ONE SHOT #2: My destiny
Andito ako ngayon sa Antipolo. Well, hindi naman talaga ako dito nakatira... nakabakasyon lang ako. Summer na kasi kaya pinapunta muna ako dito para tulungan ang tita ko sa pagtitinda. Ako nga pala si Jane... isang college student, 2nd year na sa pasukan.
Nung una kong punta dito may nakita akong isang lalake, naalala ko pa naiwan niya cellphone niya nun sa karinderya ni tita at hinabol ko pa siya nun para lang maibalik sa kanya. Kamusta na kaya siya? Dumadalaw pa kaya siya dito... hindi ko man lang natanong pangalan niya. Ayt.
“Hoy, pumunta ka na dun... may bagong dating”
“Ok po tita.”
Kaya nga pumunta na ako sa table nung bagong dating, nakacap siya so hindi ko makita ang mukha niya pero halata namang teenager pa lang siya.
“Ano po sa inyo?”
Bigla niyang tinggal yung cap niya at ... nagulat ako sa nakita ko. Nakangiti siya sa akin. Nakatitig lang siya habang ako, eto natulala at naistatwa. Parang kanina lang ... iniisip ko lang siya .
“Isang smile mula sa binibining nasa harap ko at isang matamis na Oo kapag tinanong ko siya kung pwede bang manligaw.”
Napangiti na lang ako sa pinagsasabi niya pero hindi ko mapigilang kiligin... ganito ba talaga kapag inlove?
Lumipas ang araw... andito rin pala siya sa bakasyon. Sasagutin ko na dapat siya... mabilis ba masyado? Eh sa nalove at first sight ako eh... Oo dapat sasagutin ko na siya pero nalaman kong sa states pala siya nakatira at umuuwi lang siya dito kasama ng pamilya niya tuwing summer kaya natakot ako... hindi ako handa para sa isang long distance relationsip kaya kinausap ko siya nun.
“Sorry...”
“Ganun na lang ba?”
“Naniniwala ka ba sa destiny?”
Hindi siya umimik nun kaya nagpatuloy na lang ako...
“Kung tayo talaga...para sa isa’t isa. Hindi man tayo maging ‘tayo’ ngayon... sa huli tayo pa rin magkakatuluyan. Malayo man tayo sa isa’t isa... magkita’t magkita pa rin tayo kung ikaw talaga ang destiny ko.Sa ngayon, sorry... pero di ako handa para sa LDR”
Yun na ang huli naming pagkikita.... at nabalitaan ko na lang na umuwi na sila sa states at hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Mamaya uuwi na rin ako, nakapagenroll na din pala ako ... bukas na klase namin sa Manila.
Nasa corridor ako ngayon papunta room ko, hindi ko alam pero nalulungkot ako... nalulungkot ako na hindi ko na ulit siya makikita... kaya nakayuko lang ako, baka kasi maiyak na lang ako bigla... kaso biglang na lang akong nabunggo... muntik na nga akong matumba pero nasalo ako nung nakabunggo sa akin... nung tignan ko kung sino yung nabunggo ko...
“I-Ikaw?”
“(^_^) Ako kasi destiny mo yan tuloy nagkita ulit tayo... sabi mo hindi man maging tayo noon... magiging tayo pa rin sa huli di ba, paano ba yan hindi pa ngayon ang huli pero pwede bang tayo na?”
Naiiyak ako... hindi ko alam, pero yung mga emosyong pinipigilan ko mula kanina pa... nalabas ko na lahat ngayon. Ang saya ko... naging kami na. Sinabi niya nga pala dahilan niya kung bakit nawala siya bigla, inayos niya pala mga papers niya sa states dahil babalik na siya dito sa pilipinas, dito na siya mag-aaral at sa school ko pa para lang daw maging kami at hindi na kailangan ng long distance relationship.
Minsan, hindi masamang hindi maniwala sa ‘Destiny’ ... tayo lang din naman kasi gumagawa ng kung anong mangyayari sa atin... sa buhay natin. Tayo ang magdedesisyon kung ipaglalaban ba natin o hindi... kaya ang ‘destiny mo’ nakasalalay lang din yan sayo.
