CHATER XXI

67 4 0
                                    

Mariin akong napapikit dahil sa mga nalaman ko. Nakakairita ah ang hirap i-process ng lahat ng nangyayari grrrr. I'm so pathetic how come hindi ko iyong napansin ng kinasal kami? No doubt na pirma ko ang nakalagay doon at higit sa lahat pangalan ko nga, Del Rio ang surname ko at hindi Rodriguez. D*mn bakit nga kasi hindi ko napansin yun kaagad? So all this time alam niya na ako ito? At nagpapanggap lang ako? Tapos hindi niya sinabi kahit na alam niyang hirap na hirap na yung kalooban ko? 

G*go napaka g*go. No I need to calm down... Hindi ako pwedeng ma-stress kasi baka mag-blockout na naman ako, ‘Hinga Audrey hinga kumalma ka’. Paulit ulit kong paalala sa sarili. I sigh and look at the culprit behind all of this, he was like argh. a puppy asking for forgiveness and chance. Anak naman ng... Ganitong ganito iyong Calvin na naalala ko eh, he's always like this lalo na kapag may kasalanan at naiirita ako sa sarili ko kasi alam kong iyon ang kahinaan ko. 

“Stop doing that, sa tingin mo ba madali lang sa akin ang lahat ha? Cal you have all the time to tell me about it pero loko loko ka at wala kang sinabi, tapos you are expecting na hindi ako magagalit?”

“Wifey...”

I gave him another sharp look that made him shut again and he's now on his knees begging for forgiveness. “Give me my phone!”

Utos ko, mabilis naman ang naging pagkilos niya at kinahuha iyon sa pouch ko. “Wife—”

“Wag mo muna akong kausapin please baka masampal lang kita d'yan or worse iiwanan talaga kita makikita mo”

I reprimand him kaya tumahimik. Pilit kong pinoproseso sa isipan ko ang lahat so all this time that I was being scared, pretentious and h*lla confused about everything eh dapat pala sinabi ko na lang at di dapat sinarili ano? Hindi sana ako nahirapan ganito, pero basta hindi ako pwedeng ma-stress at maging marupok hmp. may kasalanan pa siya at si kambal akal ba ng babaeng 'yun makakalusot siya hmm kahit pa sabihin accomplice lang siya at si Calvin talaga ang nagplano may kasalanan pa rin siya baka akala niya. 

I dialed my twin sister's number at himalang sumagot siya pero iba iyong boses nung sumagot. “Hello is this Andrea Rodriguez's number?

“Uhm yeah but I'm sorry to say Rea is not available at the moment” ani ng babae. “And why?”

“She's currently at the OR right now for her corneal transplant, may I know who is this so that I'll let her know that you called if she's already awake I am her best friend by the Vanessa Dela Rosa”

“And I am her twin Audrey... Tell her to call me back asap I need to talk to her immediately kasi” hindi ko tuloy alam kung anong surname ang sasabihin nakakawindang naman kasi ang mga revelations eh. Di ko alam kung Del Rio pa ba or Salazar na ang dapat kong gamitin kasi naman alam di siya nagbibiro tapos ngayon ko lang ito naalala is that the reason why hinihingi ni Andrea ang id ko bago siya umalis for company registry daw or whatsoever na kalokohan nila. 

“Oh I'll let her know na lang by the uhm Audrey can I ask for a favour”

“Sure anong kailangan?”

“Eh kasi baka pwedeng sabihin mo sa papa ninyo ang kalagayan ni Andrea? She will really need some support eh malaki kasi ang possibilities na hindi mag-success ang transplant kaya kung pwede sana...”

Malaki ang possibly tapos nag take parin siya ng risk? Maayos naman ang eye sight niya kahit na hindi niya matagalan ang liwanag di ba? Aish kahit kailan talaga padalos dalos. “Sure I'll let him know just tell me kung nasaan kayo ng sa ganun ay masabi ko kay papa at tita Celeste”

“Okay I'll text it to you na lang”

Pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay na hilot ako sa aking sentido. Ang babaeng iyon talaga hindi ba siya aware na marami din na nag-aalala sa kanya at kung ano ano na lang pinag-gagawa niya? May problema na nga ako pati ba naman siya iisipin ko pa? Sabagay ganun naman yata talaga ang role ng isang ate hindi ba? I should be there for each of my siblings, kahit pa hindi madali at kahit pa may tampuhan kami. 

The Substitute (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon