Maaga kaming gumising kasi takot kaming malate eh. Pag male'late ka bukas ka pa makakapasok kaya eto kami . kahit magkaeyebag eh pinipilit gumising. bawal dito ang tamad na tao kaya kailangan may gawin ka. ng matapos na namin lahat naligo na kami at kumain, syempre nagtoothbrush pa . nagsuklay , uniform , polbo . okey ready na ako. Nagintay lang ako ng konting oras katagal kasi ni ate magayos ng sarili niya. Bakit lahat ng babae ganon ? Syempre maliban sakin -_-
After so many years , aalis na kami hoo ! Buti hindi pa late :) kaya dumeretso na kami sa classroom pero kamalas malasan naman oh . Ako ang pinakauna sa room namin -_- at yung nagbubukas eh mamaya pa dadating. Napatingin ako sa orasan ko . It's 6:00 am pa lang.
''Nakakainip naman dito " sabi ko kay ate "kaya nga . Kaaga aga naman kasi natin umalis eh " inis na sabi sakin ni ate. Dumaan ang madaming oras. Atlast 6:30 am na. Saka dumating ang ibatasan ni maam na magbukas nito. Sarap nitong isumbong kay maam eh -_-
"Bakit ba ang tagal mo ?" May iritang sabi ko. Mabilis kasi akong magalit eh. Moody kungbaga . "Nalate kasi ako ng gising eh . Sorry " nagsorry naman siya kaya okey na yun. Pumasok na kaagad ako para makaupo at magdaydream. Araw araw ko itong ginagawa . Ito kasi ang paraan ko para magrelax. Kakaiba no ? :D
Riiiiiiiiiiiiiiiiiiing ! Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiing ! Shet ! Nagulat ako sa tunog ng bell. Ibig sabihin non flag ceremony na namin -_- mahabang speech ng mga teacher na ito ang pinakamasaklap eh nasisikatan kami ng araw. Nakakasunog naman ito ng balat. Kainis. Hindi ko napansin na madami na pala akong kaklase sa room. Kanya kanya na kaming punta sa unahan ng building. Wala pa kasi akong friends eh kaya magisa lang ako pumunta doon. Nakatungong naglalakad ng may napansin ako sa kaklase ko. Hindi sila napunta sa flag ceremony . Ganon na ba talaga katamad ang mga tao sa ngayon ?
Hindi ko na lang sila pinansin at dumeretso na ako sa pupuntahan ko. Bahala na si maam sa kanila. Madaming proseso bago matapos ang flag ceremony. Maglu'lupang hinirang, magpanunumpa sa watawat , kakantahin ang theme ng school , magbabasa ng bible at magdadasal. Born again nga kasi eh . Pero masaya naman.
At ng matapos na . Nakapila pa din na pumunta sa classroom. Ganito pala paghighschool ? Napatingin ako sa kaklase kong mga lalaki. Ang gugulo at ang iingay nila. Baka mapagalitan kami nito. Ang kapansin pansin doon eh yung lalaking matangkad. Hindi kagwapuhan hindi kapangitan. Nakaka attract talaga eh yung tangkad niya. Basketball player kaya ito ? Hay nako. Ano ano ba naman pumapasok sa utak mo nena eh ! -_- . Dire diretso na kami sa kanya kanyang upuan
At kanya kanya na ding daldalan pero sila lang yun kasi wala naman akong makakausap . Kaya nagbasa na lang ako ng notes. ''Oy sheenii lipat ka dito, oy kim doon ka muna sa upuan niya" sabi nong kaklase kong babae. Ang pagkakatanda ko eh ferrie ang pangalan niya. Nagsign na lang ako na ayaw kong lumipat sa upuan ni kim. Pagkatapos non pinagpatuloy ko na ulit ang pagbabasa ko.
Napansin ko na ulit yung lalaking maingay sa flag ceremony kanina. Hindi ko napansin na bukod sa maingay na ,mayabang pala ito. At parang leader ng gulo. Parang walang sinasanto kahit na sino. Napairap na lang ako habang nakatalikod yung lalaki. Hindi ko kasi siya kilala eh. Ayaw ko sa lahat mayabang ! Ewan pero naiinis ako. Wala pa akong naging kaibigan na mayabang. Hay nako.
Naglecture lang at isa ako sa student sa room namin na sumagot ng sumagot kay maam. Lagi kasi akong naga'outline sa mga ituturo ni maam o sir. Hindi naman ako katalinuhan pero may alam naman ako. Bobo talaga ako sa math. Aaminin ko na hindi pa ako marunong magdivide at hate ko ang divide -_- . Kaya minsan hindi ako masyadong nakikinig sa math teacher namin.
At sa wakas t.l.e. na namin . Active kasi ako dito eh. Actually sa lahat ng subject except math -_- . Nangtapos na si maam sa mga tinuturo niya may kumausap saakin . Hindi ko makilala kasi nakatalikod pa ako at pagkaharap ko ay si mr. Yabang pala -.-
''Sheenii pwede bang makahiram ng t.l.e. notebook mo. Magsusulat lang ako" sabi niya sakin. Kaagad ko naman kinuha sa bag ko at tumalikod na ako pero nakita ko pa din kung ano ang huli niyang ginawa. Ngumiti siya sa tropa niya at pinagyayabang na nakahiram siya sakin ng notes. Hay nako mga lalaki talaga Hindi ko na lang ulit siya pinansin.Wala ng magandang nangyari hanggang sa makauwi na ako sa aming bahay. Pano ba naman kumain lang ako at naglinis ng bahay at ng pinggan saka nagaral. Pero bigla agad pumasok sa utak ko na yung nangyari kanina. Yung ginawa ni mr.yabang hayss bakit ko ba iniisip yon ? -_-
Nagfocus na ulit ako sa binabasa ko hanggang sa nakatulog na ako .---------------------------
°Tattoo°
RLB
BINABASA MO ANG
Tattoo
Short StoryAkala ko pag iniwan ko siya kaya ko... Akala ko pag lumayo ako makakalimutan ko na siya.. Akala ko wala na siya para sakin... Pero hindi eh. andito pa din siya sa puso ko. Para siyang tattoo na hindi matanggal tanggal sa puso at utak ko. Ganon na ba...