CHAPTER 25

217 3 0
                                    


Disclaimer:This is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination.
🚫 Plagiarism is a crime.

STELL POV

Kinabukasan ay naghahanda na si manang rose ng pagkain, si manang ang kasambahay nila ken noon, simula ng namatay dad ni ken ay kinuha ni ken si manang bilang kasambahay, madarang si manang rose dito dahil pag may importanteng events lang namin siya tinatawagan.

Tanghalian na at nandito na sila jah sa bahay nagkwekwentuhan lang kami habang kumakain, nandito si ken dahil sinabi kenña sa kanya na bibisita sila jah.

Habang masaya ang lahat ay lumapit si jah sa akin "Stell, gusto sana Kita makausap!" bulong ni jah, tumango ako bilang tugon.

Pagkatapos namin kumain ay lumapit si jah sa akin at inalalayan ako papuntang sala.

Nasa sala na kami ay umupo kami ni jah, "Stell! may nakilala na pla akong doctor na oopera sa mata mo, one of my friend nung high school!"

"Sana jah, Hindi malaman ni ken ang tungkol dito, dahil gusto ko na makita ang lahat ng ginagawa ni ken para mapatawad ko siya!"

"Oo Stell, pinagsabihihan ko na rin si pau at josh pati kenña!"

"Mabuti naman jah, salamat sa pagtulong mo! Kung di dahil sayo baka habang buhay na akong mabubulag" Sabi ko sa kanya

"Ano ka ba Stell, Malaki ang utang na loob ko sayo! Kaya Wala yon."

Tumango nalang ako dahil baka mag iyakan pa kami, nagpaalam na si jah na pupunta sa kusina.

Habang nakikinig ng mga boses nila ay may umupo sa harapan ng upuan ko, alam kong si ken ang umupo dahil sa pagbango nito.

"Ga! kamusta kna?"

"Mabuti Naman!" Hindi katulad ng dati ang pakikitungo ko sa kanya, naging malamig ako.

"Stell patawarin mo na ako!

"Ken! ano ba pumunta ka lang ba dito para dyan? maka ilang ulit na akong nagsasabi sayo na, Hindi pa ngayon!" ang kulit ni ken, palagi ito ang tanong niya sa pupunta dito sa bahay.

SHADOW of LOVE (Kentell) (Season 2)Where stories live. Discover now