Chapter 6

16 5 0
                                    

Ezyrein P.O.V

Hindi ko alam bakit nangyari sa'min 'yon sobrang mali ang nagawa namin isa pa wala kaming relations para humantong sa bagay na 'yon. Dahil sa sobrang kalasingan ko pa o sadyang mapusok lang ako kaya ganon. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ang tanga ko para hindi isipin ang mga pinaggagawa ko sa buhay ko. Sobrang nadala ako kaya Hindi ko alam na hahantong sa ganon. Ang tanga, tanga ko para sa mga naging decision ko sa buhay. Pa'no ko ba 'to haharapin? Kahit kaibigan ko nagtataka sa mga kinikilos ko eh. Pero ayaw ko na lang siya pansinin.


Andito ako sa may garden gusto ko mapag-isa ayaw ko ng may magulo gusto ko makapag isip, isip sobrang naguguluhan ako. Sumasakit ang ulo ko. Masyadong maraming pumapasok sa utak ko na 'di ko alam alin ang tama't sa mali.


"Ezy?"


Na estatwa ako bigla sa boses na narinig ko alam ko kaninong boses 'to, ayaw ko pa siyang harapin. Natatakot pa ako sa mga maririnig ko mula sa kaniya.


Tumayo ako para makalayo sa kaniya dahil hindi pa p'wede pag-usapan.


"T-teka lang? Sa'n ka pupunta? Gusto kita maka usap Ezy?" Hawak niya sa braso ko.

Inalis ko naman 'to na siyang ikinagulat niya.


"A-ano? Saka na lang tayo mag-usap may gagawin pa kasi ako eh. Sige alis na ako." Pagdadahilan ko tatalikod na Sana ako pero.


"Iniiwasan mo ba ako? Ezyrein? Alam ko iniiwasan mo ko. Kaya please mag-usap naman tayo?!"


"Huh? Hindi ah.... Sige na saka na lang. Nagmamadali talaga ako. Bye." At mabilis ako umalis sa harap niya at tumakbo ako papasok sa kotse ko nawalan na din ako gana pumasok sa sunod na klase.


Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si ate sa harap ng tv. Nakita niya ako at napataas ang kilay nito at tumingin sa malaking orasan namin taka naman Itong napatingin ulit sakin kung bakit ang aga ng uwi ko.


"Bakit ang aga mo naman ata umuwi?!" Pagtataray nito.


Pagkakatanda ko wala siyang pakialam sa ginagawa ko pero ano 'tong pinapakota niya.


"Masama lang pakiramdam ko. Sige ate una na ako."


Iniwan ko siya ng 'di na inabangan ang sunod sana niyang sasabihin.


******


Past weeks na at ganon pa din ang ginagawa ko pag iwas kay Zelo, at pati sa kaibigan ko ay iniiwasan ko muna. Ayaw ko muna pag-usapan anong dahilan ng pag iiwas ko.


Laging wala ako sa mood sa lahat pati sa mga nasa paligid ko ay nawawalan ako ng gana makipag usap sa kanila. Kaya pati kaibigan ko ay nasusungitan ko din minsan dahil lagi akong nasa mood swing na 'di ko alam ang dahilan.

UNEXPECTED MINE [ completed ]Where stories live. Discover now