Matagal ko nang tanggap na maarte ang asawa ko pero bakit parang sumobra naman yata siya ngayon?
"Didn't I told you yesterday na hindi ko gusto iyang pabango mo? Masyadong matapang! But then you're still using it now? Yakap ka pa ng yakap! Kumakapit pa tuloy sa damit ko ang amoy!" galit na litanya niya habang pinagdadampot ang mga pinaghubaran kong damit na basta ko nalang inilagay sa backrest ng couch namin. "Napakakalat mo pa. I didn't marry you so you could have someone na magliligpit sa mga kalat mo!'
Napapailing na tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama namin. Kakarating pa lang namin mula sa clinic ni Dra. Ocampo na siyang pediatrician ni Seb pero heto na naman siya at kung ano-ano ang napapansin. Hindi man lang muna nagpahinga.
"Siyempre, hon. Pinakasalan mo ako kasi mahal mo ako," nakangiti kong sabi sabay lapit sa kaniya.
Akmang yayakap ako nang hinarang niya ang dalawang kamay sa pagitan namin. "Stay away. Napakabaho mo!"
Nakamot ko ang ulo kahit wala namang makati. Buti nalang talaga at ako ang napangasawa nito. Ako lang yata ang nakakatagal sa ugali niya. Kahit sabihan niya pa akong mabaho at kung ano pa, papapasukin ko lang iyon sa isang tenga at palalabasin sa kabila. Mayroon yata akong lifetime subscription ng pasensya para sa asawa ko. Palagi man niyang sinusubok ang pasensiya ko, sa awa ng Diyos nairaraos ko pa naman ang bawat araw kapiling siya.
"Hindi naman, hon. Naligo kaya ako," sagot ko matapos amuyin ang sarili.
Umirap ang maganda kong asawa. "Whatever. Just don't use the same perfume again. Mabaho at masakit sa ilong."
Kumunot ang noo ko. " Mabango naman. Ikaw pa nga nagbigay nito e."
"Kapag sinabi kong mabaho, mabaho. Kapag sinabi kong masakit sa ilong, masakit sa ilong." Pinagtaasan niya ako ng kilay. Nagtataray na naman. "Naiintindihan mo?"
Itinaas ko ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Opo, mahal ko."
Naiiling na ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Ako naman ay saglit tinawagan si Tien para ipaalam na dadalaw kami mamaya sa kanila. Hindi man ako pabor, tuluyan na silang bumukod ng bahay ni Chance. Malapit lang naman ang bahay ng mga ito sa mga biyenan niya. Kampante ako na may tutulong sa kanila na mag-alaga sa mga apo ko kahit nag-aaral sila ni Chance maliban sa kinuha nilang katulong.
"Oh, wow! Mabuti naman! Matutuwa ang mga bata dahil makakalaro na naman nila ang kanilang Uncle Seb na mas bata pa sa kanila," natutuwang sagot ng anak ko sa kabilang linya. "I'll cook for dinner. How about menudo, pa? Favorite naman iyon ni mama."
Nasapo ko ang noo. "Naku, nak! Huwag 'yan. Masasayang lang."
"What? Why?"
"Ewan ko ba rito sa mama mo. Ipinagluto ko nga ng menudo kagabi kasi nga nag-request ng menudo. Kaagad ko namang ipinagluto. Nang ihain ko naman, ipinatapon. Mabaho raw. Kung ganoon pala ay mabaho lahat ng nailuto kong menudo para sa kaniya. Wala naman akong dinagdag na kung ano sa menudo kagabi," mahaba kong sagot, nagtatampo.
Kumunot ang noo ko nang malakas itong tumawa. "Oh, wow! I guess it's for you to find out why she acted that way! Bye before I spill something worth celebrating!"
Nagtataka kong ibinaba ang cellphone matapos nitong magpaalam. Mukhang napagkaisahan na naman ako ng mag-ina ko. May sekreto na naman sila na buong araw kong susubukang alamin. Pinuntahan ko nalang si Seb na abala sa kanyang mga laruan. Napakabilis talaga ng panahon. Isang buwan mula ngayon ay isang taon na itong bunso ko na napakagwapo. Sa aming dalawa ni Maggie, ako ang mas kamukha ng mga anak namin. Bagay na ikinamamaktol naman ng asawa ko minsan. Siya raw ang nagpakahirap magdala sa kanila sa loob ng siyam na buwan pero ako ang naging kamukha.

BINABASA MO ANG
of tickets and anklets (COMPLETED)
RomanceREKINDLED FLAMES SERIES #1 For Maggie Razon, feeling unwanted is the worst feeling in the world... Confirming the news about her only daughter's early pregnancy, Maggie immediately flew back to the...