Risa
Knock...knock...
"Ma'am Risa?" sabi ng isang boses sa likod ng pintuan.
"Yes? Come in."
Nandito ako ngayon sa office to finalize some documents na need i-revise and pirmahan. I'm working as a CEO of our company. Pinasa kaagad sa'kin ito ni Dad pagka-graduate ko sa college. Hindi naman mahirap i-handle dahil masisipag din naman yung mga staff namin dito.
"Ayan na ba yung mga need ko pang pirmahan, Sam?" Sabi ko rito habang nagbabasa ng ibang papers.
"Yes, Ma'am, at iba pa pong need i-revise. Oo nga po pala, Ma'am. We have a volunteer event next week. Still, the Kulay Rosas Hospital po ang kasama natin. Ito po yung files na pinadala sa'kin ni Ms.Grace, nandiyan po yung mga isasama na doctor and nurses sa Naga. May mga bago pong doktor and the rest po sila pa rin."
We volunteer every month sa iba't ibang lugar sa bansa. Especially sa mga lugar na hindi naabutan ng tulong at walang maayos na education institutes. We conduct our own research bago kami sumabak para kahit papaano ay may alam din kami sa culture ng mga tao na bibisitahin namin.
"Thank you,Sam. Tawagin na lang kita kung may kailangan pa ako ha." Sabi ko naman sa kaniya, but hindi siya nag respond sa sinabi ko. Pagtingin ko rito ay hindi pala siya nakikinig sakin, nakatingin lang.
"Sam?" Tawag ko ulit sa kanya but still hindi pa rin nya ako naririnig.
"Sam? May problema ba?" Tinignan ko naman yung sarili ko sa maliit kong salamin dito sa table ko kung may dumi ba ako sa mukha, pero wala naman.
"Sorry, Ma'am. May napapansin lang po kasi ako sa inyo ngayon." sabay lapit nito sakin.
"Ano naman yun? Lalo ba akong gumaganda?" biro ko dito.
"Maganda ka naman talaga po, pero kasi sa tinagal tagal ko pong nagtatrabaho sa inyo. Napapansin ko po na pumapayat kayo then pag naglalakad naman kayo at kasama nyo ako, lagi po kayong hingal na hingal. Last naman po, ano po yung nasa daliri nyo? Napansin ko din po kasi na nagiging blue yan eh" turo naman nito sa dalawa kong daliri.
"Sa pagod lang siguro 'to Sam. Kaya namamayat ako at hinihingal. Kulang na din ako sa work out ngayon dahil ang daming papers na need gawin. Dito naman sa daliri ko, hindi ko rin alam. Sa panahon lang siguro 'to." tinignan ko rin ang tinuro niyang daliri ko to check, weird na nagkakaroon ako ng ganito.
"Sure po kayo? Kung may nararamdaman po kayo or weird feelings, try po ninyong magpacheck-up po sa doktor nyo. Para maagapan din po kaagad and kumain din kayo ng tama." Pag-aalalang sinabi sa'kin ni Sam.
Swerte ko rin sa batang 'to. kasi kahit andito ko sa office, naoobserve niya ako sa maliit mang bagay. Hindi ako nagkamali na siya ang napili kong assisant. Ilang years na rin kaming magkasama kaya kabisado na niya ako.
"Opo, anak! Hahahah thank you, Sam, for reminding me" I smile at her.
"Ma'am naman! Hahaha pero please po take care of yourself, Ma'am Risa" worried na sabi nya sakin.
Tinanguan ko na lang 'to bago siya lumabas ng office.
—--
LeniKinabukasan, pagkatapos ng meeting, agad din naman akong dumiretso sa condo ko to prepare some things na need kong dalhin. Like damit na gagamitin ko for one week and damit for other lakad namin dun. Mga need ko din gamitin for check up sa mga tao.
"Bukas na lang siguro ako bibili ng snacks. Ano pa ba ang kulang?" Iniisip ko kung anu ano pa ba ang mga kailangan kong dalhin.
•Notepad
•Memo pad
•Damit
•Extra Eye Glasses
•Documents
•Toiletries
•Extra Stethoscope
•Extra ballpens
•Thermometer
•Food
•CHOCNUTHindi dapat mawala ang CHOCNUT!! Hindi ako mabubuhay na walang chocnut! Kahit nasa trabaho ako, tatakas lang ako saglit to eat my favorite chocnut.
"May nakalimutan pa pala akong isa" hinanap ko yung bracelet na naiwan ng pasyente nung araw na ang daming na aksidente dahil sa pagkahulog ng bus sa bangin.
Flashback
Shit!
Bakit ba nagmamadali 'tong mga to?! Ano bang meron? Kapipikit ko lang ng mata ko dahil kakatapos ko lang sa duty. Bigla namang nagsitakbuhan 'tong mga kumag na 'to!
"Teddy! Ano bang meron?! Bakit madaling-madali kayo?!" I asked him while taking my coat and stethoscope.
"Hindi mo ba narinig yung announcement, Leni? Ayan! Earphones pa! Bilisan mo na dyan!" Taranta niyang pagtakbo sa pintuan ng room/office/bahay na rin namin (on - call room).
"Pasensya na ha?! Alam mo namang katatapos lang ng duty ko!" Badtrip na pagkakasabi ko. Ikaw kaya mag overtime ng 5 hours! Sinong hindi magiging lupaypay?!
"Oo na! Oo na! Dalian mo na lang, there's a lot of patients in ER right now!"
Laking gulat ko sa sinabi nya, kaya agad kaming nagpuntang ER.
"Fuck!" shock was evident on my face.
I didn't expect it today.
Kaliwa't kanang tumatakbo ang mga staff pati ang mga taong kailangan ng tulong. A lot of people had minor and major injuries. There are also some who were dead on arrival. Bata, matanda, lahat na ata ng edad sa mundo, andito sa aksidente na 'to. Habang ako, natulala sa dami nila. Hindi ko alam anong gagawin at sino ang uunahin. Pambihira naman oh! Ang lutang ko naman talaga!
"LENI!!" Sonny called me, para akong binuhusan ng mainit na tubig at nabuhay bigla at diwa ko.
Agad-agad akong pumunta sa isang matanda na nagtamo ng minoy injury.
"Hi, nanay! Ano pong masakit sa inyo?" Tanong ko sa kanya habang si Nurse Carla ang nasa tabi ko.
"Masakit po ang braso ko, parang may bali po ata. Itong ulo ko din po masakit" agad namang sinabi ng matanda.
"Sige po nanay, we need to do some CT Scan po to make sure na safe kayo at maagapan po natin kaagad ang mga makikita natin sa result nyo. Okay po ba yun?"
"Okay lang po, Doc. Salamat po" ngiti nito sakin.
"Nurse, do a CT Scan for nanay. The CT Venography and CT Pulmonary Aniography. Para sure tayong safe siya, also X-Ray. Got it?"
"Yes po, Doc!"
Lumapit din ako sa isang babae na nasa gilid lang, hindi sya napapansin ng mga ibang staff dito. Tulala lang sya at puro dugo rin ang damit nya.
Bakit hindi 'to humingi ng tulong para maasikaso man lang sya?
Nilapitan ko siya para makausap at maasikaso ko na rin nang maagapan agad.
"Ma'am? Okay lang po ba kayo? Ano pong masakit sainyo? Para magamot ko po kayo." Hindi ito nagsalita at tulala pa rin.
"Ma'am?" Tawag ko ulit sa kanya.
"Ma'am, I need to do some test po sainyo at magamot yung mga natamo niyong sugat sa katawan. Baka lumalala pa po yung mangyari sa inyo." pag-aalala ko naman sa babaeng 'to.
End of Flashback
Simula nung pangyayaring yun, hindi ko na maiwasan maisip yung maganda niyang mukha. Naiwan niya rin 'tong leather bracelet na 'to. Maganda siya kung titingnan, handmade siguro ito. Susuotin ko muna, baka sakaling magkita kami ulit.
-----------
Hi mga badinng! Kumusta naman kayo? Nawa'y ok kayong lahat.
Sana nasisiyahan kayo sa story na to! Ahahaha
Vote and comment and spread the kabaklaaan!!
Anyways! Belated Happy Valentine's Day!
Mwa <3
BINABASA MO ANG
Safe Heaven
FanfictionMasarap ang magmahal sa taong nasa kanya ang kapayapaan na hinahanap mo kahit alam mo sa sarili mo na mawawala ka din sa mundo. Take a risk, ika nga. Kung talo, edi talo. Kung panalo, i-shot puno natin! --- Kalma lang guys! Gawa lang to ng utak ko...