CHAPTER XI

74 3 0
                                    

Calvin...

“Eto po ang report kung saan nanggaling ang young mistress ngayong lumabas siya ngayong araw young master” sabi ng assistant Dominique. Pinasundan ko kasi si Andrea sa kanya eh. Ewan ko ba kung bakit medyo duda ako sa babaeng kasama ko ngayon kaisa sa Andrea na nakilala ko noon maari kasing ngayon ko lang nakilala ang tunay na siya isang beses lang naman kaming nagkita noon but their eyes seems different or may itinatago ang mga mata niya. I also asked for a background check about her and her twin gusto kong malalaman kung ano ang pinagkaiba ng dalawa ng sa ganun ay maipagkumpara at makilala ko sila ng husto.

And if you'll ask me mas gusto kong ang Andrea na kasama ko ngayon she maybe seem so distant and a brat but sa pagtagal na nakakasama ko siya I find her being a kinda cute. D*mn this is so gay and this isn't me, yeah she seems like that most of the times when she's grumpy.

“Nagkita sila ni Nepumoceno?”

I asked as I saw a picture of them from the report. “Unfortunately sir, Mr. Nepumoceno was a business partner for your father-in-law's company and since the young miss came to the office earlier they coincidentally met”

Tch. Coincidence my *ss pagdating sa Nepumoceno na 'yun wala akong tiwala he's been always like this. “Good, anyways iyong charity ball kailan nga ulit iyon?”

“Three weeks from now, young master”

Three weeks from now huh, a perfect time to announce my marriage. I didn't intend to keep it a secret from public so I will announce it there. At ipapakita ko sa g*ngg*ng na iyon na hindi basta kung sino lang ang asawa ko para lapit lapitan lang niya. I won't let that happen again not in my watch..

Audrey...

After kong kausapin si tita at ang planning team sa kumpanya ay napagkasunduan naming i-delay ang kaunti ang production at pagtuunan na muna ang designing. She doesn't seems suspicious naman on how I act in the office, isa pa hindi naman na daw nagulat si manager Lim kasi simula daw ng umalis si Andrea ay talaga namang malaki ang naging effect noon sa designing team. Kahit naman kasi ganoon ang kambal kong iyon she seem so passionate naman sa trabaho at noong sinabi sa kanya nina papa na ipapakasal siya ay umalis na siya sa trabaho to focus on being a full time wife.

Ang ganda ng plot niya ano? Tapos iniwan niya sa akin ang responsibilidad niya at sa mga oras na ito ko siya ma-contact.

‘You can relax now Drey, success ang surgery ni tita and she is in a stable condition now’ ~ Lily

‘Ate success ang surgery hihintayin na lang natin ang paggising ni mama para malaman daw kung may side effect ang operation pero wag kang mag-alala magiging maayos lang siya’ ~Nisha

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Salamat naman sa diyos at maayos na si mama. Bawas na iyon sa mga alalahanin ko. Pagkatapos noon ay sumakay na ako ng kotse pabalik ng mansyon inagahan ko na kasi ayokong mag-cause na naman ng trouble lalo pa at nasa mansyon ako nakakahiya kay grandma.

“Oh there she my sweet and pretty granddaughter-in-law, see amigas I told yah maganda at bagay na bagay sila ng apo, Andrea iha come here let me introduce you to some friends”

Bungad sa akin ni Grandma pagkapasok ko pa lamang they are in the living room kasi. At gaya ng narinig ko amiga niya ang mga naririto at sa hitsura pa lamang ng mga kasama niya hindi na maitatangging bahagi sila ng elite at socialite families. Mga madam na madam ang hitsura nila at hindi ko maitatangging para silang iyong mga mataprobre at mayayamang matatanda sa mga drama na bukod sa mahilig sa chismis sila rin iyong mga mahirap i-please na in-laws ng mga commoner na main characters. May kasama din silang tatlong sapalagay ko ay asawa din ng mga apo or mismong mga apo nila and everyone else are acting like a prim and proper young lady of a prestigious family.

The Substitute (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon