February 14
Valentines Day ngayon. Ano naman ngayon? Wala naman akong makakadate eh! Si Jeric, di naman nag- aaya. Tsk. Makapagtwitter at facebook nga muna.
Internet.......
Kakain........
Internet......
Maliligo.....
Kakain......
Internet.....
Paulit- ulit lang. Yan ang daily routine ko kapag walang pasok. Di naman kasi ako yung masyadong subsob sa pag- aaral eh. Ni di nga ako nagbabasa ng notes ko eh.
Pero sa awa ng Diyos, di ko pa naman naranasang mafailed sa exams.
I HATE BOOKS. I LOVE SURFING. I HATE NOTES. I LOVE GOSSIPS. I HATE READING BOOKS. I LOVE READING STORIES IN WATTPAD.
Hahaha! Ganyan talaga ako. Pero di naman ako yung malandi type na kung sino sino ang finiFLIRT.
Sa family and friends lang ang focus ko.
By the way, ako nga pala si Erline Suzette Sarmiento. Only daughter lang ako kaya medyo spoiled brat ako. Pero pag alam kong umaabot na sa boiling point ang mga parents ko, syempre lambing ng konti.
Facebook................
Haayyy. Still increasing pa rin yung mga nagsesend sa akin ng friend requests. Pinalitan ko na nga lang yung profile picture ko ng panget eh! Tsk. Bakit naman kasi gising ako nung nagpaulan si Papa God ng kagandahan! Yay! =_= Hahaha! Humahangin na naman.
Ang mga friends ko nga lang eh, more than 50 lang. Si Mami, Dadi, Nona(Lola), Nono(Lolo), Jay, Jeric, Drei, Rhyss, Friends and other relatives.
Whoa! 23 messages.
From: Jelyn De Guzman
Please accept my Friend Request.
From: Trish Angeles
Pa- accept naman po. Please
From: Alexis Corstein
Hey! Please accept! I like you! <3
Huh?! I like you mo mukha mo! Di tayo close. Ngayon ko lang narealize na tama pala na hindi ako nag- accept ng mga di ko close. Dami ko pang di nababasa oh!
From: Jeric Sanchez
Lab Dub.... Lab Dub...... Tunog ng puso ko.
Hello my princess. Kelan mo ba ako sasagutin? I love you! Can't wait to be your boyfriend. :*
Nga pala punta ka mamaya sa Hearts' Night ah. See you my princess.. <3
Yiiiee! Kilig much! <3
Sasagutin ko na sya mamaya. Sure na ako. 4 months na din naman kasi syang nanliligaw eh. Everyday pa syang nagbibigay ng 3 red roses.
Hmm. Kakain na nga muna ako.
Yehey! Tapos na akong kumain. Hahaha! :D Ano kaya isusuot kong damit?
Magdedress na nga lang ako. My favorite color, blue. Hehehe! ang cool kasi nung color nya eh. Above the knee yung dress ko eh. Simple lang din.
Facebook lang muna. Di ko namamalayan 4:15 na pala. Tsk. 5 magsisimula yung Hearts' Night. Bibihis na! Dalian mo Erline! Tsk.
Labas agad ng bahay.
HUH?! 0_0
Bakit andito si Jeric?! Sa pagkakatanda ko di naman nya sinabi na susunduin nya ako.
May hawak syang gitara. Para saan? Baka tutugtog sila mamaya. Bahala na nga.
"Hello! Bakit ka andito?" Me. Pinipigilan kong kiligin. Pero parang namumula na naman yung cheeks ko. Makisama naman kayo oh!
"Bawal na bang dalawin ang princess ko?" Jeric. Di ko na talaga mapigilang magblush. Kasi naman. Itong cheeks ko walang pakisama kahit kailan.
"Di naman sa ganun. Tara na nga!" Me. Tumalikod muna ako para mabawasan yung pamumula ng cheeks ko. Tsk.
Andito na kami sa campus. Walking distance lang naman kasi yung bahay namin hanggang dito sa campus eh.
Bigla akong hinila ni Jeric papunta sa stage. Whoa! Andaming tao! Kahit kelan talaga 'tong Jeric na 'to, di nauubusan ng surprises. Tsk.
"Hello everyone! Can I have your attention, please?" Jeric. Parang nag- aanounce.
"This is my princess. Soon to be my girlfriend. Wife rather." Jeric.
Huh?! Wife?! Too early for that.
"My princess..." saka sya lumuhod. ".....can you be my girlfriend?" pinapatayo ko sya pero ayaw nya pa rin.
"Hmmm... Yes Jeric my prince" Me. Bahala kung naging red na naman yung cheeks ko.
BINABASA MO ANG
Three In One
Jugendliteratur"The past is an experience. The present is an experiment. And the future is an expectation. Use your experience in your experiments to acheive your expectations."