Epilogue

6 0 0
                                    

"Ano na bro, Hanggang kailan mo itatago yong nararamdaman mo sakanya?" Tumawa nalang ako sa kaibigan ko.

"Akala mo naman, kung makapagsalita ka akala mo madaling magsabi ng totoong nararamdaman sa crush niya. Ikaw ba nasabi mo na ba na crush mo si Aileen?" rebut ko sa kanya. Natahimik nalang siya.

Nagkibit balikat nalang siya.

"Kung madali lang mag confess bakit ko pa pahihirapan nararamdaman ko diba?"

"E baka naman gusto ka din niya? Diba sabi mo kaibigan na kayo simula elementary pa kayo?"

Tumango nalang ako.

"Diba ang tagal na nun, baka gusto ka din niya"

"Sa tingin mo kaya niyang maging nobody para sakin?"

"Well, walang mangyayari kung di mo susubukan?"

"Pano kung di niya matanggap na mahal ko siya, pano kung lalayo siya sa akin?"

"Paano naman kung matanggap ka niya? Paano din kung mahal ka din niya, pano kung nagaantay lang siya na mag confess ka sa kanya?" Umakbay siya sakin "Alam mo kaibigan ko si din si Joseph at kita ko, ramdam ko kung paano kayo ka close. Hindi naman ganun ka babaw si Joseph para lumayo sayo dahil lang may gusto ko sa kanya. Tsaka close na close kayo, feeling ko mahihirapan siyang lumayo sayo no"

"Alam mo, salamat sa mga sinabi mo. Parang nagkaroon ako ng lakas ng loob"

"That's the spirit bro, ako ang magiging number fan niyo kapag magkakatuluyan kayo" Nakangiti nalang ako kay Gelo

"Sige ganito nalang, pagkatapos kung mag confess kay Aileen dapat ready kanang sabihin ang nararamdam mo kay Joseph"

"Ang daya mo naman, alam mo naman kung pano kahirap mag confess e. Lalo na lalaki yong gusto ko"

"Anong madaya pareha lang tayong nahihirapan. Pareha lang naman tayong nagmahal e"

Hays paano ba to?

"Bahala na nga"

"Huy Kevin, wag kang ganyan. Matagal ka nang nagpipigil sa nararamdaman mo, hihintayin mo paba na magkaasawa si Joseph bago niya malaman na crush mo siya? Itigil mo na yang pagiging dakilang torpe uy, tsak... " Hindi niya natuloy ang sinasabi niya. "Nanditu na pala ang crush mo e parang kanina kapa hinahanap" bulong niya.

"Kevin, nanditu kalang pala" yumakap siya sa likod ko at inumoy ang batok ko. Ang sarap sa pakiramdam.

Ngumiti lang sa gilid si Gelo.

"Mga bakla" mahinang bulong ni Gelo pero rinig ko padin. Sarap batokan kaso nakayakap pa sa likod si Joseph.

"Kevin, may laro kami mamaya. Pupunta ka?" Nakaakbay na si Joseph sa akin ngayon

"Malapit na ang finals e, magrereview ako"

Nilagay niya ang dalawang kamay sa mukha ko at tinapat sa mukha niya.

"Please?" Tapos nagpa cute pa. Pano ba ako hihindi?

"Alam kung di mo ako matitiis Kevin" tama nga naman siya. Kahit anong gawin ko ay gagawin ko lahat mapasaya lang siya.

"Tsaka, sabi ni coach kakausapin niya mga teacher namin na maging excepted sa final exam kapag manalo ang school natin laban sa clark high. Tapos diba ikaw ang lucky charm ko? Alam mo bang lagi kaming panalo kapag nanunuod ka?" Hays. Wala na. Wala na akong reason para humindi.

"Sige na please?"

Tinignan ko lang siya. I can't say no.

"Please?"

Sa totoo lang pinigilan kung umuo para tumagal pa ang ang posisyon namin na malapit ng maghalikan dahil sa hawak-hawak niya ang mukha ko na malapit lang din sa mukha niya.

"Umuo kana Kevin. Kundi sasabihin ko sa daddy mo na di mo na ako love"

"Sige na sige na, sasamahan na kita sa laro mo. Pero dapat sasamahan mo din ako sa pag rereview ko" binitiwan niya ang mukha ko at niyakap ako dahil sa tuwa.

"Deal"

"Balik na ako sa gym, last practice namin para namaya. Sunduin kita sa room natin".

"Sige pagkatapos namin ni Gelo mag lunch break pasok na din kami"

Ayun lang at umalis na siya pagkatapos mag bye samin ni Gelo.

Tinitigan lang ako ni Gelo pagkaalis ni Joseph

"Ano?"

"Bakla ka, ang dami mong drama pero ano yong nakita ko ngayon lang?" Natawa nalang ako kay Gelo, kasi sa laki ng katawan niya ay di mo maiisip na mag sasabi siyang bakla. Gulat na gulat e. Haha

"Gelo, ganun lang talaga si Joseph masanay kana sa kanya"

"Huy gaga kaba? Or marter lang. Malapit kanang i kiss sa harap ko at nagpapacute pa sayo sa harap ko tapos sasabihin mong wala lang yon parang wala nga ako sa harapan niyo kanina e, may sariling mundo lang" nakakatuwa lang si Gelo ngayon.

Tumawa nalang ako ng malakas sa reaksyon ni Gelo lalo na sa pagkasabi niyang "gaga"

"Pero seryoso, feeling ko malaki ang chance mo kay Joseph"

"Hindi din" nasabi ko nalang

"Bakit naman"

"Best friend ko si Joseph, sinasabi niya lahat sakin pati na sa mga crush niya, sinabi niya rin sakin na naguusap na sila ni Gwen ang ultimate crush niya"

"Ay ganun?"

Mapait akong napauo

"Malay mo, sinabi niya lang sayo kasi baka gusto niyang mag sabi kana sa totoong nararamdaman mo sa kanya"

"Alam mo tama ka, baka ito na yong time para sabihin ko na sa kanya yong nararamdaman ko"

"Tama ka diyan Kevin, at least masabi mo sa kanya yong nararamdaman mo, matatanggalan kana ng bigat sa dibdib"

"Di ko kayang malayo sa kanya e"

"Alam mo, ikaw lang din ang magiging kawawa sa huli kapag di mo masabi sa kanya yong nararamdaman mo. Hindi kita masisisi na mainlove sa kanya. Ang pangit lang ay baka nasasaktan ka niya ng di niya alam tsaka kung lalayo man siya dahil mahal mo siya e, okay na rin yon para hindi na tumagal ang problema mo, because sooner or later lalayo din siya sayo dahil magkakaroon siya ng pamilya. There will be a time na mawawalan siya ng time sa pagiging pagkakaibigan niyo. Kaya wag mo nang patagalin yong gusto mong gawin. At least 50-50 ang chance diba keysa sa forever ka nalang tatahimik"

"Tama ka, it all make sense"










He's kind of Confusing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon