Alison POV
Simula ng sumama ako sa kaibigan ko para pumunta ng gig ay nasundan pa 'yon. Wala naman kaso sa akin dahil sumasakto naman na day off ko o kaya vacant sa tuwing magkakaroon sila ng performance sa iba't ibang lugar. Minsan nga iniisip ko na hindi na ako 'to dahil nakakaya kung bumiyahe kahit malayo para lang mapanood sila.
Masasabi ko naman na mabait sila at friendly kaya siguro madali lang din sa akin na maging close sila. Hindi ka naman kasi maiintimidate sa kanila dahil simple lang sila at marunong sila makisama sa mga fans nila.
"Hoy!" napabalik ako sa wisyo ng kurutin ako ng kaibigan ko.
"Ano na naman ba?" saad ko.
"Kanina pa ako nagsasalita dito tapos hindi ka naman pala nakikinig. Ang sabi ko kung sasama ka ba?"
"Saan naman? Wala naman akong natatandaan na may schedule tayo ng gala ah." sagot ko sa kanya.
Napatampal naman siya sa kanyang noo. "Hindi ba may usapan tayo na pupunta tayong taiko?"
"Ngayon na ba? Ang layo naman kasi no'n. Ano pupunta lang tayo do'n para kumain? E,di nagpagod lang tayo sa biyahe." anas ko.
"Ah, basta. Pupunta tayo." giit nito kaya napailing na lang ako. Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng 'to, siguro stress na naman siya.
"Af is naman may magagawa pa ako." pagsuko ko.
Habang nasa biyahe kami ay panay lang kwento ni Maricris habang ako ay nakikinig lang naman sa kanya. Sanay na ako sa babaeng 'to na hindi nauubusan ng chika, palibhasa chismosa kasi kagaya ng iba naming kaibigan.
"Maiba ako, Ali." tumingin pa ito sa akin.
"Ano na naman 'yan?" sabi ko.
"Anong tingin mo do'n sa isang guitarist nila?"
"Huh? Sino doon? Iyong Ethan ba?" pagtatanong ko.
"Uhu! Tumpak!"
Kumunot naman ang noo ko. "Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Anong tingin ko sa kanya? Malamang tao! May iba ba dapat?"
Binatukan niya naman ako. "Ewan ko sa'yo! Ikaw 'yong nurse na magulo kausap."
"Nagrereklamo ka pa e, 'yang tanong mo naman ang magulo. Ano ba dapat kung isagot? Hayop siya gano'n?" irap ko.
"Hindi mo crush?"
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Siguro kung may iniinom lang ako na kape ngayon ay naibuga ko na sa kanya.
"Hibang ka ba? Ilang beses pa lang ako sumasama sa'yo sa panonood sa kanila tapos itatanong mo 'yan?" saad ko.
"Why not?"
"Hindi ko pa nga kilala ng lubusan 'yon e, huwag kang issue." suway ko sa kanya at natawa lang ang gaga.
"Malay mo naman! Sayang naman 'di ba? Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. Malay mo ito na ang oras para magka love-life ka."
"Ikaw talaga Cris. Bakit ba atat na atat ka sa lovelife ko? Masaya naman na ako sa buhay ko." ani ko.
"Duh! Nasa tamang edad ka na nga at stable naman na. Sige ka, tatanda kang dalaga niyan."
"Hindi ba dapat sinasabi mo din 'yan sa sarili mo? Wala ka din naman jowa ah." pang aasar ko sa kanya.
"Kung pwede lang, kaso alam mo naman na marami pa akong binubuhay at pinapaaral sa ngayon."
"Hindi naman kasi kailangan magmadali. Kusa naman 'yan dadating kung nakatadhana na sa'yo. May tamang oras para sa lahat ng bagay." anas ko.
"Hay naku! Girl, wala ka sa fairytale ha."
"Ikaw nga gala ka ng gala pero wala ka pa din naman lovelife." anas ko.
"Gago! Namemersonal ka na yata e,"
"Totoo lang ang sinasabi ko." mapipikon ko sa kanya.
"Meron naman ako love of my life ah. Nasa banda nga e,"
Pumalakpak naman ako sa harap ng mukha niya. "Gising gising at baka tuloy ka pa. Alam niya ba 'yang nararamdaman mo?" natatawang sambit ko.
"Huwag ka nga panira. Atleast kilala niya ako at nakakasama pa natin."
"Sige pilit mo pa. Kaya tayo nasasaktan kasi ang hilig natin mag assume sa mga bagay bagay. At saka wala ka ng pag asa do'n. May iba ng nagmamay ari sa kanya." wika ko.
"Crush is paghanga girl at hanggang do'n lang naman 'yon. Hindi ko naman jojowain. Baliw!"
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Taiko, wala pa naman masyadong tao dahil anong oras pa lang naman at mukhang napaaga kami.
Naupo lang kami sa bakanteng table na nasa gilid at agad naman lumapit sa amin ang isang staff nila para kunin ang order namin, pero hindi pa kami makapili ng kakainin. Napansin ko din ang isang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan.
"Nandito pala kayo," panimula nito ng makarating siya sa pwesto namin.
"Oy Ethan. Nandito ka din pala," si Maricris na ang sumagot.
"Yeah, may meeting kasi kami kanina. Naka-order ba kayo? Gusto niyong tikman ang bago naming menu." rinig kung sagot nito.
"Undecided pa kami sa kakainin kaya sinabi namin sa staff na tatawagin na lang namin siya." singit ko naman.
"I see. Mag samgyup. na lang tayo and it's on me."
"Oy ano ka ba, nakakahiya. At isa pa baka may kasama ka." anas ni Cris.
"No worries. Treat ko na 'to sa inyo. Hindi pa din naman ako kumakain kaya sasabay na lang ako. Ang lungkot kaya kumain mag isa."
"Hugot ba 'yan?" natatawang sambit ko.
"Oo nga naman Than, bakit naman kasi magsosolo ka." segunda naman ni Cris.
"Kung sasamahan ako palagi ni Ali edi hindi na ako mag iisa."
Nagulat ako sa biglang pagbanat niya pero hindi ko 'yon pinahalata. "Ang dami mong alam, gutom lang 'yan.' sabi ko.
Habang kumakain kami ay marami kaming napagkwentuhan. Noong una ay nagulat pa ako dahil successful pala 'tong isa na 'to. Akala ko kasi banda lang pinagkakaabalahan niya pero marami din pa lang business ito. Hindi mo naman kasi mapagkakamalan na mayaman 'to dahil simple lang din naman manamit at kumilos.
Hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras dahil ang eenjoy kami sa pag uusap, samantalang itong kaibigan ko kanina pa kurot ng kurot sa akin at parang kiti kiti na hindi mapirme sa upuan.
Inalok pa kami ni Ethan na sumabay na lang sa kanya, noong una ay tumanggi pa ako dahil nakakahiya at baka may iba pa siyang pupuntahan. Pero ang sabi niya naman ay pauwi na din siya kaya pwede niya naman kami eh drop-off dahil same way lang naman ang dadaanan niya. Kaya wala na din kaming nagawa at pumayag na lang para hindi na din kami gabihin.
Nang makarating na kami sa lugar kung saan kami nagpababa sa kanya ay nagpasalamat lang kami at pagkatapos no'n ay umalis na siya.
"Oh 'di ba? Ang bait niya." biglang bulalas ni Maricris ng tuluyan ng makaalis si Nathan.
"Wala naman akong sinabi na hindi? Siraulo!" saad ko.
"Pero grabe 'no? Ang swerte ng babaeng mamahalin niya kasi ang stable na talaga ni Ethan. Hindi ko akalain na siya pala ang may-ari ng Taiko do'n sa kinainan natin. Sugar daddy ang datingan."
"Hoy gaga ka!" singhal ko sa kanya.
"Heto naman hindi mabiro. Pero totoo ang sinasabi ko, ang galing niya mag balance ng oras niya para mahati ang mga kailangan niyang gawin sa buhay."
"Kahit naman sino kaya gawin 'yon, kung talagang gusto mo may paraan." saad ko.
"Oo na manager!"
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga kung ano ano na lang maisip ng babaeng 'to.
Hindi na din naman nagtagal ay naghiwalay na kami dahil uuwi na ako. Habang nakasakay ako papunta sa bahay namin ay nakatanggap ako ng chat galing kay Ethan na ikinataka ko.

BINABASA MO ANG
A Fangirl Heartaches
RomanceAlison Gail is a nurse by profession; she likes to go to K-pop concerts and enjoy her life to the fullest. One day, her friend invited her to watch a live band performance. There he will meet Ethan, who is the guitarist of that band. Hanggang kailan...