Chapter 9

16 5 0
                                    

Ezyrein P.O.V

Maraming nangyari simula nung nalaman ko na buntis ako at simula din na 'yon ay nag iingat ako lagi para sa pagbubuntis ko.

Hanggang ngayon ay wala pa nakakaalam na buntis ako kahit pamilya ko ay wala pa kong lakas na loob para umamin. Hindi ko pa kaya, hindi pa ako handa sa mga matatanggap ko mula sa pamilya ko, sabit na nga ako sa pamilya namin ta's dagdag problema para sa kanila kahit ako naman lagi nagdadala lahat ng problema.

Ang mama ko naman Hindi ko alam kung ano? Last na kita namin nung nagbigay siya ng allowance ko at ayon ang pinakalast na tagpo namin dalawa dahil nga complicated ang pamilya namin dahil separate na sila sa mga pamilya nila. Sobrang hirap kapag ako lang nag aalaga sa sarili ko kahit na andiyan ang mga kapatid ko sa ama ay parang wala din naman ako mga kapatid. Kahit ama nga wala kahit nasa iisang bahay lang kami pero sobrang layo ko sa kanila. Na o-out of place ako kapag andiyan mga ate ko. Kung nandiyan ang iba ko pang kapatid ay baka magrambulan na. Hindi naman talaga kami close lahat. Kasi lagi nila pinagmumukha sa'kin na sampid lang ako sa pamilya nila. Ako lagi sinisisi kung bakit wala sila mama dahil sakin daw kung bakit naghiwalay sila papa at ng mama nila.

Kahit wala naman ako kaalam-alam bago ako nabuhay sa mundong 'to, pero lagi nila 'yon pinagmumukha na gano'n.

Kaya ang hirap makipag ayos sa ngayon dahil sa situation na meron sa'min.

Tapos about naman kay Zelo, ay wala pa siyang alam dahil pinipigilan ko si Rakki na h'wag niya muna sabihin ako na ang aamin kapag ok na. Kapag handa na talaga ako tanggapin mga Sagot niya dahil sa ngayon takot pa ko malaman ang mga p'wedeng isasagot niya sa pagbubuntis ko. Natatakot ako na baka I reject lang ako, lalo na ang bata. Ayaw ko naman mangyari na pati anak ko 'di buo ang pamilya niya, tama na 'yung ako ang makaranaas na magulo ang pamilyang kinakaharap ko h'wag lang ang anak ko makakaranas ng nararanasan ko ngayon.  

Saka 'di pa halata ang tiyan ko kasi ilang weeks pa naman siya, kaya, kaya ko pa makapag trabaho para maka ipon sa mga gastusin para kay baby. Kailangan ko maglakas loob din kapag umamin na ko kay Zelo, sa ngayon ok kami naman kami. Talagang pinapanindigan niya talaga mga sinabi niya no'n sa'kin nung ball namin last month.

"Ezy! Andito ka pala. Tara kain tayo? Treat ko." Rakki.

"Ok, tamang-tama gutom na kami haha!"

"Pasalamat ka inaanak ko 'yan. So... Kailangan mo pala ngayon mag ipon para sa magiging gamit ng baby mo. Ano pala ang name niya meron na ba?!"

"Sa totoo lang wala pa ako naiisip. And besides wala pa naman gender 'di ko pa alam kaya h'wag muna natin pag-isipan ang pangalan ng baby ko kasi ilang weeks pa naman siya. Tara na ang daldal mo haha."

*********

"Ezyrein, mabiti't naabutan kita." Biglang sulpot ni Zelo.

Pasakay na sana ako ng kotse para sana umuwi na ng makita naman niya ako dito sa parking lot.

"Ah, bakit? May kailangan ka ba?"

May inabot naman siya sakin na pinagtaka ko.

Isang envelope na kulay pula.

"Ano 'to?"

"Open it." Masaya na Sabi niya.

Dahan-dahan ko naman 'to binuksan at nagulat ako sa nabasa ko.

Can you be my date?

"Ano meron? At niyaya mo ko?"

"Gusto ko lang na alukin ka. Gusto ko bago matapos ang gabi na 'to nakasama kita, kung ok lang sa'yo?"

Napangiti naman ako.

"Sa ngiti mo pa lang ay alam ko na magiging Sagot mo. So payag ka ?!" Mukhang excited naman 'to.

Tumango na lang ako kaya bigla ako niyakap na 'di ko alam kung kikiligin ba ko dahil sa ginagawa niya o maiinis. Kasi naman 'di naman kami para maging ganto agad siya kahit na ang totoo magiging tatay na siya.

Pumunta nga kami sa isang restaurants,  na sikat sa lugar na 'to. Napaka gentle naman niya. Lahat siya nag asikaso. Hanggang sa dumating ang pagkain. Napaka gentle niya.

Hinawakan niya kamay ko ng ikinagulat ko.

At napatingin sa maamong mukha nito na siyang gusto ko lagi makita sa kaniya.

"Thank you Ezy,  dahil hinahayaan mo ko na iparamdam ko sa'yo ang pagmamahal ko sa'yo. Alam ko 'di ka pa handa pero kaya kung maghintay sa magiging sagot mo. Masaya ako kapag nakakasama kita at ito ngayon kasama kita sa dinner kaya super thank you talaga, Ezyrein."

Ngumiti na lang ako dahil baka ano pa masabi ko at madulas pa ko sa tinatago ko.

Fast forward

Hinatid niya ako gamit ang kotse niya siya na daw ang bahala maghatid ng kotse ko mamaya kaya nagpasalamat na lang ako sa kaniya.

Pumasok na din ako at nakita ko si ate na masama ang aura alam ko nakita niya si Zelo.

"Ganto ka ba lagi kung umuwi? Ano oras na oh?! Ta's makikita ko hinahatid ka ng isang lalaki. Alam ba 'to ni papa huh, Ezyrein?!"

"Ate classmates ko lang siya, saka walang masama na maihatid ako."

"Oh c'mon, Ezyrein! H'wag mo ko gawing tanga. Alam ko nga style na ganiyan. 'di na ko bata para 'di ko 'yan naranasan. Tell me boyfriend mo ba 'yon huh?!"

Ayaw ko ng gulo sobrang pagod na ko kaya ayaw ko ng makipagsagutan sa kaniya sa walang kabuluhan.

"Please ate, gabi na at gusto ko na magpahinga. Sana ikaw din. Aakyat na ko. Maaga pa ko bukas dahil may practice pa kami para sa graduation."

Nakita ko siyang tinarayan ako.

"May malaman lang ako sa kabalastugan ginagawa mo sa school. Makakarating 'to kay papa. Tsk!" Sabay talikod sa'kin.

Wala na ko nagawa kundi hayaan ito, at umakyat na sa k'warto ko.

Sa sobrang kapaguran ay nakatulog ako dahil sa mga nangyari buong araw.

Sana maging ok na ang lahat, gusto ko ng tahimik ba buhay na walang nangingialam sa buhay ko.

Enjoy Reading!
Please don't forget to vote, comments and support this short story!  Thank you Queenie's!      

UNEXPECTED MINE [ completed ]Where stories live. Discover now