School Garden

174 3 0
                                    

Nandito ako ngayon sa science garden ng school namin, as usual… nag-e-emote na naman. Tambayan ko na ito every after lunch. Pumitas ako ng isang pirasong santan, ngek! ang liit pala… hehe, pero mas mabuti na to kaysa mahuli ako ni manong guard na pumipitas ako ng mga beautiful flowers dito sa garden. Lagi ko na tong ginagawa, simula pa noong inamin ko sa sarili kong mahal ko na pala si Sam.

I love him, He loves me not.” Tanggal sa unang petal .

I love him, He loves me not.” Tanggal sa pangalawa.

I love him, he loves me……."

uie! Kaibigang Gia! Nandyan ka na naman?! tsk. tsk. tsk.” sabi ng pinakamaingay kong friend na si Kimberly pero mas kilala bilang Kim.

oo, nandito na naman ako. Kailangan pa bang itanong yan. (-_-)”

ahh.. hehe.” Tiningnan nya yung hawak-hawak kong santan.

bakit?

Uie! Santan?! Hahaha!!! Iba yatang trip mo ngayon kaibigan! Haha! Pero kawawa naman yang santan. Kahit maliit lang yan, parte pa rin yan ni Mother Nature. Hahahaha!!! :D” grabe naman to kung tumawa. Nganga kung nganga. 

Naku.. pinagtitinginan na kami. Kakahiya!

Hahaha!! Grabe!! Nakakatawa talaga noh?! Hahaha!” sarcastic kong pagsabi. -_-

Shh.. baka mahuli ka ni Manong Guard! Hahaha!!” as in?! nakakatawa talaga? Dalhin ko na kaya to sa mental? Ay! Wag na lang pala! Baka hindi na gumaling yung ibang pasyente!

Ngumiti na lang ako kay Kim. Hayss..

Huminto na syang tumawa.

hala!” sigaw nya at may tinuro sya.

Ouch! Si mitch pala, ang aking karibal at si.. Sam! O_O

Shemay! Magkasama na naman sila! >.<

ahh.. Kim. Mag-c-cr lang ako.” Naiiyak ako.

Gia!!” sigaw ni Kim.

Tumakbo ako at iniwan ko na si Kim sa garden. Dala-dala ko pa rin ang santan.

Patuloy lang ang pagpatak ng aking mga luha. Marami na akong nababangga, nagbu-blur na ang paningin ko pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Ang sakit. Sobra. Magkasama sila at.. nagtatawanan pa.

Haha! Hay naku! Ano ba yan! Umiiyak na naman ako! Lagi naman talaga akong umiiyak dahil kay Sam eh kasi alam kong he doesn’t love me and he will never love me! Kaya wala nang bago! Sanay na ako! One year nalang naman eh, hindi na ako iiyak! Tama! Isang taon na lamang ng pagtitiis! yes! fighting! ^_^

I Love Him, He Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon