CHAPTER 1:
Kelvin's POV
Hello! Ako si Kelvin, wala kaming apilido tanging pangalan lang ang meron kami na ipinagkaloob sa amin ni Orion. Ang aming kaharian.
Alam kong maraming hindi naniniwala na sa mismong bituin kami nakatira, pero walang imposible. Masyadong malawak ang universe, hindi natin inaakala na may mga nakatira ding ibang nilalang maliban sa mga taong nakatira sa Earth,
Isa akong prinsipe, isang magiting at mapagmahal na prinsipe. Ako ang susunod na hari sa Orion kaya sinasanay na ako sa pakikidigma at kung paano pamahalaan ang Orion. Sa aming kaharian may isang palatuntunan lang kami na sinusunod dapat ng lahat, ang huwag pumasok sa portal na patungong earth. Marami na ang natukso at hindi na nakabalik. Ngunit nalaman ko sa aking ina na pwede kang bumalik sa kaharian kung ikaw ay mamamatay sa Earth dahil sa isang malubhang sakit.
King Solomon's POV
Magandang araw sa iyong lahat! Ako ang nagiisang hari sa kaharian ng Orion. Isang mabuti at matalinong hari. Mayroon akong isang anak siya si Kelvin at ang aking butihing reyna na si Sara. Hindi ko na papahabain pa ang aking pagpapakilala dahil hindi naman ako ang magiging bida sa storya kung hindi ang aking anak na paparating na.
Kelvin's POV
Papunta ako ngayon sa kwarto ng aking ama, ngunit hindi ko maintindihan ang aking utak. Kanina ko pa naiisip ang isang dalagang nakita ko sa kaharian ng Cassiopeia, isang kalapit na constellation ng Orion. Hindi ko alam pero ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pagtibok ng aking puso.
Sobrang nagsisisi ako dahil hindi ko man lang naitanong ang kanyang pangalan. Bigla na lang akong bumalik sa katinuan ng bigla akong tawagin ng aking ama
''Ano ba ang iyong iniisip?'' biglang bungad sa akin.
Nahihiya naman akong aminin sa kanya na isang babae ang kanina pa gumugulo sa aking isipan. Dahil ang alam ko matagal na akong nakatadhana sa isang prinsesa simula pagkabata pa lamang kaya bawal akong umibig sa iba :(
''Wala po, masama lang aking gising'' pagsisinungaling ko.
''Anak, kailangan mong maghanda para bukas''
''Bakit? Para saan?''
''Inimbitahan tayo ni Haring David mula sa kaharian ng Cassiopeia'' maganang tono niyang sinabi
''Isang paanyaya? Ano naman ang gagawin natin dun?'' naguguluhan kong tanong
''Panahon na upang iyong makilala ang prinsesang nakalaan para sa iyo''
Bigla akong nanlumo. Eto na ang araw kung kelan ko sya makikita, isang babaeng hindi ko naman mahal pero ubligado kong mahalin. Mahirap man sa parte ko dahil may napupusuan na akong iba, wala naman akong magagawa dahil ito ay utos ng aking ama. Kaya ako ay sumangayon na lang sa kanya at umalis.
Kelvin's POV
--Kinabukasan, sa Cassiopeia--
Nandito na kami ngayon sa loob ng palasyo. May isang mahabang lamesa ang nakalagay sa gitna at puro masasarap at mamahaling pagkain ang nakahanda. Naisip ko tuloy, ganito ba talaga kami pinaghandaan?
Naalala ko na naman ung babaeng aking nakita. Nakakakonsensya man pero kailangan kong mahalin ng sapilitan ang prinsesang nakalaan sa akin.
''Iho, umayos ka na ng upo. Parating na daw ang prinsesa'' utos sakin ni Ina
Walang gana akong umupo at nakatulala. Naririnig kong naghihiyawan na ang mga tao at tumutunog na ang musika. Isang hudyat na pababa na ang prinsesa. Pero sadyang lutang ang aking pag-iisip.
Pero para sa aking ama kailangan ko siyang sunduin mula sa hagdanan at aalalayan sa kanyang pagupo. Patayo na sana ako ng biglang magtapat ang aming mga mata. Ang babaeng nakita ko! Ang nagiisang babaeng nakapukaw sa aking damdamin, sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayari.
Dahil ang babaeng minahal ko kahit isang beses ko pa lang syang nakikita ay ang Prinsesa. Siya ang prinsesa. Siya ang babaeng aking papakasalan.
*****
Hope you like it! Vote and comment

BINABASA MO ANG
STARS: A story of destiny and chances
FantasíaStorya ng 3 kakaibang nilalang. Hahanapin nila ang mga tadhana na nakalaan para sa kanila. This is about choice, and how destiny can change their life forever. Minahal mo sya noon, kaya mo pa ba siyang mahalin ngayon/?