Chapter 19

30 15 0
                                    

FELICIA SHAYNNE POV

"Okay fine, bahala ka" I said.

"Hopefully, the time will come when you will discover for yourself that what I am saying is true. However, I hope we stop fighting. I'm sorry if you're stuck in this situation but we're all the same.
I just can't let my family down, I can't put them in shame and you know that, so please don't heap all your anger on me Denarius" I said with resentment, I wanted to cry I didn't know that this would be the outcome.

Pero sana nga dumating yung araw na ikaw ang makatuklas sa panloloko sayo ng babaeng yun dahil kahit katutuhan man ang sinasabi ko alam kong hindi mo naman iyon paniniwalaan.

"Payag ka sa wala tayong pakialaman? You don't care about what I do and I don't care about you either. Puwede ba iyon?"

"Kung iyan ang gusto mo"
Mas mainam na siguro ang ganoon kaysa lagi kaming nag-aaway at halos hindi nag-iimikan.

"Magpahinga ka na at gabi na"he said.

I nodded.

"Hmm, nagluto nga pala ako ng hapunan. Nasa lamesa lang kapag nagutom ka" I said bago lumabas sa kwarto niya.

"Salamat, Fel" pahabol niyang sabi bago ako lumabas.

KINABUKASAN, ay maaga akong gumising dahil may kailangan pa akong asikasuhin sa opisina marami pa kasing tambak na files na kailangang tapusin. After kong maligo at magbihis ay lumabas nako ng kwarto para makapag-almusal.

Pero as usual bread, bacon and coffee lang nakasanayan kong i-almusal nasanay kasi ako sa ganon kahit sa bahay noon pa man.

May narinig ako yabag ng sapatos alam kong siya yun, kakagising lang siguro. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Saan ka pupunta?" takang tanong niya. Hindi ba halatang naka pang-opisina ako? anak ng- naman oh.
Napaisip ako ng may pumasok na kalokohan sa isip ko.

"Manlalaki, bakit sasama ka? Sasamahan mo 'ko?" seryusong sagot ko sa kaniya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa sagot ko. Gusto kong humagalpak ng tawa kaya lang pinigilan ko.

"Sagutin mo 'ko ng tama babae, san ka pupunta?" he asked again with the same question.

"Ba't naman kita sasagutin, nanliligaw kaba?" hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig. Lupa lamunin mo na'ko now na, as in right here.

"Ano bang panliligaw pinagsasabi mo Fel? Ang sabi ko sagutin mo 'ko ng tama kung san ka pupunta, pero teka nga lang, wag mong sabihing mag di-daydream ka sakin?" may ngising biro niya sabay sundot sa tigiliran ko.

"Hey stop may kiliti ako diyan, u-hm ano kase papasok akong opisina kita mo naman itong suot ko diba? alangan namang manlalaki ako ng naka gan'to haler okay ka lang?" taas kilayng sagot ko.

"Okay-okay, tama kana babae ka e, hintayin mo na lang ako para sabay na tayo sa pagpasok" sabi niya't tumayo papuntang kwarto niya.

"Mauuna na ako. Kabisado ko ang tagal mo sa pag-aayos" pabirong sabi ko. Para kahit papano gusto kong mabalik ang maganda naming samahang magkaibigan.

Iyon bang parang walang nangyari. Kaya dinaan ko nalang sa biro. Pero totoo naman talaga e na kilos babae itong si Denarius halos minsan nga mas mauna pa ko sa kaniyang mag-ayos.

Agad naman itong humarap at tumingin sa mata ko.

"Saan ka sasakay? Wala naman ang kotse mo" he said.

"Magta-taxi na lang ako. Ipapadala ko na lang mamaya ni Daddy ang kotse ko o kaya pupuntahan ko na lang" tumayo ako at isinukbit ang bag sa balikat.

"Mauna na'ko" paalam ko at tumalikod na.

Don't forget to vote, comment and follow:>

Love In Disguise Where stories live. Discover now