Chapter 3: Parents

8 0 0
                                    

Hindi ko na enjoy ang laro kakaisip kay Bella, sa totoo lang maganda naman talaga siya.

Napatingin ako Gelo, binigyan lang niya ako ng nakakaawang tingin.

"Huwag mo na kasing isipin yon" sabi nalang niya.

Gusto kong gawin ngunit hindi ko magawa. Mayat maya ay napapatingin ako kay Bella.

"Mukhang malaking problema si Bella sainyo, gusto mo itumba ko?" Gusto ko sanang matawa pero ng tingnan ko si Gelo ay napakaseryoso niya.

"Hindi ka naman seryoso diba?"

"Ano sa tingin mo nasa isip ko ngayon?"

"Tingin ko nagbibiro kalang, tsaka, tingnan mo kasama niya. Gwapo din, malaking posibilidad na mag jowa sila"

"Oo nga ano?"

"Diko nakita yan sa school natin, baka sa ibang school yan nagaaral?, sa tingin mo?"

"Baka nga, hindi ko pa yan nakikita e baka bago lang din dito sa atin"

"Sa tingin mo, tuloy pa rin ba ang plano?"

"Tuloy muna, tsaka kita ko kayo kanina may laman yong mga titig niya sayo"

"Wag ka ngang ganyan, pinapataas mo lang expectations ko e"

"Kung ako sayo, landiin mo na yang best friend mo at baka maunahan kapa ng Bella na yan, mukhang palong Palo pa naman kagandahan niya"

"Ano naman ang magiging approach ko? I mean anong magiging strategy ko?"

"Hay nako, di mo na kailangan ng strategy, diba ikaw na nga nagsabi na sobra kayong close?"

Tumango lang ako

"Then, gamitin mo yong pagiging close niyo"

"Pano nga?"

"Basta take advantage mo nalang yong pagiging close niyo. Kunwari, mas maging clingy ka or invite mo siya mag over night sleep mga ganun"

***

Natapos ang game ng hindi ko namalayan. Nakita ko nalang na masayang masaya ang mga babaeng kasama ni Gelo. Pag tingin ko sa score panalo pala kami. Sinalubong ko si Joseph matapos siyang i congratulate ng mga tao

"Congrats Gar"

"Uy Joseph, may victory party tayo sa bahay ni Jack. Sumama ka ah, Saturday naman bukas e"

"Sige pre"

"Akala ko ba sasamahan mo ako mag study para sa finals?"

"Sasamahan kita" inakbayan niya ako tapos kinuha yong bag namin "I want to enjoy tonight tsaka malapit na kami sa grandfinals matalo man kami o manalo there's a big chance na kukunin kami ng isang malakas ng team o kaya magkaka scholarship pa ako dahil dito then I won't have to live by my parents expectations"

"Hindi ako nakapagpaalam kina Daddy e"

"Don't worry, ihahatid kita sa inyo before 12 tsaka uuwi din naman tayo bago  pupunta sa party e, sa bahay ka nalang mag palit ng damit"

Sa totoo lang ayokong sumama kasi nga gusto kong mag review nalang pero ayaw ko din namang iwan si Joseph.

"Wala ka ding choice" sabi niya kasi inakbayan niya ako na parang hindi niya ako papakawalan

"Teka lang" imbis na Pakawalan ako mas hinigpitan niya pa.

"Nahihirapan akong maglakad Joseph" pero wala siyang paki

Sa totoo lang gusto ko yong ganito kami.

Dumidikit yong mukha ko sa jersey niyang basa sa pawis but the hell I care. I like how close we are tonight.

He's kind of Confusing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon