Two.

46 2 0
                                    

Sam’s POV

“ANO? ANONG GAGAWIN NATIN SA BAHAY MO HA? KUNG ANG KAPALIT NITONG PAGKAMAHAL-MAHAL NA DAMIT NA ITO AY ANG DIGNIDAD KO, SAYONG SAYO NA ‘TONG DAMIT NA TO! ISAKSAK MO SA BAGA MO!” sigaw ko.

Huhubarin ko na sana yung damit nang—

“O-oy! Anong gagawin mo? Huhubarin mo yang damit dito? Tsaka wag ka ngang sumigaw! Tsaka miss, wala akong gagawing masama sayo okay? Wag kang mag-isip ng iba! Para namang may magkakainteres sayo! You just need to explain everything. Yung nangyari kanina.”

”At bakit ko gagawin yun? Nilait mo pa ako ha? Bakit gwapo ka ba?”

“Oo!”

-_____________-

Pagbigyan na.

“Look miss. Papatayin ako ng tatay ko pag nalaman niyang ginanun ko si Ashley. Kailangan mo lang mag explain. Pagkatapos nun, sayo na yang damit at wag ka na magpakita sakin kahit kelan.”

Wow ha. Ang kapal pala neto e.

“Ano naman ang tingin mo sakin? Hindi ko kayang bumili ng damit na ganito?”

“Alam mo, walang patutunguhan to. Sumama ka nalang sakin.” Sabay hila niya sakin.

Waah! Ayoko! Ayokong sumama!

At dahil pasaway talaga ako, kinagat ko ang kamay niya at agad agad niya naman itong tinanggal. HAHAHAHA!

“ARAY! BAKIT MO GINAWA YUN HA? YARI KA SAKIN!”

Tumakbo ako papalayo sa kanya. Hahaha!

“O-OY! BUMALIK KA DITO! YARI KA TALAGA SAKIN PAG NAABUTAN KITA!”

HAHAHA!

Kelangan ko nang makalayo dito at mahanap sina Camille.

Bakit naman ako sasama dun sa lalaking yun? Baka mamaya may gawin pang masama sakin yun.

Pagkatingin ko sa likod, malapit na siya sakin. WAAAH! ANG BILIS NIYANG TUMAKBO! Binilisan ko na din yung takbo ko kaso parang ang lapit sakin ng malas ngayon.

“OUCHH!”

Nadapa lang naman ako. May wet floor sign pala di ko nakita. Waah. Ang sakit ng paa ko. :((

Bakit ganun? Yung ibang nababasa kong love story pag mahuhulog yung babae o madadapa may sasalo, bakit sakin wala? -______-

Waah! Nakakahiya! Ang daming tumitingin sakin! >________<

Tinry kong tumayo pero wala. Di ko kaya. Ang sakit sakit ng paa ko.

Nagulat nalang ako ng may biglang bumuhat sakin at ipinatong yung braso ko sa may batok niya.

“Hay nako. Uso kasi ang mag-ingat sa mga taong lampa diba?”

“Alam mo kung aasarin mo lang ako, pwede ba ibaba mo na ako. Pinagtitinginan na tayo oh. Nakakahiya!” sabi ko.

“Naku naman. Yari talaga ako nito kay papa. Grr.” Bulong niya.

“Anong sabi mo?”

“Wala. Ihahatid na kita. Saan ba ang bahay niyo?”

Di ko namalayan papasok na pala kami ng kotse niya. Ang bilis niyang maglakad! O____O di kaya nabibigatan siya sakin kaya niya binilisan?

“Bakit ko sasabihin sayo? Mamaya nyan nakawan mo pa kami.”

“Wow. Ako na nga ‘tong nagmamagandang loob ako pa ang naging masama. Sige iiwan nalang kita dito sa parking lot tutal naman masama ako diba?”

Ilalapag na niya ako sa may sahig. Waah! Joke lang yun! Joke lang! Nilapag na niya ako pero hindi ko tinatanggal yung pagkakahawak ng kamay ko sa kanya. Hahaha! Ayaw ko! Tingin niyo makakauwi ako ng lagay na ‘to? Masyado naman kasing seryoso ‘tong taong to. Hindi mabiro biro.

“Oy bumitaw ka nga!” tinatanggal niya yung kamay ko sa kanya pero ayaw ko pa ring magpa-awat. Hahaha!

“Grabe. Di ko lubos maisip na wala ng Maria Clara ngayon. Pati babae nangmamanyak.” Sabi niya.

ANO DAW!?

“H-hoy! Hindi kita minamanyak! Bakit, kamanyak-manyak ka ba?”

“Wow miss. Baka hindi mo alam na pati ang artista pinagnanasaan ako?”

Kapal ng apog nito ah. Di ko nalang pinansin yung sinabi niya. Kunyari umubo ako para madala na niya ako sa kotse niya.

“Hay. Ano pa nga ba? Konsensya pa kita pag may nangyari sayong masama. Pagkaminamalas ka nga naman oh.”

HAHAHAHA! Wawa naman to. :))

Pagkatapos nun, sinakay na niya ako sa kotse niya at nagmaneho na. Tinuro ko naman yung address naming. At sa tingin ko di naman siya masamang loob.

Tinuro ko na yung bahay at dun, tumigil na kami. Inalalayan niya ako pababa ng kotse at papasok sa gate. Duh. Alangan namang magpabuhat pa ako? Hahaha! Masyadong inenjoy yung pagbuhat. :))

“Papa? Papa nandito nako. Pakibukas na nung pinto.” sabi ko habang nakatok.

“Oh bakit napaaga ka ata? Anong nangyari sayo? Sino ‘tong kasama mo?”

“Ah eh. Natapilok lang ako. Hehe. Ah. Siya nga pala si.. ano.. ah.. eh..” wa! Di ko alam ang sasabihin ko!

“ Sean Ocampo po.” Tapos inabot ni Sean (daw) yung kamay niya kay papa.

“Ocampo eh?” tapos itinaas baba ni papa yung salamin niya at tiningnan ng katakatakang tingin si Sean.

Tinanggihan ni papa yung kamay ni Sean.

“Ah eh. Sige po. Aalis na po ako.”

Tapos tiningnan niya ako.

“Sige. Bye.”

“Bye. Thank you!”

Tsh. Kunyari lang na nagthank you ako. Kasi nandyan si papa. Hahaha!

Tapos sumakay na siya sa kotse niya at umalis.

END OF FLASHBACK.

---------------

End of flashback na 'to. Next chapters will be the present na. Thank you!  :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon