Role Playing 2 Part 4 (Tattoo)

41 3 0
                                    

Grabe. praktis lang ito pero kinakabahan ako at nahihiya na ako . Pano ba naman nakatingin siya sakin -_- nakakainis ! ayaw ko sa lahat tinititigan ako .  at saka ayaw ko din eh yung aakting ako sa harap ng kaklase ko pati sa guro. hayss 

"Sheenii ikaw na " sabi saaking ni ferrie. siya nga pala ang aming leader "Oh prinsipe juan bundok na ito'y iyong lisanin pagkat ito'y lubhang mapanganib " sabay  ng action ko pero hindi ko talaga maayos. nahihiya ako -_-! " oy guys paayos naman pati ng acting ninyo para hindi na tayo mahirapan pa please. " pakiusap ni ferrie sa aming lahat . napatungo na lang ako sa sobrang hiya 

pumunta na ako sa aming room nung maalala ko kanina yung sulat 

Flashback 7:00 am

"Sheenii may sulat ka oh ! " may pagsigaw pa kasi itong si leslie eh -_- "oh kanino galing ? " irita kong tanong. "eh kanino pa ba ? edi kay rey lance " sabay tawa pati si meg isa sa mga kaibigan ko. tatlo kaming matatangkad sa room pero medyo pandak ako sa pag sila ang kasama ko. matalino din siya . 

Binuksan ko yung sulat at alam niny o ang nakalagay doon ? edi mga baduy na words para maakit ang mga kababaihan ! mga UNA PA LANG KITA MAKITA NAHULOG NA AKO SAYO buti hindi siya nabagok  at sabi pa doon eh NAHIHIYA DAW SIYA SA PERSONAL AT MAY I LOVE YOU PA ! grabe ang babata pa namin alam na niya yon ? -_- kung nahihiya siya dapat hindi na siya nagsulat ! tsk.  napairap na lamang ako at sakto nakakita ako ng basurahan  nagshoot ako doon . uy ! pasok :D 

Pumunta na kaming classroom ng sumalubong siya saamin sabay bulong kay leslie " nasaan na ?" tanong niya dito "ala  tinapon niya eh at alam mo ba ang pangit mo daw sumulat " sabay tawa  at syempre napatawa na din ako kasi totoo naman. lumungkot ang kanyang mukha at napatingin sa akin. nagpapaguilty ba tong yabang na ito ? tsk ! hindi ko na lang ulit siya pinansin at nagfocuss ako sa mga dapat kong gawin

back to normal....

hayss, nakakagutom naman pero yai na babasahin ko na lamang itong aking irorole play. kailan kaya maaalis  ang aking hiya ?  tsss -_- okey kailangan ko ng focuss at hanggang sa magkateacher na kami. maghapon lecture lang . anong bago ? wala !  sumapit na ang hapon, ito na yung pinakahihintay ko. ang uwian :d ewan pero masaya ako lalo na't uwian na :D   

nung nakauwi na ako naglinis kaagad ako ng mga pinggan na ginamit namin kaninang umaga wala kasi gagawa nito sa bahay eh. lola ko naman eh hindi na masyadong makakilos. mabagal na  kaya no choice kami na lang. pagkatapos noon eh naglinis na akong bahay, si ate naman ay tagapagluto kahit kanin lang . may katulong naman kami sa bawat gawain  kaya nakakaya namin. nung nag gabi na nagaral na lang ulit ako para mamaintain ko yung grades ko. medyo nababa na eh kainis naman . kahirap hirap kasi ng mga tinuturo samin ano ba yun at nung nakatapos na ako sa aking binabasa , nagpray muna ako tsaka natulog na para bukas

The next day , pagkadating ko sa room madami ng tao . Grabe ! Late na talaga ako -_- kainis naman si ate kabagal kumilos eh ! . Cleaner pa pala ako. Kaya tumulong muna ako sa mga kaklase ko. Masama na pag hindi ako tumulong no .  Walis dito , walis doon . Ayan tapos na ! Magpapahinga muna ako . Hayy ! May pumasok na lalaki sa aming classroom at dinumihan yung sahig doon sa unahan . Nakakainis ! Ang hirap kaya maglinis . Hanggang ngayon anagpapatakan pa ang aking pawis -_-

"Oy ! Ano ba ! Kakalinis lang kaya niyan tapos dudumihan nyo lang ! Nakakapagod kaya maglinis dito " sinigawan ko na siya. Wala na akong pake pa ! Tama naman ginagawa ko eh . At siya naman napatingin sa akin "Ano lance  patay ka jan maglinis ka na " sabay tawa ng kaibigan niya "ala ayaw ko nga " tapos dire diretso na sa kanyang upuan. Hay nako ! Nakakaasar eh hindi ko na lamang lilinisin yun papakita ko nga kay maam . Ang galing mo sheenii hindi ko kaagad naisip yon :D

"Okey class good... bakit ang dumi nito ! Cleaners naglinis ba kayo ? " ang gulat ni maam don "opo eh dinumihan ulit nga mga lalaki " sabi ko . Maganda na yung lahat sila "sige walisan ulit yan " at umupo na si maam doon sa unahan kung saan nandoon yung table niya.  Yung kacleaners ko siya na yung naglinis noon. Eh ano pa nga bang bago ? Ayun si yabang natingin sa akin -_- . Tsk

TattooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon