"BRRR..!! bakit ang lamig?" dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, sabay tingin sa alarm clock sa side table para tingnan ang oras.
"04:05am pa lang? may 10 minutes pa ako." at naidlip uli ako.
BUZZ* BUZZ* BUZZ*
Biglang tayo ako. Nagulat ako, 04:15am na.
"Parang ang bilis?" tanong ko sa sarili.
Dumiretso na ako sa banyo para gawin ang aking morning rituals. Paglabas ko sa banyo may text message sa phone ko.
"Sis, Papunta na kami diyan."
Bumaba na ako diretso sa kusina then tinignan ko yung ref kung ano pwede kainin.
"hmm? luto na nga lang ako ng pancakes." nilabas ko na yung mga ingredients then nagluto na ako.
Biglang "Oh Georg, ang aga mo nagising. May lakad ba kayo ngayon ni Stacy?" tanong ni mama.
"Ah Opo, magjojogging po kami ngayon nila Stacy at Leif diyan lang po sa park." sabi ko.
"Ah ganun ba? Gising na ba si Manang Fe?"
"Opo, nakita ko po siya sa labas. Nagdidilig."
DING* DONG*
"Ma'am Lia, andito po yung mga kaibigan ni Ma'am Georg." sabi ni ate Wynna (anak ni Manang Fe)
"Ah papasukin mo na sila." sabi ni mama.
Pagpasok nina Stacy at Leif.
"GOOD MORNING TITA ! ! " pagbati nila kay mama.
"Good Morning din mga hija, gusto niyo ba ng juice habang hinihintay si Georg?"
"Hindi na po tita, Si Georg po?" tanong ni Stacy.
"Nasa taas, sa kwarto niya. Puntahan niyo na nga nang magmadali yung bata na iyon."
"Sige po tita." sabi nung dalawa sabay akyat sa kwarto ko.
Sa kwarto:
"Oi! Bilisan mo nga! Wag ka na matulog diyan sa loob." pasigaw na sabi ni Stacy habang kumakatok sa pinto.
"Eto na, lalabas na!" sagot ko.
Lumabas na ako sa banyo. Nasa kama ko yung dalawa, pinapakialaman na naman yung laptop ko.
"Tara na mga bruha!" pabiro kong sigaw sa kanila.
"Si Stacy lang ang bruha sa atin noh." mahinhin na sagot ni Leif.
"Ha-Ha, Funny Leif. Minsan na lang bumanat di pa nakakatawa." Stacy.
"Huh? hindi kaya ako nagpapatawa. I'm just stating a fact." sagot ni Leif.
Alam mo yung Asian girl dun sa "Pitch Perfect" parang ganun magsalita si Leif. The difference maririnig mo yung sinasabi ni Leif.
"Stop it girls! Tara na. Baka magkapikunan pa kayo." pagputol ko sa pasaringan nila.
Bumaba na kami at nagpaalam kay mama.
SA PARK:
Habang nagjojogging kami nagkukwentuhan din kami.
Stacy: Hey! Georg. I just remember. Next week na pala pasukan na. and you know what it means..
Me: What?
Stacy: Hello!? Edi Seniors na tayo!
Me: SO?
Stacy: So that means, Ikaw na ang papalit sa cousin mong si Sam bilang President ng SC at Angels.
BINABASA MO ANG
The Music In Me
Teen FictionThis is a Compilation of Stories of different Royale Academy students.. The first story is the story of Georgina Royale. Attention!!! This is not yet finished.. please be patient :) Thanks :P