ONE SHOT#1

73 2 4
                                    

ONE SHOT#1 :UV EXPRESS LOVE

Madalas ka bang sumakay ng UV express, hahaha. Kung Oo, parehas tayo! Sa manila kasi ako nag-aaral, eh napakahassle kung magbababus ako... bukod sa makikipagsiksikan ako sa mga pasahero ng bus na karamihan ay lalake at idagdag mo pa ang sobrang init... edi sa UV express na lang ako sasakay, medyo mahal nga lang. Panghapon ako... kaya pumupunta ako sa terminal ng mga 12 or 1 pm at yung ruta ay papuntang cubao.

Ako nga pala si Chrislynne. Haggard lagi ang byahe pero keribels lang, lagi akong may nakakasabayan na mga studyante... mga taga FEU , TIP ... at iba pa. At may lagi din akong nakakasabay na lalake, taga FEU siya. Maputi, matangkad at nakabrace... hindi ko lang pinapahalata pero naattract ako sa kanya. Nung una ko siyang nakasabayan, pinauna niya pa akong umakyat kahit siya ang una sa pila. ‘GENTLE MAN!’ ... napapansin ko din na patingin-tingin siya sa akin... pero hindi ko na lang pinapansin. Akala ko sa araw lang yun kami magkakasabay pero... mukhang magkapareho pa ata kami ng schedule kaya lagi lagi kaming magkasabay. Natatawa na nga lang ako...

May time pa nga na sa harap ko siya nakaupo... tas bigla akong inantok kaya payuko na ako at di ko alam siya naman pasandal kaya nagkatama ang mga ulo namin. Naimagine niyo ba? Nakakatawa lang xD Kaya tumalikod siya at ngumiti... at bigla siyang nagsalita.

“Sorry...^_^”

Shocks! Ang ganda ng boses...  hanggang sa nagkagusto na ako sa kanya, minsan hinhintay ko pa siya, kung ano-ano ginagawa ko para lang makasabay ko siya isang UV express at syempre dahil malakas ako kay kuyang tagasingil ng bayad lagi kaming magkasabay ... alam na din pala ni kuyang tagasingil na may gusto ako dun. Nahalata niya daw kasi (>.<) landeeh.

                Wala akong pasok ngayon... kaya nasa taas lang ako ng bahay. Andito ako sa kwarto ko ang nagbabasa lang. Kaso may narinig akong tawanan mula sa baba... eh ang alam ko si kuya lang ang andun. Kaya bumaba ako... laking gulat ko na lang. HOLY MOLY!

                “ah... lynne. Naalala mo pa ba siya? Yung kababata ko... si Marvin?”

Natulala ako... siya si Marvin? Yung lalakeng nakakasabay ko lagi sa UV Express, siya ang first crush ko na bestfriend ni kuya, pero sa sobrang tagal naming di nagkita, di ko na naalala ang mukha niya. Siya... siya pala yun. Bigla siyang lumapit sa akin...

                “naalala mo pa ba ang promise ko? Na... papakasalan kita pag nagkita ulit tayo.”

                Yung promise... nagpinky promise kami , naalala ko na... siya yung nagbigay sa akin ng santan ring , yung ring na gawa sa santan? Siya yung lalakeng pinangakuan ko ding papaksalan ko kapag nagkita kami sa future... Umalis kasi sila ng pamilya niya, dun na sila tumira sa Japan.

                Nakita ko naman na kinamot niya yung batok niya...

                “ahhh kasi, andito na ako para tuparin yung pangako ko... kaso masyado pa tayong bata. Kaya pwede bang fiance muna? Liligawan ko pa din kasi magulang mo eh.”

Bigla akong napangiti sa sinabi niya... nakakatawa lang. Hindi ko man lang siya nakilala...

Simula nun, naging kami at niligawan niya nga ang mga magulang ko, inamin naman niya sa akin na nung una pa lang nakilala niya na ako... may sasakyan naman siya pero nung nalaman niyang lagi ako sumasakay sa UV express, hindi na niya ginagamit yung sasakyan niya... kasi gusto niya lagi kaming magkakasabay. Simula nun... hatid sundo na niya ako sa school ko... minsan naghihintay pa siya hanggang 9pm, kasi minsan umaabot ako ng ganung oras. Sweet noh? At engage na nga pala kami... pag nag18 na ako... saka na daw kami magpapakasal. 

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon