Maricris POV
Nandito kami ngayon sa starbucks ng kaibigan kung si Ali dahil napag usapan namin na magkikita kami pagkatapos ng mga shift namin sa work. Halos ilang linggo na din ang nakalipas simula ng huli naming labas dahil naging busy kami pareho at ngayon lang ulit lumawag ang mga schedule namin.
"Hoy Ali, nakapag-decide ka na ba tungkol sa sinabi ko sa'yo kagabi?" tanong ko sa kanya na busy sa kakabutingting ng kanyang phone.
Mabilis naman siyang napatingin sa akin. "Ano nga ulit 'yon?"
Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa sinabi nito. "Kailan ka pa naging makakalimutin? Sinabi ko sa'yo na nagyaya si Joshua, may tugtog sila mamayang gabi. E, wala naman tayong ibang gagawin kaya pumunta na tayo."
"Ano naman mapapala ko diyan? At isa pa hindi ko naman kilala 'yang sinasabi mo maliban na lang kay Josh. Alam mo naman hindi ko hilig ang mga ganyan."
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Ang kilig mo nga pumunta sa k-pop concert e, anong pinagkaiba no'n? Support local nga. Promise, hindi ka mabobored."
"Oo na, tumigil ka na sa pangungulit. Hindi ko alam kung bakit atat ka magpunta sa gig na 'yon, samantalang kapag niyaya naman kita sa mga concerts ay ayaw mo. Baka naman crush mo 'yang vocalist ha."
"Tumigil ka nga diyan! Tropa lang 'yan si Joshua at never ako magkakagusto sa lalaking 'yon. At tungkol naman sa pagyayaya mo sa mga concerts, alam mo naman na hindi ko hilig 'yan, magmumukha lang akong tanga kung hindi ko naman sila kilala o hindi ko alam kanta nila. Saka ang hirap magwaldas ng pera, alam mo naman na marami akong binubuhay." saad ko.
"Kaya hindi ka nagkakajowa e, minsan unahin mo din sarili mo lalo na 'yong kasiyahan mo. Sige ka, tatanda kang dalaga niyan."
"Kung makapagsalita ka, akala mo naman may jowa ka!" singhal ko sa kanya.
"Duh! Hindi naman ako nagmamadali sa bagay na 'yan. Mas gusto ko muna eenjoy ang life ko."
"Hindi ka nga nagmamadali, pero 'yong nanay mo naman hinahanapan ka na ng apo." natatawang sambit ko.
"Stop it! Mas nakakastress at pressure pa 'yan kaysa sa mga gala ko."
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Nasa tamang edad na din kasi si Alison at stable naman na ang buhay niya kaya alam kung kaya niya na magkaroon ng pamilya. Kahit nga ang nanay nito ay gusto na siyang magkajowa, ang kaso nga lang ay hindi pa yata nakikita ni kupido ang lalaking para sa kanya.
"Ehhhhh!" hindi ko mapigilang tili ng makita ko ang myday ng crush ko.
"Oh, anong nangyayari sa'yo, Cris? Sinasaniban ka na naman."
"Nagpost kasi 'yong crush ko ng picture niya. Grabe girl ang gwapo niya talaga. Ang lakas ng dating niya. Amoy expensive pa." pagkwento ko sa kanya.
"E, 'di ba sabi mo may asawa na 'yon? So, wala ka ng pag asa do'n."
"Kaibigan ba talaga kita? Konting support naman oh. At isa pa crush lang naman 'yon, paghanga kumbaga at hanggang do'n lang 'yon.
"Sabi mo e,"
"Sigurado naman ako na mag eenjoy ka at isa pa mababait kaya nila." giit ko.
"Aba malay ko ba naman kasi. Iyong Joshua lang naman ang kilala ko."
Sumapit na ang gabi at heto kami ngayon papunta sa venue kung saan tutugtog ang banda ng kaibigan namin. Ang totoo niyan ay kaibigan na ang turing sa amin ni Josh dahil ilang taon na din kaming magkakilala kahit wala pa siya sa bandang ito. Mas nauna nga lang ako kay Alison na makilala siya.
Nang makarating na kami ay agad kung hinatak si Ali.
"Hindi ka naman mukhang excited 'no?" reklamo nito.
"Syempre naman! Gusto ko na kasi marinig ang kanta nila at balita ko may bago silang ilalabas at kakantahin nila 'yon ngayon dito.
"Baka nakakalimutan mo na halos palagi kang present sa mga gigs nila. Kahit nga may trabaho ka tumatakas ka pa para lang makapanood."
"Huwag lang kj okay?" anas ko.
Pagpasok namin sa loob ay nando'n na ang mga kasamahan ni Joshua sa banda pero siya ay wala pa. As usual late na naman ang lalaking 'yon. Sanay na sanay na kami sa mga galawan niya.
Naghanap kami ng bakanteng mesa at upuan bago umoder ng pagkain. Mabuti na lang talaga at hindi puro alak ang binebenta dito, hindi pa naman ako umiinom.
Habang naghihintay nag order namin ay nagmamasid lang kami sa paligid, hindi ko pa kasi gaano ka close ang ibang bandmates ni Josh dahil bago niya lang din ito nakasama at isa pa nahihiya din ako makipag usap sa kanila.
Habang kumakain kami ay napadpad ang tingin ko sa pinto ng nakita kung pumasok si Joshua at ngumiti ito agad sa pwesto namin ng makita kami.
"Kanina pa kayo?" bungad na tanong nito ng malapit siya sa amin.
"Hindi naman, hindi kami maaga pumunta kasi alam naman naming late ka darating. Alam mo naman wala pa kami masyadong kilala dito." sagot ko sa kanya.
Natawa naman ito. "Ipapakilala ko kayo mamaya sa kanila."
"Mabuti pa nga Josh. Kanina pa 'yan excited pumunta dito na halos kaladkarin na ako." singit naman ni Ali kaya nahampas ko siya ng mahina sa braso.
Saglit na nagpaalam muna si Josh para puntahan ang mga kasamahan niya habang kami naman ay nagpatuloy lang sa pagkain.
"Sa pagkain ka nga mag-focus at hindi do'n sa crush mo. Mamaya mabulunan ka na." suway sa akin ni Alison kaya napairap ako.
"Huwag ka nga maingay! Baka mamaya may makarinig sa'yo, nakakahiya kaya." sabi ko.
"Nahiya ka pa sa lagay na 'yan? Kung makatili ka nga wagas!"
Pagkalaan ng ilang minuto ay bumalik si Joshua sa gawi namin kasama ang kanyang ka banda at isa isa niya itong ipinakilala sa amin. Mukha naman silang matitino at mababait kaya kampante na kami na nasa maayos na samahan si Josh, 'yon lang naman ang hiling namin na sana makakita siya ng magiging pamilya niya na mahal ang music.
"Hello, salamat sa pagpunta niyo." nakangiting saad ng crush ko.
"Wala 'yon. Nandito lang kami palagi nakasupport sa inyo." mabilis na sagot ko.
"Harot!" rinig kung mahinang bulong ng kaibigan ko kaya siniko ko siya ng palihim. Hindi ko talaga maintindihan ang isip nito minsan tahimik minsan naman ang daldal.
"Huwag kang panira." mahinang bulalas ko.
Agad din naman nagpaalam ito dahil tinawag siya ng manager nila.
Napansin ko naman ang pag-upo sa tabi namin ng isa sa guitarist nila. Sa pagkakatanda ko ay Ethan ang pangalan ng lalaking ito. Mukha naman din siyang friendly.
"Okay lang ba kayo?" tanong nito sa amin na ikinagulat ko.
"Ah, oo naman." nahihiyang sagot ko.
"May latest song kaming kakantahin mamaya, sana magustuhan niyo." saad nito pero pansin ko naman na kay Alison ang kanyang tingin.
"Ngayon niyo pa lang ba kakantahin?" tanong ko.
"Oo, pero hindi ko pa alam kung kailan talaga namin ilalabas in public."
"Ah, sigurado naman ako na maganda 'yan." anas ko.
Ngumiti lang ito saka nagpaalam dahil maghahanda na sila para sa set nila.
"Gwapo din ni Ethan 'no?" biglang turan ko sa katabi ko.
"Pinagsasabi mo?"
"Iyong kausap ko na katabi natin." wika ko.
"Hindi ko napansin e,"
BINABASA MO ANG
A Fangirl Heartaches
RomanceAlison Gail is a nurse by profession; she likes to go to K-pop concerts and enjoy her life to the fullest. One day, her friend invited her to watch a live band performance. There he will meet Ethan, who is the guitarist of that band. Hanggang kailan...