CHAPTER 4

251 3 0
                                    


Disclaimer:This is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination.
🚫 Plagiarism is a crime.

STELL POV

Nakarating na kami sa bahay, agad ako bumaba ng sasakyan para buhatin si kenña, dala yata ng pagod ay nakatulog na ito sa byahe.

"Ga, ako na, mauna kana sa loob, malamig na dito sa labas."

Pumasok na ako sa loob ng bahay, naupo na muna ako sa couch para mag pahinga ng ilang minuto, dumating naman si ken habang buhat si kenña, dumiretso si ken sa kwarto ni kenña.

"Ga,.halikana sa kwarto, baka makatulog kapa dyan!"

Umakyat na ako sa kwarto, pagdating ko ay agad ako nagtungo sa cr para maligo,paglabas ko ay nakahiga na si ken sa kama.

Humiga na ako sa tabi nito, at yumakap sa kanya. Niyakap din ako ni ken pabalik.

"Ga, pwede ba tayo mag usap saglit?" tanong ko sa kanya habang nakayakap pa rin, tumango ito bilang tugon.

"Ga, wag ka sana magalit! Pero wag mo na sana ulitin na kalimutan ang importanteng pangyayari sa buhay ni kenña, kahit para kay kenña nalang, ga!"   

Hinalikan ni ken ang noo ko at mas hinigpitan pa ang pagkakayap sa akin.
"Ga, I promise, na hindi na ulit mangyayari ang nangyari kanina! Ga ano bang sinasabi mo na para Kay kenña nalang, ga gagawin ko ang lahat para sa inyo ni kenña, sadyang na busy lang ako, I promise Stell na hindi na ito mauulit!" hinalikan ako ni ken sa labi.

"I love you,Ga!mahal kita palagi!" hinalikan ko rin siya sa labi.

Kinabukasan ay maaga akong gumising, pagtingin ko kay ken ay mahimbing pa rin itong natutulog."I love you Ken!"hinalikan ko ang noo niya at umalis na.

Nagluto na ako ng agahan,hotdog, itlog at sinangag na kanin.

"Good morning daddy, sarap naman
nyan!" lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Umupo kana dyan hindi na ito matagal" tumango si kenña.

"Good morning ga!"
"Good morning din ga"

SHADOW of LOVE (Kentell) (Season 2)Where stories live. Discover now