin mo sa akin kung anong nangyari sa atin, kung bakit tayo umabot sa ganito. Gusto kong sabihin sa iyo na handa akong intindihin, handa akong pakinggan ang lahat na gusto mong ibahagi. Handa akong ayusin ang anumang pagkakamali. Handa akong gawin ang lahat, huwag ka lang mawala sa buhay ko.

Dahil mahal kita, gagawin ko ang lahat para sa iyo. Sana bigyan mo ako ng pagkakataong ipakita ulit iyon. Sana bigyan mo ako ng pagkakataong kaakibat ka muli sa mga magiging bahagi ng buhay ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ako lumalaban araw-araw. Dahilan kung bakit ako nagsusumikap abutin ang aking mga pangarap. Ikaw ang aking inspirasyon, ang nagtutulak sa akin na magpatuloy sa kabila ng lahat.

Sana payagan mo akong maging bahagi muli ng buhay mo. Dahil kung ikaw ang kasama ko, alam kong lahat ng pagsubok ay may lalampasan. Sana bigyan mo ako ng panibagong pag-asa. Lalaban ako para sa ating dalawa. Para sa ating pagmamahalan.

Hinihintay kita. Maghihintay ako, gaano man katagal ang abutin. Susubukin kong kalimutan, pero alam kong babalik at babalik ka sa aking puso at isip. Sinusubukang lunurin ang mga alaala subalit mga ito ang patuloy na nagpapaindak sa pusong humihingi ng kalinga mo.

Maghihintay at magmamakaawa ako. Sabihin na hindi tayo tapos. Sabihin na may pag-asa pang muli kitang mahagkan at mahigpit na yakapin.


—Zaleniaxxein (m'ladychary)

Random One Shot Story Where stories live. Discover now