Chapter 1: Mattheo's Beginning

4 0 0
                                    



Noong mga 17th Century, sa isang lupalop ng Europe, may mag-asawang tumatakbo habang hinahabol ng kung ano mang mga nilalang sa isang liblib na gubat. Mabuti ay kasama nila ang mga alagang hayop nila na kayang tapatan ang mga malalakas na nilalang tulad ng mga aswang, bampira at mga taong lobo. Itong mga alaga nila ay isang bear, gorilla dalawang mandrill, at dalawang panther. At mabuting mabilis ang kanilang mga takbo noon papalayo sa mga humahabol sa kanila. Ngunit pati rin ang mga humahabol ay mabibilis din, kaya hindi nagtagal naabutan sila ng mga nilalang na iyon. Kakaibang mga nilalang ito. At iba iba din. May iba na mga taong-oso ang mga itsura ngunit iisa lang mga mata nasa gitna ng mga mukha nila. Yun ay mga tinatawag na mga nandi bears. May iba naman na tinatawag na mga wendigo. Itong mga halimaw na ito mga naglalaway na, animo'y gutom na gutom na at ang pinakamasklap pa ay nabibilang sila lampas na mga bente. Kaya wala nang nagawa ang mag-asawa kundi makipaglaban na lang. Ang lalaki pinagsabihan niya ang asawa niya na ilayo ang anak nila, inutusan din niya ang isang mandrill at panther para protektahan ang asawa at anak niya, habang ang lalaki at ang bear, gorilla tapos yung isa pang mandrill at panther nakikipagbunuan sa mga kalaban. Kaya hindi nagtagal, karipas na takbo ang babae, habang karga karga ang sanggol. Kasabay noon, nagbunuan na ang lalaki laban sa mga halimaw. Ang lalaki, nilabas niya ang malaking palakol at malaking martilyo niya. Hindi mga pangkaraniwan, pero ito ang panlaban sa mga kalaban. Pati rin ang mga alagang hayop niya nakikipagbunuan na din sa mga halimaw. Ang lalaki walang kahirap hirap niyang napatalsik ang mga halimaw gamit nga ang dalawang sandata niya, at lalo na napakalaki ng kanyang katawan at matipuno. Nagtataglay naman ng mga hayop ang kakaibang mga lakas nila, kaya marami naman ding mga halimaw na napapatumba, ngunit sa sobrang dami nila, unti unti nang nagkakasugatan ang mga hayop pati rin ang lalaki. Ngunit patuloy pa din sa pakikipaglaban.


Ang babae, patuloy pa din sa pagtakbo ng walang lingon-lingon. Pero sa hindi inaasahan, may mga iilang mga halimaw palang mga sumusunod, kaya ang mandrill nakipagbunuan sa isang nakalapit ng kalaban, habang ang panther ay katabing katabi ang mag-ina para protektahan, ngunit may isa pa palang nakasunod kaya ang panther naman dito na nakipagpatayan sa wendigo. Ang babae, lumingon siya sa mga alaga niya, medyo naluluha na dahil halos nag-aalala na sa mga alaga niya. Inangilan siya ng mga alaga niya, tila pinapatakas na. Kaya pinagsamantala ng babae yun upang makalayo at sa kabutihang palad, nakalayo naman din ang nanay, habang karga karga ang tulog na sanggol. Itong nanay ginamit niya ang kapangyarihan niya which is ang mabilis na takbo kaya walang pagod na nararamdaman ang babae. Ilang oras pa noon tumatakbo ang nanay, natanaw niya sa hindi kalayuan ang ilaw sa labas ng gubat. Kaya noong nakalapit ang babae, tumambad ang isang napakagandang mansyon. Hindi nagdalawang isip ang nanay na ilagay doon sa harapan ng pintuan ang sanggol. Gising na ang sanggol noon, kaya medyo umiiyak. Bago niya ibinaba, dikit ng babae ang mukha niya sa anak niya. Tila namamaalam na sa sanggol, ito na ang huling pagkikita , pagsasama nilang dalawa. Huling halik at yakap. Ang sanggol patuloy sa pag coo niya sa nanay niya. Ngumingiti siya habang hinahawakan ang kamay. Tapos ibinaba na niya ang anak niya sa pintuan tapos kasabay noon, kumatok siya sa mansyon. Noong nakababa na ang sanggol, iyak siya ng iyak sa nanay niya. Ang nanay lumuluhang umalis sa paningin ng bata. Masakit man sa loob niya, pero kailangan niyang gawin ito para mabuhay ang bata at kailangan pa niyang balikan ang asawa at mga alagang hayop niya upang tulungan.


Ilang mga minutong lumipas, may isang babae namang nagbukas ng pintuan. Luminga linga siya, ngunit walang tao. Ang sanggol naman, patuloy pa din sa pag-iyak, kaya noong marinig ng babae, agad namang kinarga ang bata at pinapatahan. Habang patuloy sa paglinga-linga. Pero walang mga magulang ang tumambad sa kanya. Pinagmasdan niya ang bata. Nakita niya ang napakaamong mukha. At lalo na ang mga dimples niya noong ngumiti ang sanggol sa babaeng karga siya ngayon. Kaya nun, ipinasok na ng babae ang sanggol sa kanyang mansyon.


Letra nga lang, pero agad namang napagtanto ni Marian na maaaring ito ang mga letra ng pangalan ng mga magulang ni Mattheo. Ilang taong lumipas, mga dalawampung taon na si Mattheo. Ngunit ang height lang ng lalaki ay mga 5'2 lang. Tapos payat at maputi din ang balat. Lumaki siyang mabuting anak ni Marian. Palaging sinasabi ng binata sa nanay niya, "Ma. Malaki ang utang na loob ko sa inyo. Pinili niyong palakihin ako. Kahit naman na hindi kita tunay na nanay, mahal na mahal pa din kita bilang tunay kong ina. Kaya gagawin ko ang lahat maipakita lang na mahal talaga kita." May mga naging kaibigan din si Mattheo, at ang pinakamalapit sa kanya, pangalan ay Michelle. Siya ang pinakamagandang dalaga para kay Mattheo. Ngunit kailangang dumating ang tamang panahon, which is kapag 21 years old na si Mattheo, doon na niya pwedeng mapangasawa ang babae. Hindi naman naging tutol si Marian, pero sobrang tuwang tuwa siya. Nakita niya ang asawa niya sa anak niya, halos ganun din pala siya niligawan ng lalaki noong bago umalis para makipagdigmaan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ageless World: Bloodshadow's RevengeWhere stories live. Discover now