Chapter 3:

396 11 4
                                    

Chapter 3

Jeremy’s POV

“Hey, Let’s kiss” sabi ko kay Desiree

“EH?!!”

Friends: O_______O….O______O…..O__________O

Lumapit ako sa kanya “sshhh..wag ka maingay kunwari lang yun ^^ hehe” bulong ko sa kanya.

“Psh akala ko seryoso ka eh” bulong niya

“Bakit gusto mo ba?? Ayus lang naman sakin eh ^^”

“H-hinde a-ah..” Haha nagb-blush nanaman siya. (Author:Enjoy ka naman. XD) Yan ka na naman author eh!!(Sige na nga! Di ko na iistorbohin moment niyo..Hihi. Yiee~) Hay nako author talaga oh.

Natapos na yung ride. Lumabas na kami ni Desiree pati na rin yung mga magagaling naming kaibigan.

Desiree’s POV

Bigla akong hinila ni Jeremy para tumakbo. Bakit nga pala kami tumatakbo?? Hindi ko rin alam eh. Tumingin ako sa likod namin at grabe nakakatakot yung nakita ko. Isipin mong may humahabol sayong walong baliw na mga kaibigan, di ka ba matatakot??

Kanina pa kami tumatakbo at napapagod na ako. “Jeremy, di ko na kayang tumakbo” sabi ko sa kanya habang hinihingal. Imbis na tumigil kami mas binilisan niya yung takbo hanggang sa lumiko kami sa isang eskinita. Muntikan na akong masubsob pero hinila niya ako papunta sa kanya tapos para na kaming magkayakap ngayon. Wait nga lang! kanina pa ba kami magka-holding hands?? Mas hinigpitan niya yung yakap niya sa akin nung napadaan yung mga kaibigan namin. Hinihingal talaga kami. Naririnig ko pa nga heart beat niya eh.

Tinanggal na niya yung pagkayakap sa akin nung ayos na pero malapit pa rin kami sa isa’t isa. Tumingala ako sa kanya..shempre ang tangkad niya eh.. Nag-smile siya sa akin. “Ayos ka lang ba?” tanong niya. Nag-nod ako sa kanya at nag-smile din. Grabe ang lapit ko sa kanya. Hindi ko na makontrol sarili ko sa pag-blush. “Sa tingin ko ayos na” sabi niya then lumabas na kami still holding hands.

“Ayun sila oh!!” sigaw ni Venice nung nakita niya kami. Bigla na naman akong hinila ni Jeremy sa mga bush. “Oy wag na kayong magtago diyan!!” napatayo kami sa sigaw ni Daryl tapos nasa harapan na namin silang lahat, hinihingal din. Halos napaupo na kami sa sobrang hingal.

“Bakit ba kayo tumatakbo?!!” tanong ni Nico

“Bakit niyo ba kami sinusundan?!!” tanong naman ni Jeremy

“Gusto..lang.. naming makita.. kung ano..ginagawa..ninyo..” Hingal na hingal na sabi nina Steph at Kyle

“On behalf of these people, nagso-sorry ako. Hindi nila alam na minsan kailangan din ng mga couples ng privacy.” Sabi ni Venice na walang pawis ang mukha. Tumakbo ba talaga siya?? “Nadamay lang ako dito.” Sabi niya

“Hoy babae!!” sigaw ni Kurt kay Venice. “Idea mo kaya to.”

“Joke lang kaya yun” sabi ni Venice

“at bakit ikaw lang ang hindi pinagpapawisan at hinihingal?? Tanong ni Christian

“Psh..” nag-flip ng hair si Venice. Ang daming alam. “Hindi ako katulad niyo na hinihingal kaagad no?” Minsan talaga na-aamaze ako kay Venice eh.

“Mag-gagabi na kailangan na nating umuwi” sabi ni Jeremy. “Tara, iuuwi na kita Desiree” nag-smile siya at nag-offer ng hand para itayo ako. Tumayo ako gamit yung kamay niya. “Sige aalis na kami. Bye guys” sabi ko sa kanila. “Sige, dito lang muna kami” sabi ni Sophia at umalis na kami ni Jeremy.

~Next Day~

 Nandito ako ngayon sa school at break time na. Ano na kaya ang gagawin ko ngayon?

“Psst!!” Ano nanaman kaya ang kailangan ni Venice??

Fake Lang?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon