One.

68 2 1
                                    

Hahaha! Alam kong ang gulo ko. Pabago bago ako ng characters. Pangatlo na 'to. Hahaha! Last na talaga 'to. Pagpasensyahan niyo nako. Marami kasing nagsasabi na bakit ko daw ginawang Kathniel 'to at kung ano ano pa. At dahil mahal na mahal ko kayo, ayan na. Last na talaga yan. Hahaha! 

-----------------------------------------

FLASHBACK.

Sam’s POV

“Oh Sam! Ano pa tinutunga-tunganga mo dyan? Bunot na dali! Naeexcite nako! HAHAHA!” sabi ni Liz.

“Oo nga naman! Dali! Haha! Naeexcite na din ako!” sabi naman ni Camille.

Ano ba naman tong mga kaibigan ko! Kung hindi mga eng eng, may pagkaweird minsan! Nandito kasi kami sa mall ngayon. Naglilibot. Naisipan nilang gumawa ng dare dito sa loob ng mall. At hindi lang basta DARE ha, SOBRANG NAKAKAHIYANG DARE.

Eto kami ngayon nagbubunutan ng gagawin naming dare.

At alam niyo ba kung ano ang mga nakalagay sa bubunutan?

1.       Kindatan ang isang pangit na lalaki. Hindi lang basta kindat. Yung kindat na ginawa ni Vice Ganda sa Sisterakas (yung part na tinatakot niya si Kris Aquino.)

2.       Maghanap ng gwapong lalaki at kapag nakahanap, magkunyaring nahihilo at mahihimatay. Kapag hindi siya nasambot ng lalaki, maghanap ulit ng iba.

3.       Maghanap ng magsyota at magkunyaring niloko siya ng lalaki. Kapag nagalit ang girlfriend nito, tapos ang dare mo.

4.       Kumanta sa harap ng madaming tao at dapat may magbigay ng limang piso dito kapag wala, lumipat sa ibang lugar.

Oh diba? Kaya ayaw kong sumasama sa tatlong to kapag nasa mall eh! Kung ano ano ang pinaggagagawa nila!

“Uh guys, hindi ba talaga pwedeng palitan yung number 3? Hindi ba parang ang brutal nun?” sabi ko.

“Ha? Guys may naririnig ba kayo?” sabi ni Patt.

“Wala eh! Ano ba yun?” sabi ni Liz.

-_______________-

“Aynako! Eto na bubunot na!” bumunot na ako.

Kinakabahan talaga ako dito. Mamaya mahuli pa kami ng guard tapos paalisin kami dito. Waaaaaaah!

“Okay guys! Sabay sabay natin sila bubuksan okay? Yiii! Excited nakooo!” sabi ni Camille.

“1.. 2.. 3.. GO!” sabi nilang tatlo.

Eto na. Bubuksan ko na yung papel.

“WAAAA! HAHAHAHA! NUMBER 4 YUNG AKEN! Ehem ehem. Magpapractice na akong kumanta.” Sabi ni Patt.

“YUUUUUUUUUUUUUUUCK! NUMBER 1 YUNG AKIN! Waaaaaaah! Paano nalang pag naattract yung kinindatan ko? Tapos lalapitan ako? Ano ba yaaaaaaaaan! Palit nga tayo Patt! Ayaw ko nito! Dali na!” sabi ni Camille.

Oh-kay. Nasa kanilang dalawa na yung 1 at 4. Kinakabahan na ako. Wag sana sakin yung number 3! Yung 2 medyo okay pa. Hahahaha! Sa apat na yun, yung number 3 ang pinakasusuklaman ko.

Eto na.. bubuksan ko na.

Bam!

Number 3.

Pagkaminamalas ka nga naman oh!

Not Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon