Chapter 20

27 14 0
                                    

FELICIA SHAYNNE POV

KINABUKASAN hindi ko inaasahan na umuwi na pala galing ibang bansa si Caramel. Isa ito sa dati kong kaibigan na magtagal na naglagi sa ibang bansa. Nag vacation leave siguro to ngayon, pero sabagay pwede siyang pumunta kahit saan niya gusto dahil sya naman ang CEO.

"Kape!" malakas na tili ko dahilan ng paglingon sa akin ng mga tao. Napa peace sign tuloy ako sa kanila.

She frowned because of what I said.

"Ano ba yan, wag mo nga kong tawaging kape ang pangit tuloy pakinggan"

She smiled and kissed my cheeks. Tumawa ako ng mahina dahil sa pagsimangot niya.

"Kailan ka pa dumating? Sana tinawagan mo ko para nasundo kita sa airport "

"Noong isang linggo pa, surprise ko nga sayo yung pagdating ko edi kung sinabi ko pano maging surprise yun diba? Pero anyway, balita ko kasal kana daw, totoo o baka naman haka-haka lang ito ng mga yokai?"

"Oo, totoo yun at anong yokai pinagsasabi mo?" nag-ibang bansa lang kung ano-ano ng pinagsasabi ng babaeng to.

"Wala yun, Where is he gusto ko siyang makita, kaibigan mo din yun hindi ba? diko akalain kayo din pala ang magkatuluyan" may ngising sabi niya.

"Wala siya ngayon, may meeting" hindi pa din talaga ako maka get-over sa nangyaring sagutan namin kaninang umaga bago ako pumuntang opisina.

"Saan mo ba gustong kumain?" pag-iiba ko sa usapan.

"Ikaw bahala, treat mo na sa akin dahil hindi mo ako ininvite sa kasal mo" sus! kuripot din kase itong babaeng to ginawa pang dahilan ang kasal namin.

"Oh sure! Gorabels" pasayaw-sayaw na lakad ko, narinig ko naman ang halakhak niya habang nakasunod sakin.

Sa Korean Restaurant kami kumain ngayon ni Caramel. Habang tahimik akong kumakain siya naman ay panay kuda ng kuda.

"Alam mo gurl, nitong mga nakaraang buwan may nakilala akong isang guy isa siya sa mga nag-aapply bilang secretary ko, matangkad siya, matangos ang ilong, mizteso, makisig, at-" pagkukwento nya sakin at hindi agad tinapos ang sasabihin.

"At?" uminom muna ako ng tubig bago nya pa sagutin ang tanong ko.

"At malaki ang dala" nabuga ko ang tubig na dapat sana'y lunukin ko dahil sa sinabi niya. "Kaya agad ko siyang tinaggap bilang sekretarya ko, syempre no ang laki kaya sayang naman kung hindi ko matikman, nasa harap ko na ang grasya pakawalan ko pa ba yun" natatawang dagdag pa niya.

"Ang lala mo na talaga Kape" I chuckled and shook my head. Kahit kailan talaga ang babaeng to. Sa sobrang honest kung ano-ano nalang ang pinagsasabi.

"Hindi naman medyo lang, masarap kaya makatikim ng ibat ibang putahi, tsaka alam mo may kasabihan nga diba na 'pag may masaganang pechay, may masaganang buhay' kaya tingnan mo beauty ko ngayon" hinawi nya pa ang buhok niya sabay hawak sa tiyan nya habang tumatawa. Siraulo talaga ang babaeng to. Sa harap pa talaga ng pagkain namin.

"Alam-"
hindi ko matapos ang sasabihin ko nang namataan ko ang dalawang taong magkasalo sa isang mesa.

Denarius! Daig ko pa ang binagsakan ng langit at lupa nang makilala ko kung sino iyon si Anastasia ang kasama nito. Napayuko baka makita niyang nandito ako, at maghinalang sinundan ko sya kahit hindi naman.

Nagtataka namang sinundan ni Caramel ng tingin ang tinitingnan ko. Abala sila sa presensiya ng bawat isa kaya halatang hindi kami mapapansin dito.

"Sino yan kakilala mo?" tanong ni Caramel saka kinalabit ang braso ko.
"Fel?..."

"I just lose my appetite" nawalan na ako ng gana. Kaya tumayo ako at kinuha ang sling bag sa upuan.
Hindi ko sila kayang tingnan nang magkasama, masakit sa mata.

I bowed and let the tears flow from my cheeks, I don't know anymore sometimes he make me feel like I actually have a chance to be with him, but when I try to take that chance he make me realize I never really did.

Don't forget to vote, comment, and follow:>

Love In Disguise Where stories live. Discover now