It was a first day of being a highschool student. Maaga akong nakarating sa school kasi madami pa kaming gagawin ng aking ate. first day namin sa lugar na yun kaya naman wala pa kaming alam
Excited ako syempre kasi una pa lang to, madami akong makikilang bagong tao. Galing ako sa city non. Sa calamba city kasi broken family kami . Walang permanenteng tirahan. Once na kinuha kami ni papa, agad agad kaming babawiin ni mama kaya dinala kami sa calamba.
At dahil wala ng magaalaga saamin doon naisipan ng mama namin na dalhin kami sa isang tagong lugar sa batangas.
kinakabahan ako. Pano na lamang pag istrikto ang mga guro namin ? kaya ko kaya ? . natatakot na talaga ako. Nakalipas ang konting oras, Nagdadatingan na ang mga estudyante , bago man o luma. pagkatapos eh may lumapit na guro
Maam unknown: Lahat ng estudyanteng bago pumunta sa likod ng building na to. doon kayo sa ilalim ng puno. iga'guide kayo ni maam doon.
Lahat naman eh nagsitayuan na at kanya kanyang pumunta doon sa likod. Nang makarating ako eh nilibot ko muna ang aking paningin para hindi ako maligaw. may nakita akong mga estudyanteng tumpukan
''Ah ! doon ata yung mga bagong estudyante '' kaya dali dali akong pumunta doon. at finally nakarating naman ako ng mabilis kasi hindi naman kalakihan ang campus namin. sakto lang sa mga estudyanteng pumapasok dito. may comference kung saan nagba'bible study or any activities. may basketall court. may volleyball court din , may canteen din . magkahiwalay ang c.r. ng girls kesa boys. Sanay kasi ako doon sa city na nasa room ang c.r. eh.
bumalik lang ang utak ko ng may nagsalita ng guro sa unahan , '' Sa lahat ng estudyante hahatiin na namin kayo o madaling salita , nahati na namin kayo. Okey Ms. oleya room 1 ka. blah! blah! blah !'' tinatamad akong pakinggan si maam kasi hindi ko naman sila kilala eh . kaya pokerface ako sa hulihan katabi si ate shaira at yung pinsan kong si mariel.
"okey room number 2 tayo na. Ms gonzales, Ms. dagos'' hayss ang tagal naman banggitin ang apelyido ko -_-. "oy nena ikaw na tinatawag oh ! sabay hampas sakin nung pinsan kong si mariel. "grabe kasakit non ah ? tsk -_-" "lipad kasi utak mo ! pumunta ka na doon" sabi ni mariel. Lumakad na ako papasok sa room ko. pakinig ko pa ang huling sinabi ni ate kay mariel. '' Tanga kasi eh " sabay cold face. napairap na lang ako sa kaniya. Ganon talag kami ng aking kapatid . liparan ng badwords, wala na kaming paki alam sa sasabihin ng iba.
Nung pumasok na ako sa room ko. umupo na agad ako sa dulo. Ganon naman talaga ako eh. Sa dulo talaga ang punta ko. Nung nakompleto na kami may dumating na teacher sa room at sabi eh magpakilala na daw kami isa isa. Madami ang tapos na. "hayss bakit kasi ang bilis eh -_-" Sa unahan pa naman kami pumupunta . kainis eh
nakatungo akong pumunta sa unahan kasi sobrang mahiyain ako sa una lang naman. "Goodmorning p-po , shet bakit ako nauutal at hindi ako matingin ng diretso sa kanila. lupa lamunin mo na ako -3- "Ako po pala si Sheenii Cruz. 11 years old gumaraduate sa calamba elementary school. "wait, sa calamba ? saan ka nagiistay ngayon ? tanong sakin ni sir 'ah sa lola ko po' tugon ko " ah, sige ituloy mo na" -_- at ng matapos na ako eh nakatungo pa din akong pumunta sa chair ko. hoo ! success :D
Nakadaan ang madaming oras pero hindi pa din kami naglalabasan, grabe inip na inip nako -_- kailan kaya labasan dito ? tanong ko sa sarili ko. eh pano ba naman maghapon na kaming nagpapakilala. ano ba yun. nakakainis na.
"okey class see you around " yes nagpalabas din si maam. sabay sabay kaming nagpaalam kay maam at sinabing "God Loves You And So Do I " gawain na daw yun palagi sa school eh. born again kasi ang nagmamay ari ng school na ito. Agad agad akong umalis sa room na yun. boring na boring nako. -_- Nagaabang na si ate at si mariel sakin sa may gate. ganon na ba talaga katagal magpalabas si maam ? hayss. pumunta na kami sa bayan. doon kasi kami sinusundo ng lolo ko. oo naka hatid-sundo pa din kami hanggang 4rth year daw. Mahal na mahal talaga kami eh, aayaw mapapagod :D mabuti na din tong ganito. Grabe !
at sa wakas nakarating na kami sa bayan. Ang tagal naman ng sundo namin. maya maya may dumaang puro lalaki sa kabilang kalsada. kami naman eh nasa kabila , kung baga eh kabilanan :D . teka parang kilala ko yung isa doon ah ? parang kaklase ko siya pero hindi ko matandaan masyado , hindi naman kasi ako mabilis makatanda ng mga mukha lalo na pag unang araw. Ala bahala na nga lang
Napatingin sakin yug lalaki. siguro natatandaan niya ako ? medyo matagal kasi siyang napatingin sakin bago kumilo sa isang daan kung saan papunta ang bahay nila. nung nakalayo layo na "ate baka may bibilhin ka pa ngayon ? bumili ka na mahirap na sa atin" pano ba naman eh sobrang layo ng tindahan don. bundok kasi itong bayan namin, bago ka makapunta dito eh mahihilo ka talaga sa daan kasi paliko liko. parang bituka pero sanay na ako sa daang yon . kasi simula bata pumupumnta pa kami dito nung buo pa ang pamilya namin. Ganon na ba talaga kami ? hindi ba pwedeng magkabalikan sila ? pano ba naman sila magkakabalikan eh parehas mataas ang pride nila sa isat-isa. hindi na lang ako aasa -_- kasi kung may pagasa pa , dati pa nila nagawa yon eh hindi eh
sa wakas nakarating na ang aking lolo. at mabilis kaming nakauwi kasi wala naman traffic dito. tuwing gabi napapaniginipan ko si mama na hindi na niya kami mahal. na iniwan na niya kami ni ate :( kaya iyak ako ng iyak ng walang nakakaalam .
minsan namimiss ko yung araw araw kong kayakap si mama si mama . katawagan ko si papa. wala na! huli ko ng marealize ko na dapat pala naging mabait ako sa kanila . ano ba yan kung ano ano pa iniisip ko. Dapat tanggap ko na eh kasi since grade 3 pa naman yun. tsk ! magaling pang matulog na lamang ako sa ngayon. maganda ganda pang gawin kesa iyakan ang mga nangiwan sa amin.
-------------
actually this is my 3rd story, hindi ko kasi natatapos yung mga nagiging story ko eh. pero siguro naman matatapos ko na ito :D . totoo pala yung kapag may inspiration ka makakapagsulat ka . okey, enjoy na lang :)
BINABASA MO ANG
Tattoo
Short StoryAkala ko pag iniwan ko siya kaya ko... Akala ko pag lumayo ako makakalimutan ko na siya.. Akala ko wala na siya para sakin... Pero hindi eh. andito pa din siya sa puso ko. Para siyang tattoo na hindi matanggal tanggal sa puso at utak ko. Ganon na ba...