Chapter 6

240 8 7
                                    

HALUUU POOO XD pasensya na sa sobrang tagal na update hehe tamad po kasi itong loka-lokang author na 'to.

Salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at sa mga magbabasa ng istoryang itetch XD

I didikit dis tsapter to MNchan. teyngkyu por reading dis istury hahaXD natutuwa po ako sa mga comments niyo at sa sana wag po kayong magsawa na mag-comment, magbasa, at magvote :D

nagmamahal,

ang luka-lukang author na si silver_hunter XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 6

Desiree’s POV

Last quarter na ng finals sa basketball. Sino kaya ang mananalo, third year o fourth year? 51-55 ang scores. 51 yung third year. Waah~ sana manalo kami. Habang nagri-ritual ako dito na sana manalo sila, naka-shoot si Kurt..

“Yeah! Ayos!!”

“Kaya yan! Go third year!” sigaw ng karamihan. Nagtime-out muna ang mga teams. Nakita ko si Jeremy, pawis na pawis at sobrang seryoso… ang hot XD joke lang…. Kasama din pala si Kurt sa team. Silang dalawa ni Jeremy yung kinuha para maglaro sa finals, sina Kyle kasi tapos na.

“Uy! Andyan pala yung girlfriend ni Kurt” sabi bigla ni Steph.

“Huh? Sino?” tanong ko. Haha sorry di updated eh ^^. Napansin ko lang, ang tahimik ni Venice ngayon. Bat kaya? “Si Hara Buenavista. Ayun oh.” Sabi naman ni Sophia at tinuro yung Hara daw na nagpupunas ng pawis ni Kurt sa mukha.

“Bakit nga pala siya nandito, diba taga-ibang school siya?” tanong ni Steph.

“Ang tawag diyan ay love at support.” Sabi ni Sophia na biglang tumingin sa akin.

“Ikaw! Asan ang love at support mo para kay Jeremy?” tanong sa akin ni Sophia.

“Uhhm. Ahehehe… Uy! Start na ulit.” Sabi ko. Sila naman nanood na at parang nakalimutan na nila yung tinanong nila sa akin.

Dahil nga naka-shoot kanina si Kurt 53-55 na yung score. Sobrang higpit ng laban. Kaunti na lang rin yung oras, mga 1 minute. Kailangan na naming maka-shoot ng 3 points para manalo. Nakita kong na kay Jeremy na yung bola. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero pumunta ako sa bandang harapan at sumigaw ng sobrang lakas.

“GO JEREMY! KAYA MO YAN!!” Hindi ko alam kung narinig niya ako pero parang ginanahan siya bigla at…

“YEAH!! PANALO ANG THIRD YEAR!!” sigawan ng lahat. Nakathree-points si Jeremy. Nagawa niya! Ang galing wooh! Di saying effort ko.

“Yan ang tinatawag kong love at support!” sabi ni Sophia. Si ako naman todo blush at bumalik na sa puwesto ko kanina >//_//<

*Fast Forward*

4:30 PM na pala. Malapit na matapos ang Foundation Day. Mamayang 5:00PM pa i-aanounce yung panalo then kainan.

Kasalukuyan nga pala kaming naglalakad palibot ng school taking pictures at nagtatry sa mga booth nang biglang may nakita ako. Isang wristband. Color white na may yellow star sa gitna. Bilhin ko kaya para kay Jeremy? Kasi panalo sila sa basketball. Hmm.. wag na lang kaya…? Uhh.. ewan!

Sa huli binili ko rin.. hay. Lumapit ako kina Steph.

“Uy, mag-cr lang ako.” Sabi ko at umalis na ako. Asan na kaya si Jeremy? Habang naghahanap ako ng isang gwapong nilalang nakita ko si Daryl.

“Uy Daryl! Nakita mo ba si Jeremy?” tanong ko sa kanya.

“Huh? Hindi. Baka nasa rooftop. Hanapin mo na lang. sige, bye!” sabi niya.

Fake Lang?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon